Umalis na si Nathalie at Nathan sa restaurant. Aminado si Nathalie na medyo nagseselos siya kay Vanessa kasi iba ang nakikita niya sa mga mata ni Vanessa at si Nathan naman ay parang medyo naguguluhan at palaging balisa. Pero itinago niya na lang sa puso niya ang kanyang nararamdaman. Dahil ayaw niyang mag-away sila ni Nathan.
Pagdating nila sa opisina, tahimik si Nathalie at may iniisip siya. Pero hindi siya nagpahalata kay Nathan. Isang abogado si Nathalie at ganoon din si Nathan. Almost 2 years na rin ang kanilang relasyon at kahit minsan hindi sila nagkaroon ng mabigat na problema.
Kaya mas pinili niyang dibdibin ang kanyang kakaibang naramdaman. Lunch time, hindi kumain si Nathalie dahil mas pinili niyang tapusin ang kanyang mga ginawa. Tinawag siya ni Nathan pero hindi siya lumapit. Pagkatapos ng ginawa niya nagpaalam siya kay Nathan na umuwi nang maaga para puntahan niya ang kanyang daddy sa opisina na pinagtatrabahuhan nito.
"Babe, okay ka lang ba? Bakit parang ang tahimik mo yata?" tanong ni Nathan kay Nathalie. Mabilis naman sumagot si Nathalie na pagod lang siguro siya dahil marami siyang tinapos na files.
Nagpaalam na siya kay Nathan, at nagmadali siyang sumakay sa kanyang kotse. Pagdating niya sa office ng daddy niya wala siyang naabutan. Ang sabi ng secretary nito hindi na raw ito pumapasok. Nagtataka si Nathalie dahil palagi naman itong wala sa bahay nila. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan niya ang kanyang daddy. Pero hindi nag-ring ang phone nito. Nag-alala na si Nathalie kaya nagmadali na siyang umuwi ng bahay.
“Mommy? Nasaan po si daddy? Pinuntahan ko po siya sa opisina pero wala siya doon. Alam niyo ba kung saan na branch siya na-assign, Mommy? Bakit palagi na lang late si daddy kung umuuwi?” tanong ni Nathalie.
“Anak pabayaan mo na lang ang daddy mo. Nagtatrabaho naman siya para sa ating dalawa, 'di ba?” tugon ng mommy niya.
"Pero, Mommy, palagi na lang ganyan si Daddy," nakasimangot nitong sinabi.
"Anak, please. Tama na, ayaw kong magkataasan tayo ng boses," saad ng Mommy niya.
"Okay, Mommy. Kayo na po ang bahala."
"Ma'am Viola, may mga tao po sa labas may mga pulis po at hinahanap nila si Sir Victor.
“Huh? Anong mga pulis, yaya?” Tumakbo agad si Natalie sa labas at nakita niya na kinukumpiska ang kanilang mga sasakyan at may pumasok na mga tao sa loob ng bahay nila para kunin ang kanilang lahat na gamit.
“Anong ginagawa ninyo? Bakit kayo pumasok sa pamamahay namin?”
“Nasaan ang asawa ninyo, Misis? May warrant po kami para sa asawa ninyo. Nakadispalko po siya ng pera sa company at may order din po na lahat ng kotse at mga gamit ninyo ay kumpiskahin na namin.”
"Ano? Mommy, nasaan si daddy?" tanong ni Nathalie.
"Anak, huwag kang mag-alala pupuntahan ko ang boss ng daddy mo kausapin ko sila."
"Mommy, no! Ako na ang pupunta, mommy. Dito lang po kayo."
"Anak, huwag na ako na ang bahala dito ka lang muna, huh. Pagbalik ko, anak, okay na ang lahat."
"Okay po, Mommy. Mag-ingat po kayo.”
“Sir Miguel, nakikiusap ako sa inyo. Huwag ninyong ipakulong ang asawa ko. Gagawin ko ang lahat para mabayaran ang nakuha niyang pera.”
“10 million, Mrs. Navarro. Kaya mong bayaran? Sabihin mo sa akin kaya mo bang bayaran? Ngayon din ibalik mo sa akin ang pera na ninakaw ng asawa mo!" sigaw ni Miguel.
"Sir Miguel, hindi na siya umuwi sa amin ilang araw na. Hindi alam ng anak ko na hindi na umuuwi ang daddy niya. Parang awa mo na bigyan mo pa kami ng ilang buwan para maibalik namin ang pera ninyo," pakiusap nito.
"Mrs. Navarro, gusto kong makita ang anak mo," mula sa kanyang likuran ay nagsasalita ang mommy ni Miguel na kararating lang.
"Anong pangalan ng anak mo at ilang taon na siya?" tanong nito.
"Nathalie, Ma'am. 30 years old na siya," sagot niya.
"May asawa na ba siya?"
"Wala pa, Ma'am pero may boyfriend siya." Sagot niya.
"Gusto mong matapos ang problema mo, 'di ba? Gusto mong iurong namin ang kaso laban sa asawa mo?" tanong nito.
"Ma'am, kung p'wede lang. Please, gagawa ako ng paraan."
"Okay, tapos na ang problema mo. Ipakasal natin sila sa anak ko at quits na tayo."
"Huh? Anong ibig ninyong sabihin?" tanong nito na naguguluhan.
"Gusto kong ipakasal natin ang mga anak natin. Solve ang problema at bibigyan pa kita ng 10 million para makapagsimula kayo ulit ng asawa mo," offer nito.
"Ako na ang bahala sa anak mo. Lahat ng gusto niya ibibigay ko. Mamahalin ko siya katulad sa pagmamahal mo sa kanya. Basta bibigyan niya lang kami ng apo, 'di ba lawyer ang anak mo? At kami ang nagpapaaral sa kanya? Professional ang anak mo kaya huwag kang mag-alala hindi ko siya pababayaan,” dagdag pa nitong sinabi.
"Pero, Ma'am, hindi nila mahal ang isa't isa. At may boyfriend ang anak ko, ayaw kong masasaktan siya dahil sa akin,” sagot nito.
"Ayaw mo? 20 million, sasakyan, bagong bahay, ibibigay namin sa inyo ng asawa mo at ipangako ko na mamahalin at aalagaan ko ang anak mo,” saad nito.
"Mommy, hindi pwede. Hindi ko kilala ang anak nila, baka magkaproblema pa tayo," saad ni Miguel.
"Miguel, hindi ko kailangan ang opinyon mo. Huwag kang magsalita!" saway ng mommy niya sa kanya.
“Mrs. Navarro, deal? Akin na ang ballpen, Miguel, at cash. Tawagan mo ang accounting at mag-prepare ng cheke. Ito ang kontrata, Mrs. Navarro. Para walang dayaan pirmahan mo," deretso nitong sinabi.
"Madam, hindi niyo na ba ipakulong ang asawa ko? Hindi niyo ba papahirapan ang anak ko?" nag-aalala nitong tanong.
"Hindi na, Mrs. Navarro. Nasa kontrata ang lahat. Finger print at pirma mo na lang ang kulang,” sagot nito.
Pinirmahan ni Viola ang kontrata at sa mga oras na 'to ay pag-aari na ng mga de la Torre si Nathalie.
Pagdating ni Nathalie sa bahay nila. Nagtataka siya kung bakit namamaga ang mga mata ng mommy niya. Hinalikan niya ito sa pisngi.
"Mommy? Umiiyak ka ba? Bakit namamaga ang mga mata niyo?" tanong ni Nathalie sa mommy niya.
"Anak, patawarin mo ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Anak, alam mo naman kung gaano kita kamahal. Ikaw lang ang nagpapasaya sa akin, kayo ng daddy mo," tumulo ang mga luha ng mommy niya habang nagsasalita.
"Mommy, may problema po ba? Bakit po kayo umiiyak? Anong nangyari, mommy?" sunod-sunod na tanong ni Nathalie.
"A-Anak, hindi ko sinasadya pero ito na lang ang paraan natin para ma abswelto ang daddy mo sa kaso na isasampa ng mga dela Torre laban sa kanya."
"Mommy, anong kaso? Ano ang ginawa ni Daddy? Nasaan ba si Daddy, Mommy?" sunod-sunod nitong katanungan.
"A-Anak, ito na lang ang paraan para malagpasan natin ang lahat. Kailangan ko ang tulong mo, anak. Kailangan mong pakasalan ang CEO para itigil nila ang kaso laban sa daddy mo. Mabait sila anak, nangako si Mrs. dela Torre sa akin na aalagaan ka niya at mamahalin ka niya at ituring ka niyang tunay na anak. Basta bigyan mo lang daw sila ng apo,” umiyak ang mommy niya habang nagsasalita.