bc

Beauty As The Beast

book_age18+
2.6K
FOLLOW
35.2K
READ
dark
versatile
CEO
doctor
gxg
female lead
realistic earth
enimies to lovers
athlete
actress
like
intro-logo
Blurb

Isang taong espesyal sa ‘yo ang humingi ng malaking pabor. At dahil hindi ka makakatanggi sa pabor na hinihingi niya, pumayag ka sa isang experimental project na ginagawa ng institution niyo. No’ng una ay ayaw mo talaga dahil kilalang kilabot ng campus no’ng nag-aaral pa lamang kayo ang hinihiling niyang tulungan mo at kalaunan nga ay naging mas salbahe pa. Drug abuser, justice offender, law violator, outcast—iilan lamang ‘yan sa mga bansag sa kaniya ng mga tao.

At nang maramdaman mong tila hindi kayo umuusad sa pagtulong sa kaniya ay nag-umpisa kang sumuko. Pero nang ipag-tabuyan mo siya at itulak palayo, bigla mong naramdaman na may kulang sa sarili mo. Konsensiya lang ba?

O nahulog ka na sa kaniya?

chap-preview
Free preview
I N T R O
“We call it Operation: Snuggle Buddies. Only few psychiatrists are chosen to be a part of this experimental project. What we aim to do is to deliver platonic services to patients who are suffering from Parasomnia. Our goal is to understand how these patients are behaving during their sleep, and the factors causing their behavior. . .”   Huminga nang malalim si Doctor Isabelle Gomez habang nakatitig kay Doctor Cash Fuentebella na nagsasalita sa harap. Isang batang doktor na hindi maikakailang hinahangaan ng marami hindi lamang dahil sa talino’t pagiging matipuno nito kundi dahil na rin sa kabaitan. Gustuhin man niyang matuwa dahil kabilang siya sa iilang espesyalistang napili para isali sa project na ito, hindi niya magawa dahil alam niyang hindi siya gano’n kainam makisama sa iba.   “. . .and all you need to do is schedule a sleeping pattern with the patients.”   Matapos ang mahabang meeting, pinauna na ni Isabelle ang ibang mga doktor sa paglabas mula sa conference room kung saan sila nagtipon.   “Issay, kapag nahipan ng hangin ang itsura mo ngayon, isa ako sa mga makaka-miss ng poker-face mo.”   At saka na muling nag-angat ng tingin si Isabelle kay Cash. “Remind me again what your standards are for choosing the doctors you invited for this project.”   Lumapit si Cash sa kinauupuan ni Isabelle at naupo sa mesa. Tinitigan siya nito nang may nakakalokong ngisi. “You know, it scares me a lot when I hear you speaking more than five words outside the ER or the counseling facilities. Are you okay, Doctor Gomez?”   “Oh, we’re back to last name basis now? Okay. Please enlighten me again why I’m a part of this, Doctor Fuentebella. Because I just want to let you know na ako lang ata ang hindi mo tinanong muna before hijacking me into this meeting.”   “Come on,” pagtugon ni Cash habang pinapaikot ang mga mata. “The project is not going to go on forever. Give it a shot. The Philippine Science of Neurology and Psychiatry International are trusting our team. They need this for their research. It’s the first in the Philippines at piling-pili lang din ang mga pasyenteng mabibigyan ng ganitong recommendation.”   “And what? Invade someone else’s privacy by watching them sleep? Come on, Cash. Sleeping is an intimate routine of a person that needs to be done privately. Just like brushing your teeth or taking a bath. We can’t just go about and sleep with the patients just for this stupid research. I’m a doctor, not a baby-sitter.”   Nagkibit-balikat si Cash at inabot ang isang metal clipboard kay Isabelle. “Let me know if you ever change your mind,” wika pa nito bago naglakad palabas ng conference room.   Napasabunot si Isabelle sa buhok niya habang tinitingnan ang waiver na iniwan sa kaniya ni Cash. Alam niya sa sarili niyang hindi niya pipirmahan ito kaya tumayo na rin siya at lumabas.   At dahil hindi na nga maayos ang mood niya ay tumawag na lang siya sa kaibigan niyang si Tracy na dalawang araw na rin siyang kinukulit na makipagkita. Hindi lalagpas ng sampung minuto ay narating na ni Isabelle ang meeting place nila ni Tracy sa Ayala. Malayo pa lang ay nakikita na niya ang babaeng mapintog at itim na itim ang mahabang buhok kaya lalong lumutang ang kutis nitong mala-porselana.   “Doktora!” pasigaw na sabi ni Tracy habang kumakaway sa kaniya at halos mahuli nito ang atensyon ng iba pang mga taong nasa paligid.   “Shut up,” wika ni Isabelle nang makalapit sa table kung saan nakaupo si Tracy. “What’s up, Doktora?” bati rin niya rito pabalik.   “Ha! Badtrip. Ano pa nga ba? Naiinis na naman ako kay Angel.” At malinaw rin kay Isabelle ang nararamdaman nito dahil sa nakasimangot nitong mukha. “Ay, ‘tol, coffee?” paanyaya pa ni Tracy.   “You know I don’t drink coffee,” paalala ni Isabelle sa kaibigan. “What’s up with Angel?”   “Hindi na naman nag-text kagabi kung nasaan siya. Lagi na lang ganito, ‘tol. Konti na lang hihiwalayan ko na ‘to.”   “Last year mo pa sinasabi 'yan, ‘tol.”   “Alam ko pero mahal ko kasi kaya ang hirap.”   And there goes the magic line that makes everyone look stupid, naisip ni Isabelle habang walang reaksyong nakatitig sa matalik niyang kaibigan.   ‘Di katulad ni Isabelle na ni minsan ay hindi pa nakakaranas ng ganitong pakiramdam, si Tracy naman ay baliw na baliw sa kasintahan nito—na nagkataon namang kapatid ni Isabelle. Kaya naman ay madalas na hindi na lang kumikibo si Isabelle sa mga ganitong usapan dahil alam niyang maiinis lang sa kaniya ang mga tao kapag narinig nilang iba ang pananaw niya sa usaping pag-ibig.   “Hindi ko na alam gagawin ko kay Angel, ‘tol,” pagpapatuloy pa ni Tracy. “Konti na lang talaga.”   “What do you plan on doing?” malamyang tanong niya.   “Kakasabi ko lang, e. Ewan ko nga. Kausapin mo nga, ‘tol. Please naman, o.”   “Tracy...” Bumuntong-hininga si Isabelle at itinukod ang mga siko sa maliit na coffee table sa pagitan nila. “Look, maganda ka. Sexy ka. Ma-porma. Trust me, medyo clingy ka lang but you’re actually beautiful. And you’re a doctor; a lot of people would die to be in my sister’s shoes.”   Hindi sumagot si Tracy at nahuhulaan na ni Isabelle na iniisip nitong kinokontra na naman niya ang kaniyang kaibigan sa mga paniniwala nito.   “You know that there’s nothing that I can do when it comes to Angel, right?” dagdag pa ni Isabelle. “Parehas natin siyang ‘di makokontrol. Ang isang bagay, kapag hindi na natin kayang hawakan, we have to let go so we don’t get all used up by trying to control it. Gano’n din sa tao. Pakawalan mo na ‘yung ayaw magpahawak. Wala kang mapapala kay Angel. Kahit kapatid ko ‘yan, alam kong hindi worth maka-relasyon ‘yan sa tigas ng ulo niya ngayon. She needs to learn her lesson, too, and maybe that comes in a form of you, leaving her.”   Hindi rin maintindihan ni Isabelle ang sarili nitong kapatid. Sa pananaw niya ay wala namang mali sa kung sino man ang gustong mahalin ng isang tao basta ‘wag lang maging tanga.   At dito na nga nagkakatalo ang paniniwala ng karamihan. Babae si Angel, at babae rin si Tracy. Para kay Isabelle, madalas niyang isipin na mas maganda si Tracy sa kaniyang kapatid pero hindi niya nakikitang dahilan ang parehas nilang kasarian para itago ang relasyon nila sa mundo.   Kahit madalas ay hindi sang-ayon si Isabelle sa mga hahamakin ng isang tao sa ngalan ng pag-ibig ay naniniwala pa rin siyang kahit sino ay may karapatang magmahal ng kahit sinong piliin nila. At ang pagmamahalan nila Angel at Tracy ay kabilang sa mga ito. Sa nakikita niya, hindi si Tracy ang may problema kundi ang mismong kapatid niya na tila nag-aalala sa iisipin ng iba.   “I'll still do my best to talk to her,” na lamang ang nasabi ni Isabelle sa mangiyak-ngiyak nang si Tracy.   Ang totoo ay nakipagkita ito upang pansamantalang kalimutan ang problema sa ospital ngunit dahil nga mas malalang problema pa ang kapatid niya ay naisipan na rin ni Isabelle na bumalik na lang.   Pagdating sa ospital, unang naisipan ni Isabelle na ibalik ang waiver kay Cash para sabihing hindi siya pipirma rito kahit kailan. At dahil madalas na wala ito sa opisina dahil maya’t maya ang pag-aasikaso nito sa mga pasyente ay nagtanong muna si Isabelle sa isang nurse.   “Ay, Doktora, nasa office po niya. May bisita rin po ata si Doc pero sabi naman niya kung may maghahanap sa kaniya, katok lang daw po sa office niya.”   At ‘yon nga ang ginawa ni Isabelle. Pagkarating sa opisina ni Cash ay kumatok na siya. Hindi naman siya nabigo dahil pinapasok siya agad nito.   “Good afternoon, Doc. I just needed to...”   Natigilan siya nang mapansin kung sino ang bisita ng doktor.   “Good afternoon, too, Doctor Gomez,” pagtawag sa kaniya ni Cash. “Come in.”   Napalingon na sa wakas ang babaeng nakaupo sa harapan ng doktor at tila nagulat din ito na makita siya. “Doc Gomez? Dito ka na?”   Napangiti siya nang alanganin habang naglalakad na papasok sa opisina ni Doctor Fuentebella. “ “Hi. Uh, yes. But I will be transferred to North so technically—not really assigned here. How’s it going?”   “Magkakilala kayo?” pagtataka naman ni Cash.   “She’s my sister’s friend in college,” mabilis na sagot ng batang Larqueza.   At mabilis din namang itinanggi ito ni Isabelle. “Actually, no. In fact, we were sports rivals in college and we never even had a congratulatory conversation so you can say that we’re not really friends. But we know each other, I guess.”   Nagtataka man ay napatango na lang si Cash sa kanilang dalawa. Nahalata rin ni Isabelle na parang hindi mapakali ang babae sa kaniyang pagkakaupo at hindi niya maiwasang isipin na dahil ito sa presensiya niya.   “Since you’re here, Doctor Gomez, I’d like to let you know that Ms. Spring Breeze Larqueza here is going to be under your supervision as she interns in our North site,” pagbabalita ni Cash. “She’d like to be a resident Toxicologist.”   Napatingin naman si Isabelle kay Bree dahil halatang nagulat itong siya ang magiging supervisor niya. “S-siya? Bakit?” pagtataka ni Bree.   “Well, she’s the only doctor of Toxicology with a license grant to supervise interns,” Cash explains. “You’re in good hands, Miss Larqueza.”   Napataas ang isang kilay ni Isabelle. “Relax. It’s not like it’s a marriage proposal or something,” pampalubag-loob pa ni Isabelle. “By the way, Cash, I went here to give this to you.” Nilapag niya ang clipboard sa table.   “Keep it. Give it to me after two weeks. I want you to think about this thoroughly,” Cash says, standing up. “Now, Miss Larqueza, you agreed to start your residency practice tomorrow. So be there and look for this lady. Okay?”   Tumayo na rin si Bree at tumango bago nakipag-kamay kay Cash.   Naiwan si Isabelle na nakatitig kay Bree habang nakalagay sa magkabilang bulsa ng lab coat niya ang mga kamay. “So the girl with so many titles. Now, you decide to add another one?”   Ngumiti lamang si Bree sa kaniya. “Sayang naman kung hindi ko magagamit ‘yung inaral ko sa Toxicology, Doctor Gomez.”   “It’s Isabelle when we’re not at work. See you tomorrow, then,” paalam naman ni Isabelle habang naglalakad na palabas.   Bitbit muli ang metal clipboard, napangisi si Isabelle sa kaniyang sarili habang naiisip ang pwedeng maganap. Mula unang makilala ni Isabelle si Bree isang beses nang maisugod sila sa MGH dahil sa Ricinus Communis Poison, naging isang malaking hiwaga na sa kaniya ang taglay nitong katalinuhan. Isa itong propesyonal na Veterinarian, Zoologist, Botanist at Scientist na ngayon nga ay magdadagdag na naman sa listahan ng kaniyang propesyon.   This is going to be interesting, naisip niya.   “Doc!”   Napalingon muli si Isabelle pabalik nang tawagin siya ng pamilyar na boses ng pinakabatang Larqueza. “Yes?” tanong niya habang pansamantalang tumitigil sa paglalakad.   Naglakad na rin ito palabas ng opisina ni Cash at lumapit sa kaniya. “I know this is going to be a little embarrassing but... Can I at least have your number?”   Napangisi naman si Isabelle nang marinig ito at walang dalawang-isip na sinulat ang personal niyang number sa likod ng waiver na hawak niya. “Keep the entire paper. I wouldn’t need it anyway.” ‘Yon lang at tumalikod na siya upang maglakad paalis. Muli na naman siyang napangisi dahil nakita niya ang ngiti ng pinakabatang Larqueza sa kaniya nang i-abot niya ang papel dito.   At dahil wala nang gagawin ay napagpasyahan na rin niyang magpunta sa naka-schedule niyang dadalawin sa araw na ito.   “Issay?”   Tumingin si Isabelle sa pinanggagalingan ng boses na tumawag sa kaniyang palayaw. Matapos ang araw niya sa ospital ay dumiretso siya sa pinakamalapit na bakeshop upang bumili ng mga cake. “Can I help you?” mahinahong tanong niya.   Naka-suot ito ng simpleng asul na poloshirt at itim na maong pants, may katangkaran. “Issay, me. Silver.”   Nag-isip muna si Isabelle habang pilit na inaalala kung sino ang lalaking ito. “Sorry... I... Uhm...”   “I was your schoolmate in St. Dominique. We used to be seatmates in Psychology class.”   At doon niya napag-tanto sa wakas kung sino ang lalaking ito. Naaalala na niya na ito ang parehong lalaki na may mala-tinunaw na tsokolate ang nangungusap na mga mata, at laging amoy matamis na strawberries sa tuwing dumarating sa klase. “Oh. Darius? Darius Silver Smith, right? Lei’s boyfriend in college?”   Biglang tumawa ang lalaki. “You’re kidding, right? No, I was never Lei’s boyfriend. We’re just best friends. But, yeah, I guess you finally recalled.”   Tumango na lamang si Isabelle bilang pagsang-ayon. Si Lei. The Autumn Leaf Larqueza na kilabot ng buong campus. Naaalala niya kung paano harap-harapang na-basted ng babaeng ‘yon ang karamihan sa batch nila. Walang sina-santo, maging mga kalalakihan ay takot sa kaniya maliban nga sa lalaking kaharap ngayon ni Isabelle kaya inakala ng lahat na magkasintahan ang dalawa.   “So... What’s up?” tanong ni Darius.   At bilang hindi rin naman interesado si Isabelle sa kahit anong small talks mula noon pa man, nagbayad na ito sa counter ng bakeshop at muling lumingon kay Darius. “Don’t take this the wrong way but... I’m in a hurry. See you when I see you.”   Pagkalabas ay nag-aabang na ang driver niya sa kaniya at handa na rin ito sa kung saan sila pupunta. Tahimik lang siyang nakatanaw sa bintana ng sasakyan.   “Miss Gomez, nandito na po tayo.”   Tumango lang siya sa driver at bumaba na para pumunta sa puntod ng kaniyang mga magulang. “Happy death anniversary, Mom... Dad,” bati niya habang nagsisindi ng mga kandila at saka inilagay ang mga cake sa tabi nito.   Naupo siya sa pagitan ng dalawa at tahimik na nagpatuloy sa pagbabasa. Makalipas ang ilang oras ay napag-desisyunan na niyang umalis at umuwi. Madilim na rin nang makarating sila ng driver sa bahay at dumiretso na siya sa kwarto upang magpahinga.   Ang huling nakita niya bago ipikit ang kaniyang mga mata ay ang ngiti ng pinakabatang Larqueza sa kaniya kanina bago siya magpaalam at umalis. At higit sa lahat...   Those gray eyes.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
386.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

NINONG II

read
631.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook