DC10: Ink

1012 Words
Kahit naduduwak na ako ay hinayaan ko lang si Troyce hanggang sa labasan siya. Bigla akong nawalan ng gana. Kahit wala kaming relasyon ni Troyce, hindi pa rin masarap sa pakiramdam na may sinasambit siyang ibang babae habang nagpapakasarap sa katawan ko, lalo na sa bibig ko. Matamlay akong humiga sa kama, hindi ko alam kung ilang rounds pa ang gusto niya pero ako, naging tahimik na lang. Ito ang mahirap kapag pinagsabay ang trabaho at puso. Papalpak talaga ang mga plano, gaya ng madalas ipaalala ni Derek sa akin. Naghiwalay kami ni Troyce ng walang imikan. Hindi niya inusisa kung bakit alam ko ang totoo niyang pangalan. Bumalik ako sa opisina na matamlay. Wala doon si Derek. Binuksan kong muli ang mga files ng kaso ni Mia Sandoval. Isang litrato lang ang naroon, black and white pa. Pero base sa itsura ng biktima, walang balat ang ibang parte ng katawan. Bukod pa dito, nakagapos ang babae sa kama. Napapalibutan ng mga adult toys o pang b**m. Bigla akong kinilabutan. Si Troyce ang primary suspect at kung siya talaga ang totoong pumatay kay Mia Sandoval, maaari niyang gawin ito sa akin. Kailangan kong maging mas malapit kay Troyce upang makakuha ako ng mas malalim na impormasyon. Target ko na madala niya ako sa kanyang bahay o hideout kung meron man. Pinalipas ko muna ang ilang araw. Sinubukan kong bisitahin siya sa kanyang clinic. “Hey, Tori. What brought you here?” agad na tanong niya nang makita na isa ako sa mga pasyente niyang nakapila sa upuan. Nginitian ka lang siya. Hinayaan kong unahin niya ang mga pasyenteng nauna. Dermatologist si Troyce kaya may rason akong mag-pacheck up. “Gusto ko sanang magpa tattoo kaso baka may allergy ako sa balat. Gusto ko mag test. Skin Test. Para siguradong hindi ako magkaka impeksyon kung sakali.” paliwanag ko. Ngumiti lang siya akin saka inasikaso ang mga kailangan para sa skin test. Habang naghihintay ng result, nakaupo lamang ako sa loob ng kanyang clinic. Mayga frame na nakasabit. Ang isa ay lisensya at ang isa ay tattoo artist certificate. Tumaas ang kilay ko. Tinawag niya akong muli upang i-explain ang tungkol sa sensitivity level ng aking balat. Okaay naman daw at maaari akong magpa tattoo kahit buong katawan pa. “Ah, Troyce. I mean Dooc. May mai-suggest ka bang tattoo artist?” medyo alanganin ako sa tanong kong iyon. “Here, take this.” nilapag niya ang isang calling card na may kumpletong contact number at address. Umalis agad ako at bumalik sa opisina. Kinukumpara ko ang calling card address at contact number. Kinilabutan ako dahil ganun din ang nakuhang ebidensya sa crime scene ni Mia Sandoval. After three days, pinuntahan ko ang nasabing lugar. Nagulat pa ako dahil ito rin ang bar kung saan kami unang nagkakilala ni Troyce. Gaya ng dati, kailangan ng awra na may dating. Maingay at musok sa loob. Hindi na ako nagulat nung matanaw ko si Troyce na nasa sulok ng bar counter. Kausap nito ang lalaking kausap niya rin nung gabing iyon. Tahimik akong umupo malapit sa kanya. Simple lang ang aming titigan. Nakailang shot muna ako bago magkaroon ng lakas na itanong ulit kay Groyce ang tungkol sa tattoo artist. “Troyce, yung binigay mong address, dito rin.” simula ko. Medyo tipsy na ako dahil sa tapang ng alak. “Let's go.” maikling sagot niya. Hinila niya ang kamay ko saka sinuong namin ang grupo ng mga nagsasayaw sa gitna ng dance floor. Dumaan din kami sa isang hallway na pula.lang ang ilaw kaya medyo hindi ko maaninag ang mga dinaanan namin. Narating namin ang isang pinto na ginamitan lang ni Troyce ng fingerprint niya. Tumaas ang kilay ko. Pag aari niya ang club na ito? Naisip ko, posible kung meron siyang access sa lugar at parte ng building na ito. Hindi na ako nagtataka pa, muntik ko ng makalimutan. Isa nga palang Montero ang kasama ko. Ang anak ng isang kilalang retired na Mafia at Underground Boss. Ang mga Montero ay lihim na naninirahan sa bansa at dito na lumaki ang kanilang mga anak. Pero ang origin ng pamilya ay galing ng Italy kung saan doon ito namuno. Sensitibo ang topic na iyon kaya ang proyektong binigay sa kanya ay tungkol lamang sa anak ng mag asawang Sandoval. Si Mia Sandoval ay kaisa-isang anak ng kilalang Mayor ng isang bayan sa bansa kung saan hindi matahimik sa pagkawala ng anak kahit ilang taon na ang nakalipas. Ilang bese ng nabuksan ang kaso ng anak ngunit wala ring may nakapag patunay na siang Montero nga ang kumitil sa buhay ng kanyang anak. Hindi matanggap ng mga ito kung paano at gaano ka brutal ang pagkamatay ni Mia. Ang trabaho ko lang ay kumalap ng mas malalim na impormasyon at king papalarin ay makakuha ng mga concrete evidence. Hindi ko expected na sarili ko mosmo ay ma involve sa taong suspect sa pagpatay kay Mia. Napaka pribado ng kwarto. Nakita ko ang iba't ibang uri ng karayom na nakadisplay sa isang glass table at iba pang gamit sa pag-ink. Sinuyod ng mata ko ang mga bote ng tinta. Tiningnan ko ang brand ng mga ito. Tumaas ang kilay ko. Napaawang ang bibig ko dahil ang brand na ginagamit dito ay tulad din ng brand ng tattoo ink na nakuha sa crime scene. Bukod pa rito isa itong de klase tinta ng balat at expensive ito dahil sa quality. Sino ka ba talaga, Troyce? “So, how would you like the place? Everything here is sterilized. Besides, I don't put tattoo to anyone na walang recommendation.” pukaw niya sa akin na busy sa pagsiapt ng mga kagamitan. Nakita ang higaan na adjustable. Wala sa loob na sumampa ako doon at komportablemg nilapat ang sarili. Pinikit ko ang mata ko dahil medyo nahihilo na ako. Napadilat akong bigla nang maramdaman ko ang dulo ng kutsilyo sa aking leeg. “Hindi ako ang pumatay kay Mia Sandoval! Mahirap bang maunawaan 'yon?” sigaw niya. Nanghilakbot ako ng biglang itarak ni Troyce ang kutsilyo sa aking leeg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD