Chapter 27

481 Words
AKALA ni Amelie hindi a-attend sa reception si Sunny. Akala niya nang tumalikod ito palabas ng simbahan ay tuluyan na itong umalis. Pero ngayon naririto ang kapatid niya. Alam niyang masama pero nahiling niya na sana ay umalis na lang ito ng tuluyan. Nakaupo ito katabi ng Daddy niya at ng Mommy nito. Suot pa rin nito ang pastel na cocktail dress nito. Nagsasayaw naman sila ni Tristan sa gitna ng bulwagan habang sinasabitan ng pera. Alam niyang wala sa pagsasayaw ang isip ni Tristan kundi na sa kapatid niya. Ilang beses kasi nitong naapakan ang paa niya. Hindi niya rin mapigilan na mapatitig kay Sunny at hindi na naman niya maiwasang sumama ang loob. Napaka-unfair kasi. Nangangalumata ang mga mata ng half sister niya pero fresh na fresh pa rin itong tignan. Halatang hindi naman ito nag-retouch dahil mukha nga itong walang make up pero hindi pa rin nakakasawang pagmasdan ang maamo nitong mukha. Samantalang siya. Nakadalawang retouch na ang make up artist niya pero di hamak na mas maganda pa rin si Sunny sa kanya. Napabuntong-hininga siya kasabay rin ng pagbuntong-hininga ni Tristan. Nagkatinginan pa sila pero hindi nagkatawanan. Halatang mas lalo itong na-badtrip sa kanya. Napalabi na lang siya. "Wag ka ngang lumabi ng ganyan ang sagwa mong tignan," narinig niyang bulong ni Tristan sa tenga niya. Dapat ay mapikon siya dahil obvious naman na hindi iyon biro kundi panlalait pero hindi niya pa rin mapigilang kiligin. Naramdaman niya kasi ang init ng hininga nito sa leeg niya at para siyang nakukuryente sa ginawa nito. "Nilait ka na tuwang-tuwa ka pa? Malala ka na, Amelie," iiling-iling na anito na para bang hopeless case na siya. Hindi niya mapigilang mapabungisngis. Sana'y na siya sa iba't-ibang klaseng panglalait bata pa lang siya kaya naman natutunan niya ng tanggapin ang mga iyon. Kalaunan hindi na siya nasasaktan kapag sinasabihan siyang hipon. Maganda raw ang katawan niya pero tapon naman ang ulo niya. Okay lang sa kanya, at least kahit papaano may kapuri-puri sa kanya. "Nakikiliti kasi ako sa bulong mo," nakangising aniya dito. "Tss!" palatak nito at iniiwas ang tingin sa kanya. Kung pagmamasdan silang dalawa hindi halatang panlalait imbis na panlalambing ang nakukuha niya sa 'asawa'. Mukha silang mag-asawang nag-aasaran. Cute para sa hindi nakakaalam ng tunay na dahilan. "Babe..." anas ni Tristan. Parang kinakapos ng hininga. Lumakas naman ang t***k ng puso niya. Lagi niyang pinapangarap na tinatawag siyang 'babe' ni Tristan. Minsan ngang tinatawag nito si Sunny - na nagkukulong sa loob ng kuwarto nito dahil nagkatampuhan ata ang dalawa. Ni-record niya ang boses ni Tristan at paulit-ulit na pinakikinggan sa gabi at ini-imagine na siya ang tinatawag nito. Tiningala niya si Tristan pero hindi siya ang tinititigan nito kundi ang nasa likuran niya. Si Sunny na nagdidikit ng pera sa gown niya. Nilingon niya rin ang kapatid. Nakayuko ito at hindi sinasalubong ang tingin nila ni Tristan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD