18

1152 Words

“Salamat sa paghatid sa akin,” ani ni Angelo kay Rex saka ito ngumiti. Nakahinto ngayon ang kotse sa tapat ng tenement building na tinitirhan niya. Tumingin si Rex sa labas ng bintana na nasa side ng passenger seat. Napansin nitong maraming tao sa labas kahit na umaga pa lang. “Diyan ka ba talaga nakatira?” nagtatakang tanong ni Rex. Tumango-tango si Angelo. “Mukha bang magulo?” tanong nito. Napatango naman bilang sagot si Rex. “Mura lang kasi ang renta dito kaya kahit na medyo magulo nga sa lugar na ito, dito ko na napagpasyahang tumira. Saka okay lang naman ‘yang mga tao kasi mababait sila, marami nga lang kaya nasasabing magulo.” Napatango na lamang muli si Rex. “Sige at bababa na ako. Pakisabi kay Dennise na nandito na ako sa Maynila,” pakiusap ni Angelo. “Sige,” sagot ni Rex

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD