Nagising si Nathalie sa sobrang sakit ng ulo niya. Bumangon siya para uminom ng tubig sa kusina, naabutan niya si Yaya karina na naghain ng soup sa dining. "Manang good morning po. Tulungan niyo po ako manang masakit ang ulo ko, parang mababasag." Saad niya habang nakapatong ang ulo niya sa mesa. "Umupo ka d'yan at ‘yan mag-soup ka para mawala ang hang-over mo. Pasalamat ka maagang umalis ang biyenan mo, huwag mo nang uulitin 'yon! kabilin-bilinan sa akin ni Madam, bigyan kita ng mga healthy foods, alak pa naman iniinom mo. Mamaya kapag malaman niya bogbogin na naman ako nang bunganga niya." tumawa si Natalie dahil natutuwa siya kay Karina. Manang ang bait niyo po. Tumayo si Natalie at niyakap niya si manang Karina Manang puwede ba kitang yakapin, miss na miss ko na po si mommy at dadd