13

1304 Words

“Mukhang napapadalas ang pagpunta mo rito. May trabaho ka, ‘di ba?” tanong ni Rexon kay Angelo habang naka-dekwatrong nakaupo ito sa single sofa. Si Angelo naman ay nakaupo sa mahabang sofa. Nasa living room sila ngayon ng mansyon. Nagulat na nga lamang si Angelo nang biglang dumating si Rexon at naupo sa sofa at kinausap siya. Iniwan kasi siya muna sandali ni Dennise para pumunta sa kusina at maghanda ng makakain ni Angelo. Ngumiti nang maliit si Angelo. “Uhm… Pinapunta kasi ako dito ni Dennise. Saka, mamayang gabi pa naman ang trabaho ko. Alam mo naman iyon, ‘di ba? Na nagtatrabaho ako sa bar?” Napatango-tango naman si Rex. Napansin ni Angelo na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Rex, kumunot ang noo at nagkasalubong ang kilay nito. “Magkasintahan na kayo ng kapatid ko, ‘di ba?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD