Ace's POV, Hinugot ko ang aking espada na naka tusok sa kamay ni Janel. Nandito kasi ako sa silid kung saan sila nakakulong lahat. Ewan ko nga kay Khieth kung bakit niya pa binuhay ang walang kwentang mga bampira na ito. Tiningnan ko ang tumutulong dugo sa espada ko galing kay Janel. Parang pamilyar sa akin ang amoy niya. Tiningnan ko ulit ang babae, parang iba talaga eh. Kasalanan niya naman kung bakit ko siya nasaksak ng espada ko. Naghatid kasi ako ng dugo sa kanila ng ibibigay ko na sa kanya bigla niyang niyakap ang paa ko, kaya nasaksak ko ang kamay niya. Tumalikod nalang ako at iniwan sila doon. Parang may mali talaga eh. Pero habang pabalik ako sa kwarto ko sumakit ang ulo ko, sobrang sakit. Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at kinandado ito. Napahiga ako sa kama sa