Sa kanyang pagbalik sa apartment, hindi mawala sa isip ni Jean ang kakaibang papel na natagpuan. Habang nakahiga, nagmuni-muni siya, pilit na inaalala ang bawat detalye ng papel. Muli niyang kinuha ito mula sa bulsa at pinagmasdan ang mga detalyadong disenyo ng baraha sa border.
Naisip niya na marahil ay isa lamang itong promotional ad, pero may bahagi ng kanyang isipan ang hindi mapakali. Ano kaya ang meron sa “Academy Obscura”? Bakit wala siyang makuhang impormasyon sa internet?
Kinabukasan, habang nagpapahinga sa kanyang apartment, muling bumalik ang kuryosidad niya. Naisip niyang mas maganda sigurong malaman ang tunay na intensyon ng paaralan kung saan tila napakaganda ng mga aktibidad. Kaya’t sa kanyang paglilibang, nagdesisyon siyang bumalik sa lugar kung saan niya ito napulot, umaasang baka may makita pa siyang ibang bakas o pahiwatig.
Nang makarating siya sa lugar, nakita niyang wala na ang ibang mga papel. Naglakad-lakad siya sa paligid at nagtatanong-tanong sa ilang tao, ngunit tila walang may alam tungkol sa "Academy Obscura."
Maya-maya, isang lalaki ang lumapit sa kanya. Sa kanyang paglapit, nakasuot ito ng isang eleganteng trench coat at may hawak na malaking libro.
"Ikaw ba si Jean?" tanong ng lalaki sa mababang tinig.
Nagulat si Jean at bahagyang napaatras. "Oo… paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"May bagay ka kasing napulot na sa'yo dapat mapunta. Hindi lahat nakakapulot ng ganong papel," sagot ng lalaki habang may bahagyang ngiti sa kanyang mukha. "Kung handa ka nang malaman ang mas malalim na dahilan ng iyong pagkapulot sa papel na iyon, puntahan mo ako sa lugar na ito bukas ng gabi," ani niya habang iniaabot ang isang maliit na kard kay Jean.
Pagkatapos ay tumalikod ang lalaki at naglakad palayo. Agad na tiningnan ni Jean ang kard; nakasulat dito ang eksaktong lugar at oras, isang eskinita sa isang hindi gaanong kilalang parte ng lungsod.
Habang pauwi, napaisip siya sa kakaibang tagpong iyon. Hindi siya mapakali; gusto niyang malaman ang nasa likod ng misteryo ng “Academy Obscura,” pero kinabahan din siya sa ideya ng pagpunta sa isang hindi kilalang lugar.
Ngunit sa kanyang muling pagtingin sa kard, tila may kakaibang pag-akit itong hatid. Tuluyan nang nagpasya si Jean na pupuntahan niya ang lugar bukas, at handa siyang harapin ang kahit ano pang misteryo ang nakaabang sa kanya.