chapter one

2407 Words
Halos itapon ko na ang cellphone ko dahil sa ingay. Alam ko naman kung bakit nag-iingay 'yon. Alarm ko 'yon. Napaungol ako nang hinawi ko ang kumot na nakataklob sa aking katawan. Bumangon ako saka hinawi ang aking mahaba at medyo kulot na buhok. Napahilamos ako sa aking mukha kahit na medyo masakit pa ang aking mga mata dahil sa antok. Kinuha ko ang maingay kong cellphone sa aking tabi saka pinatay ang alarm. Ibinalik ko 'yon sa aking tabi saka marahas na nagbuntong-hininga. Nagpasya na akong umalis sa ibabaw ng kama. Dinaluhan ko ang aking closet. Nakasabit na kasi sa labas ang damit na susuotin ko ngayong araw. Inilipat ko 'yon sa aking kama para hindi na ako mahihirapang magbihis. Kinuha ko na rin ang aking body towel na nakasabit naman sa likod ng pinto ng aking kuwarto. Sunod kong ginawa ay pinuntahan ko na pinto ng banyo para makaligo na. Nakakahiya naman kung maleleyt ako! Unang buhos palang ng tubig mula sa shower ay kusang bumuhay ang aking kaluluwa! Nagawa ko pang humiyaw dahil sa lamig na dumapo sa aking katawan. Ilang sigaw pa ang ginawa ko bago man ako nakapagsabon. Wala pang bente minutos ay tapos na ako. Minsan tinatanong nga ako ni Maseng kung lalaki daw ba ako kasi ang bilis ko daw maligo. Eh naman ako makasagot dahil minsan ay nagtataka din ako sa sarili ko. Lumabas akong nakatapis. Agad kong nilapitan ang kama. Nagsimula na akong magbihis at pinatuyo ang aking buhok para maayos ko ito maya-maya. Long sleeves white polo shirt at itim na blazer nang pang-itaas ko, samantalang black high waist skirt ang pang-ibaba ang pinagpasyahan kong isuot. Mamaya na ako maghi-heels dahil madali akong mangalay kung ganoon. Hindi rin puwedeng hindi ko ayusin ang aking mukha, simpleng make up lang para maging presentable naman ako sa harap ng panel mamaya. Pagkatapos ay sunod ko naman inayos ay ang buhok ko. Pinusod ko ito para mas lalo ako maging komportable habang nasa byahe ako. Ilang araw na din ako nagpraktis sa harap ng salamin kung anong mga isasagot at ngiti ko. Kailangan, may confidence ako! Nagmamadali kong kinuha ang aking sling bag pati na din ang paglabas ng kuwarto. Halos patakbo akong bumaba ng hagdan na siya naman ang pagsalubong sa akin ng isang mabangong amoy. Bigla tuloy nagwawala ang mga alagad ko sa tyan! Naglakad ako patungo sa Kusina. Nadatnan ko doon si Maseng na kakatapos lang niya magluto ng agahan. Kinikilig akong lumapit sa kaniya at talagang niyakap ko pa siya kahit na busy pa siya sa paglagay ng mga pagkain sa mesa. "Good morning, Maseeeng!" masigla kong bati sa kaniya. "Hay, salamat! Gising ka na!" bulalas niya. "Good morning din, siya, kumain ka na. Para may maisagot ka sa interview mo mamaya." Tuwang-tuwa kong nilapitan ang isang upuan saka hinila 'yon. Umupo ako at nagsimula na akong kumuha ng pagkain. Sumunod na rin siyang umupo at nagsign of the cross siya bago niya galawin ang pagkain. "Ang sarap talaga, Maseng!" kinikilig kong bulalas nang tikman ko ang luto niyang omelet! Ngumiwi siyang tumingin sa akin. "Ikaw nga itong marunong magluto sa ating dalawa, dapat ikaw ang gumagawa nito." reklamo pa niya saka sumubo na din ang omelet. "Ready ka na ba mamaya sa interview mo? Wala ka na bang makakalimutan?" "Oo naman!" mabilis kong tugon. "At saka, ilang araw na kaya ako nagpraktis sa harap ng salamin para may maisagot ako sa mga tanong nila mamaya." Huminga siya ng malalim. "Maganda naman kasi ang trabaho mo sa restaurant na 'yon. Bakit kasi naisipan mo pang umalis doon? Maayos din ang sweldo nila sa iyo." Ngumuso ako. "Eh kasi naman..." Muli siyang nagbuntong-hininga. "Oo na, kasi nga malapit ang resto na 'yon sa workplace ang gago mong ex boyfriend." dugtong pa niya. "Nakamove on ka naman na sa kaniya, hindi ba?" "Oo naman!" sagot ko. "I can handle the pain, Maseng. Alam mo 'yan." "Sabi mo, eh." saka ipinagpatuloy pa niya ang kaniyang pagkain. Lumapad ang ngiti ko. Nakakatuwa ang dahil noong nalaman kong niloloko lang ako ni Ace, si Maseng ang hindi umalis sa tabi ko. Sa loob ng anim na buwan na pagmumukmok, kahit na ayaw ko kumain ng mga oras na 'yon, pinipilit niya akong kumain. Tanda ko pa ang sinasabi niya sa akin, "Okay lang maging broken pa, pero huwag kang magkakaroon ng ulcer!" Kasi mababatukan daw niya ako sa oras na malaman niyang hindi talaga ako kumain. Madalas pa nga ay pinapasalubungan niya ako ng mga pagkain galing fast food dahil aminado siyang hindi siya marunong magluto at wala siyang oras para mag-aral kung papaano magluto dahil busy din siya sa kaniyang ginagawa bilang Physician Assistant. Pero kahit ganoon ay naappreciate ko pa rin ang effort niya. Talagang gumastos siya para hindi ako magutom kahit na minsan matigas ako. Mahaba ang pasensya niya sa akin. College buddy ko kasi at thesis buddy na din kaya nang sabay kami grumaduate, hindi ako nagdalawang-isip na isama ko siya dito sa bahay, tutal naman ay wala rin naman ang parents ko at ako lang ang mag-isa. Mabuti nga't pinatulan niya ang offer ko. Maliit lang naman ang sinisingil ko sa kaniya. Hati lang kami sa kuriente at tubig, five hundred pesos lang ang sinisingil ko bilang renta, 'yon lang. Pero napapaisip ako kung papaano ako napunta sa isang Motel noong nalasing ako? Nagising nalang kasi ako naroon ako. Lalo na't mag-isa lang ako. Wala naman akong naramdaman na kakaiba sa katawan ko. Wala namang masakit sa akin. Chineck ko din noon kung may nawala ba sa akin pero wala naman. Bilang na bilang ko pa ang pera ko, naroon pa sa wallet ko ang dalawang atm card ko. Kahit ang cellphone ko, hindi nawala. Nagdecide akong umuwi pagkatapos. Magbabayad sana ako pakacheck out pero ang sabi sa akin eh bayad na daw ang pagcheck in ko. Fully paid pa. Tinanong ko pa kung sino, ang sabi niya sa akin ay ang lalaking naghatid sa akin. Hindi rin daw nagtagal dahil dinala lang ako doon sa kuwarto para lang makapagpahinga at makatulog na ako. Pagkatapos namin kumain ay papasok na siya ng work. Sasabay na ako sa kaniya para tipid na din ako sa pamasahe. Hindi naman niya ako matanggihan. Tutal naman ay may sasakyan naman siya. Motor scooter nga lang. Hindi bale! "Oh, ito." sabay abot niya sa akin ang helmet. Tinanggap ko 'yon saka isinuot ko ito habang siya naman ay inaayos niya ang kaniyang motor scooter. Nagsuot na din siya ng helmet. Binuhay niya ang makina saka bumaling sa akin. "Let's go, Mimin." utos niya sa akin. Sumunod ako. Dahil nakaskirt lang ako, side saddle ang pag-upo ko sa kaniyang likuran. Humawak pa ako sa kaniyang magkabilang balikat para naman may suporta sa akin habang nasa byahe kami. Sinimulan na niyang pausadin ang kaniyang scooter. "Humawak ng mabuti, Mimin." malakas niyang bilin sa akin. "Okayyyy!" ** Naniningkit ang mga mata ko habang nakatingala ako sa matayog na gusali pagdating namin. Ang Tung Xiao. May mga taong naglalabas-pasok doon. Tingin ko karamihan sa kanila ay mga empleyado mula sa matayog na gusali na 'yon. Napalunok ako. Hindi ko kasi akalain na ganito pala kalaki ang building na ito! Nakikita ko lang kasi ito sa internet. Iba pala kapag personal! Bigla tuloy ako nakaramdam ng kaba pero hindi, kaya ko 'to! Kailangan ko na ng trabaho! Oo, sinayang ko ang anim na buwan pero kailangan kong bumawi! Bumaba na ako mula sa pagkaupo ko sa scooter. Hinubad ko na ang helmet saka ibinalik kay Maseng. "Salamat sa paghatid, Maseng!" "Galingan mo sa interview mamaya." "Syempre naman! Sige na, una na ako sa loob. I love you!" "I love you too. Ingat ka. Text ka lang kung magpapasundo ka o ano." "Opo! Ingat ka din!" binawi ko ang aking tingin at nagmamadali na akong pumasok sa building. Sinabi ko pa sa guard na mag-aapply ako. Pinayagan nila ako. Nagtanong naman ako sa receptionist kung saan ang daan kung nasaan iinterviewhin ang mga aplikante na tulad ko. "Wait lang po, Ma'm. Tatawagin ko lang po..." kinuha niya ang telepono saka may kausap ito. Ilang saglit pa ay tumingin siya sa akin nang mababa niya ang telepono. "Kayo po pala si Miss Mimin Velasco. Naghihintay na po ang mag-iinterview sa inyo sa mismong office niya." saka itinuro niya sa akin kung saan ko mamatagpuan ang office na 'yon. Nagpasalamat ako bago ako umalis sa harap niya. Nilapitan ko ang elevator at sumakay. May operator naman sa loob kaya mas mapapadali kong mahahanap ang office na tinutukoy ng receptionist. Habang nasa loob ako, hinahanda ko na ang sarili ko. Ilang beses ko pang sinusuklay ang buhok ko sa pamamagitan ng aking mga daliri. Hindi ko na rin mabilang kung nakailang buntong-hininga ang ginawa ko para maging relax ako. Muli ako nagpasalamat nang tumuntong ang elevator sa tamang baitang. Lumabas ako mula sa elevator. Medyo nawindang pa ako dahil may babaeng nakatayo sa labas ng elevator na ito. Ginawaran niya ako ng matamis na ngiti. "Mimin Velasco, right?" tanong ng babaeng kaharap ko. "Ah, yes po. Ako nga po...." "I'm Syabell. Nice to meet you, Miss Velasco." nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Tinanggap ko 'yon. Bumitaw din siya pagkatapos. Sunod naman niya nilahad ang kaniyang palad patungo sa isang direksyon. "Please let me lead you the way to CHRO." Ngumiti ako at sumunod sa kaniya. Medyo nagtatambol na ang dibdib ko dahil sa kaba pero pilit ko pa rin nilalabanan 'yon. Hindi ako pupwedeng umatras dahil numero unong pumapasok sa isipan ko ay kailangan ko ng trabaho. Kailangan ko ng pera. Ayokong maging pabigat kay Maseng. May pangarap din siya at ayokong maging harang sa anumang gugustuhin niya sa buhay niya. I need to mind my own business. Tumigil kami sa harap ng pinto na yari sa narra. Humarap sa akin si Miss Syabell nang nakangiti. "Naghihintay na po siya sa loob. Kanina pa po niya kayo hinihintay. Pwede na po kayo pumasok." "Salamat po, Miss Syabell." siya pa ang nagbukas ng pinto para sa akin. Humakbang pa ako papasok sa loob ng Opisina. Natigilan ako nang nakatapak na ako. I could sense the tension in this room. Kusang tumindig ang balahibo ko. Wala sigurong multo dito, diba? Iginala ko ang aking paningin sa paligid hanggang sa may namataan akong isang lalaki na nakaupo sa leather chair. Nakasandal siya doon at seryosong nakatingin sa akin. Lumunok ako nang matindi. Mas ako nakaramdam ng kilabot dahil ramdam ko ang pagiging dominante niya, he looks intimidating too! Wait, interview ko ngayon pero bakit mag-isa lang siya dito? Tumayo siya. "Good morning, Miss Velasco. I'm Jhafarin Hochegco. The Chief HR Officer of Tung Xiao." itinuro niya ang silya na nasa harap niya. "Have a sit and let's start." What the hell? Siya ang CHRO?! Wait, ibig sabihin... Face to face interview pala ang magaganap ngayon?! Nilapitan ko ang upuan na kaniyang itinuro at umupo. Hinubad ko ang aking sling bag saka ipinatong 'yon sa aking kandungan. Kahit na medyo kinakabahan ako, sinikap ko pa rin tumingin sa kaniya dahil isa ito sa factor na matatanggap ako sa trabaho. Pinapanood ko siya kung papaano niya pinag-aralan ang resume ko. Wala akong mabasa na ekspresyon sa kaniyang mukha, maliban lang sa pagiging seryoso nito. "So... Tell me something about yourself." he demand as he give me a serious gaze right straight into my eyes. Tumikhim ako saka sumagot. "Thank you, Sir for this opportunity. I am Jasmine Velasco, and belong to a nuclear family. My father is a Government Employee and my mother is a Vice Principal at a private school. I am the only child. We are a very close-knit family. On an individual front, I perceive myself as a confident, conscientious and hardworking individual. I carry out any task assigned to me without hesistation, provided the instructions are clear. In the case of doubts, I never hesistate ti put forth my questions. I have always been a fast learner, and I love to keep my process of learning to figure out better ways of solving problems. Moreover, I love to compete with my own past performances then competing with my peers, as I believe that improvement is always better than perfection." hindi mawala ang ngiti ko nang sambitin ko ang mga salita na 'yon. Tumango siya. Pero bakit titig na titig siya sa akin? "Why are you leave your past job?" Lumunok ako sa kaniyang sagot. Damn it. Medyo hindi ako prepared sa part na 'yan pero sige, try ko pa rin sagutin. "I'm looking for an opportunity where I can leverage my skills and experience, while also balancing time with family and friends. I believe we perform our best when we have a healthy balance between work and life." tugon ko. He scoffed that makes me puzzled. Bakit ganoon ang reaksyon niya. May nasabi ba akong nakakatawa or what? "Miss Velasco, we're hiring for a front desk officer. But in your resumé, it says you're graduated from a Culinary School. And you're a sous chef..." saka pinagmasdan na naman niya ako. Mas seryoso pa ang kaniyang tingin na iginawad niya sa akin. "I'm sorry to telling this to you... You're out." Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "H-hindi ako tanggap..." mahina kong sabi. Ramdam ko ang panghihina. "Yes, first of all. Nakilala kita pero hindi mo ako kilala dahil lasing ka ng gabing 'yon. Pangalawa, hindi tugma ang skills ang hinahanap ko. Hindi tugma ang inaapply mo sa tinapusan mo. At pangatlo..." tumayo siya at nasuminghap. Inayos niya ang butones ng kaniyang business suit. "I hate people like you, liars. All I know, you are broken that night." Sa mga narinig ko, daig ko pang sinaksak ako ng matalim na punyal na diretso sa aking puso. Inilapat ko ang aking mga labi para pigilan ang sarili kong maiyak. "I... I'm sorry..." I almost lost my voice. "Thank you for coming." he said. "If you excuse me, maaari ka nang makaalis. Marami pa akong gagawin." Tahimik akong tumayo at nilisan ang silid. Pagtapak ko sa labas ay doon na tumulo ang mga nagbabadya kong mga luha. Nilabas ko ang aking cellphone at nag-iwan ng mensahe kay Maseng. TO MASENG : Failed. Ibinalik ko ang aking telepono sa bag. Pinunasan ko ang mga luha na panay tulo, ni hindi ko alam kung kailan ko matatapos. Damn it. Kung alam ko lang... Putang ina talagang buhay ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD