PROLOGO

517 Words
Nakatayo sa harapan ng malaking salamin si Angelo na nasa loob ng kanyang kwarto na matatagpuan sa isang seminaryo. Dahan-dahan nitong hinuhubad ang damit pang-seminarista niya. Nakatingin ang mga may galit nitong mga mata sa salamin at bakas din sa mala-anghel nitong mukha ang matinding galit na bumabalot sa kanyang dibdib. Hanggang sa mahubad na niya ang kanyang pang-seminarista na damit at ang natira na lamang ay ang suot niyang panloob na sandong puti at boxer. Hubog na hubog sa mga suot niyang iyon ang magandang hubog ng kanyang katawan na resulta ng page-ehersisyo niya tuwing umaga. Kahit naman nasa loob siya ng seminaryo ay hindi pa rin niya nakakaligtaan na mag-exercise at panatilihing malusog ang kanyang pangangatawan. Umbok na umbok rin ang itinatago nitong p*********i na nasa loob pa ng suot na brief at boxer. Halatang may ipagmamalaki iyon. Gwapo si Angelo. Malaki at matipunong lalaki sa edad na bente-dos anyos. Ang taas nito ay nasa lima’t-onse na bumagay sa magandang pangangatawan niya. May pagka-moreno ang makinis na balat mula ulo hanggang paa. Hindi ito mabalbon kaya maliban sa may buhok ito sa kili-kili, wala na itong buhok sa katawan. Kahit bigote at balbas ay hindi tumubo sa mukha nito. Maikli ang gupit ng buhok. Singkit ang mga mata. Matangos ang ilong at may kanipisan ang labi. Bumagay ang mga iyon sa magandang hugis ng mala-anghel na mukha. Perfect ang jawline na lalo namang nagpagwapo rito. Marami ang nanghihinayang na magiging pari na siya. Napakagwapo naman kasi niya para maging isang pari siya kaya nga araw-araw ay laging marami ang nagsisimba. Karamihan doon ay mga babae at mga kalalakihan din para lamang masilayan siya at marinig na rin ang maganda niyang boses na kasing lamig ng simoy ng hangin sa pasko. Kasali rin kasi siya sa choir ng simbahan. Ilang araw na lang ay vows na niya at magiging isang ganap na siyang pari matapos ang mahaba niyang pananatili at pag-aaral sa simbahan. Ito ang napili niyang propesyon dahil ito ang sa tingin niya’y nababagay sa kanya. Gusto niyang paglingkuran ang Diyos habambuhay kaya nga hindi man lang ito nagkaroon ng girlfriend at hind ito nagkaroon ng karanasan sa pakikipagrelasyon at lalo na sa pakikipagtalik dahil gusto niya ay purong-puro siya kapag naglingkod siya sa Diyos. Ang gusto niya, birhen pa siya at wala mang sinuman ang nakakagalaw sa katawan niya. Gusto niya, Ang Diyos lamang ang iibigin niya habambuhay. Mabait na bata si Angelo. Sobrang bait na animo’y isa itong anghel na ipinadala ng langit dito sa lupa. Sobra itong matulungin sa ibang tao at hindi marunong magalit. Ilang araw na lang ay vows na niya… magiging isang ganap na siyang pari pagkatapos ng maraming taon niyang pag-aaral. Pero lahat ay magbabago ng dahil sa isang pangyayaring puputol sa kagustuhan niyang maging pari. Isang pangyayaring pagmumulan nang matinding galit sa puso ni Angelo. Galit na magreresulta sa pagnanais niyang maghiganti. Ang kabaitan at kabutihang loob ay may hangganan. “Sisiguraduhin kong magbabayad ka sa ginawa mo. Tandaan mo, habambuhay kitang sisingilin dahil kulang pa ang buhay mo para pagbayarin ka sa naging atraso mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD