Chapter 52

849 Words

NILINGON ni Tristan si Amelie. Na sa sulok na ito ng kama. Halatang nagbibigay distansiya sa pagitan nila.  Mas okay nga iyon sa kanya. Mas lalo siguro siyang hindi makakatulog kung magkadikit sila ni Amelie. Hindi lang siguro siya sanay na may katabi sa kama niya, at si Amelie pa. Malalim na ang paghinga nito at nasisiguro niyang mahimbing na ang tulog nito. May bakas pa ng luha ang mga mata nito dahil sa pagiyak kanina. Halatang maga na rin iyon na paniguradong mas mamamaga pa pagdating ng umaga. Tumagilid siya ng higa paharap dito. Nakatihaya si Amelie yakap-yakap ang unan niyang ibinigay rito kanina. Nakapaling sa gawi niya ang mukha ni Amelie kaya malaya niyang napagmamasdan ang mukha nito. Hindi katangusan ang ilong ni Amelie, hindi kagaya ng kay Sunny pero hindi naman ito masasa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD