28

919 Words

“A-anong ginagawa mo dito? Pa-paano mo nalaman na-” “Pinahanap kita,” sagot kaagad ni Rex na ikinagulat muli ni Angelo. “A-Ano? Pinahanap?” naguguluhang tanong ni Angelo. Marahang tumango-tango si Rex. “Hiling iyon ni Dennise… ang hanapin ka,” sagot ni Rex. Lumapit siya kay Angelo. “Alam na namin ang lahat… alam namin kung bakit nilalayuan mo na ngayon si Dennise.” Nagbaba nang tingin si Angelo. Napabuntong-hininga ito ng malalim. “Ayoko lang na makagulo sa pamilya ninyo… kaya mas pinili kong gawin ito,” saad ni Angelo nang hindi nakatingin kay Rex. “At sa tingin ko, tama lang din na ginawa ko ito.” “Hindi lahat ng tama, nagdudulot ng kaligayahan,” seryosong sambit ni Rex. Nagbuga ito ng hininga. “Hindi mo lang alam pero sobrang lungkot ngayon ng kapatid ko. Tawag siya nang tawag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD