prologue
"Tapos na po ako dito, Ma'm Laraya!" masiglang paalam ko sa aking amo na si Madame Laraya Ho nang ipinakita ko sa kaniya ang plating ko.
Agad niya ako dinaluhan saka tiningnan ang ginawa ko. Kumuha siya ng tinidor sa tabi. Kumuha siya ng kaunti. Pinapanood ko lang siya kung papaano niya tikman ito. Ngumuya siya saka natigilan. Nilipat niya sa akin ang kaniyang tingin, tumaas ang isang kilay niya bilang reaksyon niya. Malapad na ngiti ang iginawad niya sa akin. Automatiko na din akong ngumiti, marahil ay maganda ang pahiwatig nito. "Masarap, Mimin. Hindi talaga ako nagkakamali na kinuha kitang sous chef ko." pagpuri niya sa akin. Ibinalik niya sa mesa ang hawak niyang tinidor. "Pwede ka nang umuwi. Alam ko naman masyadong espesyal ang gabi na ito para sa iyo."
Mas lalo ako nasiyahan sa kaniyang sinabi. "Maraming salamat po, Ma'm Laraya!" halos mapatili na ako nang sabihin ko ang bagay na 'yon. Agad akong umalis sa kaniyang harap. Naglakad ako palabas sa Hot Kitchen habang hinuhubad ko ang apron at toque hat ko.
Buhat nang grumaduate ako ng Kolehiyo ay pinangarap ko na talagang magtrabaho sa isa sa mga restaurant o kumpanya ng mga Hochengco dahil marami ding nagsasabi na masasarap ang mga pagkain na meron dito. Bukod pa doon, pang world class daw ang mga dishes na meron sila pati na rin ang serbisyo nila. At isa ako sa mga maswerteng tao na nabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho dito. Ang akala ko nga noong una, sobrnag higpit ni Madame Laraya dahil palagi siyang nasigaw o may napapagalitan na empleyado. Iyon pala, ganoon daw talaga ang ugali na meron siya. Kumsabagay, kasama na din daw sa trabaho ang ginagawa niya sa amin. Kaya lang naman daw kami sinisigawan to surpass our limits. Na may maibubuga pa kami sa pagdating sa pagluluto.
Nagmamadali akong pumasok sa locker room. Dinaluhan ko ang locker ko saka binuksan. Tumambad sa akin ang mga gamit ko doon. Isa-isa kong kinalas ang mga butones ng aking uniporme at nagpalit ng damit. Inilabas ko ang floral printed blouse at high-waist jeans mula sa loob n'on. Nagpalit na ako ng damit. Sunod ko naman inilabas ay ang shoulder bag ko. Hinahanap ko ang cologne ko saka pinahid sa aking leeg. Inayos ko din ang maalon kong buhok saka pinusod 'yon dahil mas komportable ako doon. Nang maibalik ko na ang cologne sa loob ng bag ay inilabas ko naman ang aking cellphone. Sumilay ang matatamis na ngiti sa aking mga labi. Agad kong tiningnan kung may mensahe ba galing kay Ace, ang long-time-boyfriend ko. Wala akong nakuha ni isa, maliban nalang sa mga mensahe na natanggap ko mula kay Maseng, ang bestfriend ko. Sunod-sunod ang mensahe niya. Panay tanong niya kung uuwi ba daw ako kaagad o hindi kaya ay kakain pa ba ako sa bahay pagdating.
Nagpasya akong magtimpa ng isasagot ko.
TO MASENG :
Sa labas ako kakain. Kahit huwag mo na akong tirhan!
Pinindot ko ang send at hinayaan ko lang marating ang mensahe ko na 'yon sa kaniya. Ipinatong ko muna ang aking telepono sa aking tabi at ipinagpatuloy ko pa ang aking pag-aayos. Dalawang espesyal na kaganapan ang meron ngayon kaya todo ang paghahanda ko. Lalo na't hindi ako makapahintay na makasama ko siya mamaya!
Muli nagvibrate ang aking telepono. Aligaga kong tiningnan. Baka si Ace na 'yon. Pero nagkamali ako. Si Maseng, nagreply siya.
FROM MASENG :
Oh sige. Basta mag-iingat ka. Itext mo ako kung susunduin kita. Unli ka naman. I love you!
Nireplyan ko naman siyang I love you too saka tinapos ko na ang pag-aayos ko.
**
Ilang ulit na akong nagbubuntong-hininga habang nakaupo sa isa sa mga bench dito sa Luneta. Panay sulyap ko na nga din sa aking orasan na nasa pulsuhan. Panay silip ko din sa cellphone ko dahil nag-aabang ako na baka may text message na si Ace. Ilang beses na din akong nagpadala ng mensahe sa kaniya pero wala ni isa ang isinagot niya.
Tumuwid ako ng upo saka niyakap ko ang aking sarili. Napukaw ang aking atensyon ang nakakahalinang ilaw at nagsasayawng tubig mula sa malaking fountain ng Luneta. Maraming tao dito ang naririto. Pinapanood ang inaabangan ang event na ito.
Dahil sa matiyagang paghihintay ay hindi ko na namalayan na inabot na ako ng isang oras sa paghihintay. Ayokong umiyak o sumama ang loob. Palagi kong sinisiksik sa isipan ko na baka natraffic lang siya o hindi kaya ay wala siyang load. Pwede ring pareho. Pero kahit anong positibong ipinapasok ko sa aking isipan ay hindi ko maitanggi na bumibigat na ang loob ko, kaya kong maghintay ng ganito katagal para sa lang sa kaniya.
Hindi naman siguro niya nakakalimutan kung anong isecelebrate namin ngayong gabi, right? Sa tinagal-tagal na namin, tiyak hindi niya makakalimutan ito.
Pero hindi, wala akong napala. Nagpasya na akong tumayo. Isinuot ko na ang shoulder bag at naglakad na papalayo sa event. Yumuko ako habang nagpapakawala ng bawat hakbang.
"Ace babe! Ang ganda!"
Kusang tumigil ang mga paa ko. Tumayo ako ng tuwid at tumingin sa aking kaliwa dahil doon ko narinig ang boses ng isang babae. Pinapanalangin ko sana ay magkamali ako. Na hindi ang boyfriend ko ang tinawag ng babaeng 'yon. Pero mas bumigat pa ang aking pakiramdam habang sinusundan ko 'yon ng tingin.
Halos mapugto ang aking hininga nang tumambad sa akin ang dalawang tao. Nakaakbay ang lalaki sa babae, masaya silang nanonood ng show. Kasabay na nagkaroon ng fireworks sa kalangitan. Sumabay din na sumabog ang puso ko sa nakikita ko. Marahas umagos ang butil ng aking luha na walang kasiguraduhan kung saan 'yon pumatak. Pakiramdam ko ay ilang beses akong pinagsasaksak ng matatalim na punyal sa nasaksihan ko.
"Ace..." mahina kong tawag sa kaniya pero bigo siyang tumingin sa akin. Dahil natatabunan ng ingay ng paligid ang boses ko.
Imbis na lapitan ko sila ay hindi sapat ang lakas ng loob ko na gawin ang bagay na 'yon. Humakbang ako paatras, tinalikuran at sinikap kong makalayo kahit na isa-isa nang kumawala ang mga luha ko.
**
Nakakaramdam na ako ng hilo. Hindi ko na kasi namalayan kung nakailang lata na ako ng beer. Nakaupo lang ako sa isa sa mga bench dito sa Roxas Boulevard. Nakatanaw naman ako sa karagatan na nasa aking harapan. Mugtong-mugto na ang mga mata ko dahil sa kakaiyak.
Tumayo ako. Mas lalo ako nahihilo. Hindi ko malaman kung masusubsob na ba ako o ano. Pero iisa lang nasa isip ko ngayon. Gusto ko nang umuwi. Hinihintay ko lang matulog si Maseng dahil maaga naman talaga natutulog 'yon. Papara nalang ako ng taxi at magpapahatid nalang ako.
Tumigil ako sa paglalakad nang may naaniga akong lalaki na nakaupo sa isa bench, hindi naman siya kalayuan mula sa aking direksyon. Para bang tulala. Kahit na nakaupo ang isang 'to, halatang matangkad ang isang ito. Palagay ko ay six-footer ang isang ito.
Kahit na namumungay na ang mga mata ko, kahit inaantok na ako ay tila may nagtulak sa akin na puntahan ko ang lalaking 'yon. Walang sabi na umupo pa ako sa tabi niya na tila ikinagulat pa niya. Tumingin ako sa kaniya at ngumisi. "Yow," bati ko pa.
Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Dumodoble na ang aking paningin, s**t. Pero narerecognize ko pa rin siya kahit papaano.
"Iniwan ka din ba?" tanong ko.
Wala akong nakuhang sagot.
Tumawa ako na may halong sarkastiko. Binawi ko ang tingin ko saka tumingin sa dagat. "Bakit kayong mga guwapo, ang dali-dali lang para sa inyo na ipagpalit ang isang babae?" tumigil ako ng ilang segundo, nagbabakasali na sumagot siya pero bigo pa rin. I scoffed. "Kaya ayokong magboyfriend ng guwapo kasi habulin... Kasi... Maraming kaagaw..." lumiyad pa ako saka balik ng tingin sa kaniya. "Hmm?"
Wala akong nababasang reaksyon sa kaniyang mukha, maliban nalang na seryoso ito. Mukhang suplado.
"Okay, I get it. Pipi ka yata." tumayo na ako para layasan siya pero na-out of balance pa ako. Pero tila may sumalo pa sa akin.
"Tsk." rinig ko sa kaniya. "Kababae mong tao, lasing ka pa. Madidisgrasya ka pa sa ginagawa mo."
Ngumiwi ako at pilit na bitawan niya ako. Pinakawalan naman niya ako. "Huwag ka nga magsalita na akala mo alam mo kung anong dinadamdam ko!" hindi ko mapigilang singhalan siya.
Nagbuntong-hininga siya sa harap ko. "Fine. Ihahatid na kita—"
"Hinde, kaya ko sarili ko!" pero muli na naman akong mapasubsob sa pagkakataon na ito pero muling may naglgtas sa akin!
Nagtama ang mga tingin namin. Chinito pala ang isang 'to! Maputi pa! Mukhang maalaga sa katawan ang isang 'to! Pero bakit nakakunot naman ang noo nito? "Tagasaan ka ba at ihahatid na kita."
"Sa puso mo."
He looked in disbelief. "W-what?"
Damn it, parang hinahalukay ang sikmura ko ngayon! Napahawak ako sa coat niya at walang sabi na inilabas ko ang masasamang elemento mula sa aking tyan! s**t, epekto talaga ng alak, oh! I heard him cussed. Ilang beses pa niya tinitingnan kung may malay pa ba ako.
"You're unbelievable, lady." rinig ko mula sa kaniya. "Baka hindi ka na makauwi sa inyo."