Chapter 42

655 Words

Nagising si Amelie na masakit ang lalamunan at parang may bumahin ang mga mata. Masakit din ang ulo niya at bahagya siyang nahihilo. Nilalagnat nga pala siya. Bago siya tuluyang makatulog kagabi nanginginig na siya sa lamig at parang binibiyak ang ulo niya sa sakit. Hindi na niya alam kung paano siya nakatulog sa ganoong estado. Ang hirap pa lang magkasakit na malayon sa mga magulang. Walang nag-aasikaso, at tumitingin kung... Natigilan siya ng pag-ikot niya ng higa ay may ulo siyang nakapa. Napakurap-kurap siya. Di kaya mataas pa rin ang lagnat niya at nagdedeliryo na siya kaya parang nakikita niya si Tristan na nakayukyok sa sofa bed kung saan siya nakahiga? Para makasiguro sinundot niya ang pisngi nito. Malambot, makinis, at mainit. Mabilis na binawi niya ang kamay at itinakip sa bib

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD