“HINDI mo ba ako susumbatan man lang? Dapat magalit ka sa ‘kin dahil ginamit lang kita para matagpuan si Benedict. Say something.” Isinandal ni Clarice ang pagod na pagod na katawan sa marmol na dingding ng banyo. Unti-unti na siyang nakadarama ng panlalamig dala ng matagal na pagkakababad sa tubig. Pero hindi niya iyon ininda. Dahil walang-wala ang panlalamig niya kumpara sa pagkalunod na nadarama na dulot ng sakit sa natuklasan sa araw na iyon. “Distract me from the pain. Magalit ka. Please.” “Paano ba?” Napahawak si Clarice sa kanyang dibdib sa pagragasa ng tumitinding sakit nang mapakinggan ang pait sa boses ni Alano. Mahal siya nito. Hindi niya pinagdududahan ang bagay na iyon. At alam niyang nasasaktan din ang binata dahil base sa mga sinabi nito ay nakasisiguro siyang may alam na