T W O (2/3)

1402 Words
I fix my things and walk out of my office some minutes later after washing my hands. Nagulat na lang ako dahil paglabas ko, may tatlong babae sa tapat ng pinto sabay may mga hawak na mobile phones. “What the—”   Napapikit-pikit ako. Was that a flash?!   Saktong dumating na ‘yung isang security personnel namin at sinuway ‘yung mga babae. Naglakad na sila paalis kasi unang-una, bawal gumamit ng phones sa loob ng ospital lalo kung malapit sa mga medical equipment. Pangalawa, why on Earth are they taking pictures of me?   Inayos ko ‘yung sarili ko as I hurriedly walk my way outside the hospital building. Mabuti na lang, nasa labas na agad si kuya Ted at nag-aabang.   “Somewhere far from home, kuya Ted,” I tell him.   “Miss Gomez?”   “Just. Go,” I order.   So he drives away as I cross my arms over my chest, trying to calm my breathing.   “Hayop na Larqueza ‘yon,” I mumble under my breath. “Mai-issue pa ata ako.”   “Miss Gomez, sa Bulacan po?”   “Kahit saan, kuya Ted. Just don’t go straight home dahil baka nasusundan ako ng androids ng isang hambog na bagyo.”   “Po?” my driver asks in a small voice, sounding confused.   I take a deep, steadying breath. “Don’t mind me.”   Nakatulog ako sa biyahe, obviously. Nagising kasi akong nasa tapat ng isang maliit na bahay na kami ni kuya Ted and it’s a little dark. Pero dahil maliwanag ‘yung tapat ng pinto at may ilaw sa loob, kita mo mula sa labas na maganda ‘yung bahay kahit maliit. Kakarating lang ata namin kasi kaka-park lang ng sasakyan.   “Where are we?” I groggily asks, hearing the ugly rasp in my own voice.   "Miss Gomez, bahay po namin. Ito po 'yung naipatayo namin ni misis habang namamasukan kami sa mga magulang niyo."   I sit up straight and stare at it in awe. “Wow. It’s...”   “Nangako po ako kay misis na dadalhin ko po kayo rito ni ma’am Angel kung hindi naman makakaabala. E, dahil natutulog naman po kayo, dito ko na po dineretso.”   Nakilala ko ‘yung mga anak ni kuya Ted at kinumusta ang asawa niyang nagtatrabaho rin sa bahay namin noon, when my parents were still alive. Maganda ‘yung bahay nila, maliit pero maayos at mararamdaman mong masaya sila kahit hindi nila araw-araw kasama si kuya Ted. Full house, in short.   Partly, nakaramdam ako ng konting inggit. When mom and dad were still here, despite being together in one house, we never felt complete. Laging may kung anong kulang. Hindi kasi kami gano’n ka-close samantalang apat na nga lang kami sa pamilya. Lalo na ngayong wala na ‘yung parents namin, mas nahihirapan na akong gawing matibay ‘yung bond namin ni Angel. Not that I’m trying my best to reach out, but not giving it a try is what makes it sad. Parang nawalan na rin kasi ako ng paki.   Hinintay naming makauwi ang panganay na anak ni kuya Ted na kasing edad lang din ni Angel. Pagdating niya, medyo nagulat akong ngumiti siya agad sa ‘kin na parang alam niya kung sino ako.   “Hi, Miss Gomez,” she greets.   Napangiti ako nang alanganin kasi ito ang unang beses na nakita ko siya pero kilala niya na pala talaga ako agad. “Hello,” I greet back.   Inabot niya ‘yung kamay niya sa ‘kin. “Kristala po. ‘Tala’ na lang.”   “That’s your name?” I ask, amused. She has chocolate brown eyes and her black hair is tied into a pony. Kakatanggal lang niya ng black cap niya. As she nods, I take her hand and shake it. “Issay na lang.”   “Kumain na po kayo, Ma’am Issay?”   “Uhm...” I place my hand on my nape. Suddenly, na-conscious ako sa sobrang galang ng batang ‘to; manang-mana sa tatay. “Oo. Kumain na kami.”   