29

3998 Words

Bumungad kay Rex ang napakaraming tao ngayon sa loob ng music bar. Karamihan ay mga babae at halos nagtitilian. Nakaharap ang lahat ng stage kung saan, nakikita niya mula doon na nag-aayos ng mga instrumento at kung ano pa ang isang banda. Hindi pa niya nakita doon si Angelo. Marahil ay nasa backstage pa ito. Pumwesto si Rex sa bandang gilid ng music bar. Madilim ang bahagi na kinatatayuan niya kaya hindi siya basta-basta makikita dito kahit na matangkad siya. Nakatingin lamang siya sa stage. May hinihintay na tao na lumabas. Hanggang sa halos mabingi si Rex sa sigawan at tilian ng mga babae nang lumabas si Angelo na may bitbit na gitara. Napangiti si Rex. Hindi maikakaila na nasa itsura nito ang pagiging isang musikero. Nasabi din kasi sa kanya dati ni Dennise na isa itong tagapagturo n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD