Naabutan ni Nathalie ang mommy niya na nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV. Mag-isa lang ito dahil nagtatrabaho ang daddy niya sa kompanya ng mga dela Torre, bilang isang manager. Ang kanyang ama ang pinagkatiwalaan ng mga dela Torre. Isang lawyer naman si Nathalie at ang mga dela Torre ang nagpapaaral sa kanya. Siya kasi ang napili noon na bigyan ng scholarship ng company kung saan nagtatrabaho ang kanyang daddy. Nilapitan niya ang mommy niya at hinalikan niya ito sa pisngi.
"Hi, Mommy. Kumusta po ang araw ninyo? Hindi po ba kayo na-bored?" paglalambing niya sa kanyang mommy. Nag-iisa lang kasi siyang anak kaya sobrang mahal siya ng kanyang mga magulang. Mabait na anak si Nathalie at masunurin ito sa kanyang mga magulang. “Kumusta na po ang pakiramdam ninyo? Naninikip pa rin ba ang dibdib niyo, Mommy?" tanong niya sa mommy niya.
"Anak, okay lang ako. Huwag kang mag-alala sa akin. Tsaka hindi ko naman kinaligtaan ang mga gamot ko," sagot ng mommy niya.
"Mommy, si daddy wala pa po ba? Bakit palagi na lang siyang late kung umuwi? Saan ba siya pumupunta?" tanong ni Nathalie sa kanyang ina..
"Na-promote kasi ang daddy mo, anak. Siya na ang nag-mamanage sa isang branch sa company nila," saad ng mommy niya.
"Wow! Mabuti naman, mommy. Ang galing talaga ni daddy. Bukas, mommy, maaga akong aalis huh. May pupuntahan kami ni Nathan pakisabi na lang po kay daddy. Mauna na po akong matulog, mommy. Maaga pa ako bukas. Good night po, mommy. I love you po,” sabay halik sa pisngi ng mommy niya.
"Sige, anak. Hintayin ko muna ang daddy mo. Good night, anak."
"Goodnight, mommy," saad ni Natalie
"Goodnight anak," tugon ng mommy niya.
Maagang natulog si Nathalie dahil may lakad sila ni Nathan kinabukasan at kailangan blooming daw siya para mas lalong gumanda siya sa paningin ng lalaking pinakamamahal niya.
Nagising si Nathalie sa lakas nang kanyang alarm clock at nagmadali na siyang mag-shower pagkatapos ay nagbihis na kaagad at naglagay ng make up. Hindi na siya nag-breakfast.
"Anak, mag-breakfast ka muna," sabi ng mommy niya.
"Mommy, hindi na po. Late na ako, Mommy. Salamat, mommy. Huwag mong kaligtaan ang mga gamot mo, huh?" saad nito at nagmadaling umalis. Nagmamadali si Nathalie halos paliparin niya ang kanyang kotse. Dahil red light kaya huminto muna siya kasabay ng iba pang mga sasakyan sa daan. Green light na pero biglang namatay ang makina ng kanyang kotse at kahit anong gawin niya ay hindi na ito umaandar. Dahil sa inis ng may-ari ng sasakyan na
nakasunod sa kanya, binangga ang bumper ng kotse niya.
"s**t! Bastos! Teka lang, huh!” Lumabas siya sa kanyang kotse at nilapitan niya ang sasakyan na nasa likuran niya. Kinatok niya ang salamin nito pero hindi binuksan ng may-ari ang salamin ng kotse nito. Bumalik si Nathalie sa kanyang kotse at kinuha niya ang kanyang baseball bat. Binalikan niya ang kotse na bumangga sa kanyang bumper. Hatawin sana niya ang salamin gamit ang baseball bat, pero biglang bumukas ang salamin ng kotse.
"Halika, lumabas ka rito!" sigaw niya pero nang makita niya ang may-ari ng kotse ay bigla siyang natigil dahil sa sobrang guwapo nito. Napatitig siya sa lalaki.
"Mister! Bakit mo binangga ang bumper ng kotse ko? Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita ang kotse ko? Or nagbulag-bulagan ka lang?" singhal niya.
"Nagmamadali kasi ako, miss. I'm sorry. Meron akong hinahabol na client. Medyo nainis ako kasi ang tagal mo! Hindi mo ba nakikita go na 'di ba? Bakit hindi mo pa rin pinaandar ang kotse mo?" sabi nang lalaki.
"Mister! Nasira ang kotse ko kaya hindi siya umandar at ang bastos mo naman. Sayang ang ganda ng kotse pero ang nag-drive sobrang yabang!" sigaw niya.
"Miss, anong sinabi mo? Gusto mo ng pera? Wait,” may dinukot ang lalaki sa kanyang wallet at kumuha siya ng pera. “Ito, miss. Ipaayos mo na lang ang sira ng kotse mo, okay?"
"Hindi ko kailangan ng pera mo. Mag- sorry ka sa akin!" sigaw niya sa lalaki.
"No way! How come na mag-sorry ako sa 'yo? 'Di na kailangan.”
"Ganoon? Ayaw mong mag-sorry,” hatawin na sana ni Nathalie ang kotse pero sumigaw ang lalaki.
"Okay! Okay! I'm sorry! P'wede mo na ba akong paalisin?" sigaw ng lalaki. Hindi nakapagsalita si Nathalie at naiwan siyang mag-isa sa gitna ng kalsada kasama ang kanyang sirang kotse.
Pagdating ni Nathalie sa meeting place nila ni Nathan ay humingi ito ng sorry sa boyfriend niya dahil late na siyang dumating. "I'm sorry. Medyo late na ako,” humalik ito sa boyfriend niya at nagkuwento siya sa nangyari kung bakit na-late siya.
"Okay lang, babe. 30 minutes late ka lang naman, eh. At sanay na ako kaya ko nga ang two hours late ka sa mga previous date natin," biro nitong sinabi.
"Babe naman, eh. I'm sorry na, please. I love you, babe. Hinalikan ni Nathalie ang boyfriend niya sa labi at tamang-tama at dumating na ang kanilang client. Lumapit ito sa kanilang table.
"Hello, Nathan. Kumusta ka na?" tanong nito.
"Vanessa, long time no see. Ang ganda mo pa rin. Umupo ka, by the way si Nathalie, girlfriend ko. Nathalie si Vanessa kaibigan ko noong sa kolehiyo," nakangiti nitong sinabi.
"Hi, Nathalie. Kumusta? Ang suwerte mo naman sa girlfriend mo, Nathan. Ang ganda niya," puri ito kay Nathalie.
"Hello, Vanessa. Okay lang ako. Ikaw, kumusts ka? Mas suwerte ako kay Nathan. Sobrang maalaga at mapagmahal siya sa akin,” saad nito.
"Nathan, wait lang, huh. Vanessa, tumawag kasi si daddy sagutin ko muna baka importante lang,” paalam niya sa dalawa.
Pag-alis ni Nathalie, tinititigan ni Vanesa si Nathan.
"Van, bakit mo ako tinititigan ng ganyan?” tanong ni Nathan.
"Nathan, akala ko wala ka pang girlfriend? Ang reason kung bakit gusto kitang makita ngayon kasi gusto ko sanang makipagbalikan sa 'yo. Pero late na pala ako kasi may nobya ka na," malungkot niyang sinabi.
"Vanessa? Matagal na tayong naghiwalay. Nakalimutan ko na 'yon. May bago na akong mahal ngayon. Baka nakalimutan mo na ikaw ang bumitaw sa akin," sagot ni Nathan.
"Nathan, dahil natatakot ako na baka hindi mo ako matanggap kapag malaman mo na hindi ako p’wedeng magkaanak, kaya iniwan kita,” saad ni Vanessa.
"Vanessa, tapos na 'yon. Nakaraan na at ayaw kong malaman ni Nathalie na ex-girlfriend kita tsaka nasaan ang boyfriend mo?" tanong ni Nathan kay Vanessa.
"Wala na kami. Sinabi ko kasi na hindi ko siya mabibigyan ng anak kaya hindi ako matanggap ng mommy niya. Kailangan nila ng tagapagmana sa kayamanan nila kaya kahit mahal pa namin ang isa't isa kung hindi ko naman siya mabigyan ng anak, hindi pa rin kami p'wedeng magpakasal. Mas pinili niyang sundin ang mommy niya Nathan,” umiyak si Vanessa habang nagkuwento.
Pagbalik ni Nathalie sa table nila nakita niyang umiiyak si Vanessa kaya nagtataka si Nathalie. Palipat-lipat siya ng tingin kay Vanessa at Nathan.
"Babe, may problema ba? Bakit umiiyak si Vanessa? Vanessa, okay ka lang ba? tanong ni Nathalie.
"Ah, Nathalie, wala 'to. Sige, mauna na ako sa inyo,” mabilis na tumayo si Vanessa at nagmadaling umalis.
"Babe, medyo complicated ang lovelife ni Vanessa. Wala 'yon. Hayaan mo na,” saad ni Nathan.
"Nathan, close friends ba kayo ni Vanessa? Bakit parang nag-alala ka sa kanya nang sobra?" tanong nito.
"Nathalie, naawa lang ako. Hindi naman kami ganoon ka-close," sagot nito.
"Tapos na ba ang business meeting ninyo? P'wede na ba tayong bumalik?" tanong ni Nathalie.