Nakaluto na si Amelie at na-review na niya ang mga pinag-aralan niya kanina pero wala pa rin ang asawa. Nilingon niya ang wall clock na nakasabit sa sala. Alas onse pasado na ng gabi. Sinubukan niya na itong tawagan at i-text pero hindi naman ito sumasagot sa kanya. Iniisip niya na lang na baka na sa meeting ito o baka kinailangang mag-over time. Ang kaso hindi naman niya mapigilang mag-alala. Nilatag na niya ang sofa bed niya at kinuha ang unan at comporter sa silid ni Tristan. Pinatay niya na rin ang ilaw sa sala gaya ng nakagawian niya. Nahiga na siya pero hindi naman siya makatulog. Minabuti niyang buksan na lang ang TV at manood habang hinihintay ang asawa. Nauna na siyang kumain kaya pagdating nito ay aasikasuhin na lang niya. Mag-aalauna na ng marinig niya ang doorbell. Napa