Ngumiti lang siya tapos naglakad na papunta sa kusina siguro. Narinig ko ‘yung mga pagbukas niya ata ng mga nakatakip na pagkain. “Mama, wala na pong ulam?”   Tumayo ‘yung mother niyang nakaupo sa sofa tapos naglakad rin papunta sa kusina. “Anak, bili ka na lang ng lomi sa may kanto. Naubos ni bunso ‘yung ulam kasi hindi raw siya nagtanghalian sa school,” narinig kong sabi ng asawa ni kuya Ted.   “Sige po,” sagot ni Tala. Kinuha niya ulit ‘yung cap niya at sinuot. “Ang lakas pa ng loob kong mag-alok, wala na po palang pagkain,” tumatawang sabi niya sa Mama niya.   Napalingon ako kay kuya Ted na nakatayo sa may bandang pinto. “Saan siya galing, kuya Ted?”   “Po?” parang pagtataka pa ni kuya Ted sa tanong ko.   “I mean, bakit ganitong oras na siya umuuwi? ‘Yung panganay mo.”   “Ay, sa trabaho po galing ‘yan. Nag-aaral po sa umaga tapos nagtatrabaho sa gabi. Sa Manila pa po kasi pumapasok ang batang ‘yan, e.”   “Pero delikado na sa labas nang ganitong oras. Lalo’t hindi naman pangit ang anak niyo.”   “Narinig ko ‘yon.”   Napalingon ako sa anak ni kuya Ted na kakalabas lang sa kusina. Naka-akbay na siya sa mama niya tapos nakangisi. Mas matangkad siya sa mama niya pero siguradong mas maliit pa rin siya sa ‘kin. Nasanay na talaga akong ang standard ng normal na height, e, ‘yung aabot kahit hanggang ilong ko lang.   “Kamukha ko syempre si Papa kaya talagang hindi ako pangit. ‘Di ba, Pa?” sabi niya pa sa papa niya sabay kindat.   Napapailing na lang si kuya Ted. “Aalis na kami, Tala. Ikaw na bahala sa mama mo at mga kapatid mo. Baka nakakaistorbo na tayo kay Miss Gomez.”   “Ha? Pero kakarating ko la—”   “Tala, ‘wag nang matigas ang ulo. Bumili ka na ng pagkain mo ro’n at hayaan mo na si Papa mo,” sabi ng mama niya.   She shrugs and gives me another smile. “Sige. Sa uulitin,” she says. Tumingin siya sa papa niya ulit. “Papa, kumain ka na ba?”   “Salamat, anak. Pero, oo. Kumain na ako.” Niyakap ni kuya Ted ‘yung anak niya when she walks closer to him.   Tumayo na rin ako tapos ngumiti sa asawa ni kuya Ted. “Tulog na po ata ‘yung mga bata kaya hindi na ako magpapaalam sa kanila. Salamat po,” I say to her. “You have a wonderful home.”   Ngumiti rin siya sa ‘kin. “Ang laki mo nang bata ka. Hindi ako makapaniwalang ikaw ‘yung binubuhat-buhat ko lang noon.”   Medyo natawa ako. Umakbay ako sa kaniya tapos hinatid niya ako sa pinto.   “Mag-iingat kayo lagi, Ted, ah? Ni hindi ko hinayaang makagat ng lamok ang batang ‘to noon kaya ‘wag mong papabayaan,” sabi niya sa asawa niya.   “Bye, Ma’am Issay. Sana dumalaw ka ulit,” pahabol pa ni Tala.   Pagtingin ko sa kaniya, nakasandal siya sa frame ng pinto sabay kumindat. Ngumisi lang ako. Lokong bata ‘to. Mukhang sila ni Angel ang magkakasundo, e.   Tulala lang ako sa backseat habang bumibiyahe na kami pauwi. No’ng umpisa, medyo healthy pa takbo ng mga iniisip ko. Mabuti na rin na nagpunta kami ni kuya Ted sa bahay nila at na-distract ako nang kaunti mula ro’n sa naganap sa ospital kanina.   At ito na nga, bigla na namang nagdilim ang takbo ng isip ko dahil lang naalala ko ‘yung ospital. Parang nasayang ‘yung distraction para lang sa isang saglit na encounter na ginugulo na naman ‘yung sistema ko. Bigla ko na lang naalala ang Larqueza na ‘yon kaya pakiramdam ko, iinit na naman ulo ko for no apparent reason. Sumandal ako’t pumikit pero parang nakikita ko na naman ‘yung bloody face niya and those pair of beguiling eyes staring at me.   She really does have this kind of effect on me, no matter how long time has passed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD