“I CAME here to say good-bye. I’m going back to Nevada today, Mom. And I don’t know when I’ll be able to visit you again.” Pinagmasdan ni Clarice si Carla na nakatitig lang sa kalangitan nang may matamis na ngiti sa mga labi. Sa loob ng labinlimang taon ay nabuhay siya na dala ang matinding hinanakit sa puso para sa ina. Nang bumigay ang katinuan nito, pakiramdam niya ay hindi na siya inisip ng ina. Kasabay ng pagsuko sa realidad ay ang pagsuko rin nito sa kanya noon. Kaya kahit minsan ay hindi niya ito dinalaw. Nag-aabot na lang si Clarice ng pera sa personal assistant niya at ipinapadala iyon sa Pilipinas, sa mismong center ng ina para sa maintenance ng mga gamot nito at iba pang kailangan. But now, here she was. Pakiramdam ni Clarice ay naliligaw siya at wala nang iba pang mapupuntahan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books