Samantalang galit na galit si Vanessa kay Natalie, hindi na siya makapaghintay gusto niyang saktan si Natalie, hindi niya matanggap na mananatili si Natalie sa bahay ng mga de la Torre. Napansin siya ng kaniyang ina na balisa at hindi mapalagay, kaya't nilapitan siya ng kaniyang ina at tinanong kung ano ang nangyayari sa kaniya. Umiiyak si Vanessa at yumakap siya sa kaniyang ina. "Mommy, ikakasal na si Miguel sa ibang babae. Hindi na matutupad ang pangarap ko na magiging isang de la Torre. Mommy mahal na mahal ko si Miguel eh, hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin." "Anak paano nangyayari? ikaw ang girlfriend ni Miguel tapos ikakasal na siya sa iba? bakit daw?" naguguluhan ang ina ni Vanessa. "Hindi ako magkaanak mommy, kumuha sila ng babae na maka-produce ng baby. at hindi ako 'yo