By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
fb: Michael Juha Full
--------------------------
Sa pagkalito, dali-dali akong tumayo at walang pasabing biglang hinatak si Kuya sa isang tabi na med’yo malayo-layo sa kinaroroonan ng table namin, naiwang nakaupo si Zach na halos nakanganga at natulala sa nakitang biglang sumulpot na kahawig sa iniisip niyang chatmate. Naiwan din sa tabi ng table, nanatiling nakatayo ang girlfriend ni Kuya.
“Sino ba iyon? Ba’t kayo lang dalawa ditto? Para kayong nag-date ah! At bakit kailangan mo pa akong dalhin dito!” ang sambit kaagad ni kuya, halatang galit na hindi ako nagpaalam na aalis ng bahay at nakahalatang may hindi kanais-nais na ginawa ako dahil sa inasta ko.
“Shhh!” sabi ko, sabay takip ng hintuturong daliri sa bibig. “Huwag kang maingay baka marinig tayo ni Lani! Sige ka mabubuking tayo!” sabi ko.
Mistula namang binuhusan ng malamig na tubig si Kuya at pinigilan ang boses na tinanong ako, “Bakit sino ba iyan? Ano bang meron d’yan?!”
“A… e… ano… siya iyong kapatid ng ka-chatmate ko!” ang pagsisinungaling ko. “Di ba, dapat sana ay magkita kami ngayon, ay kayo pala… Hindi siya makarating kaya Kuya na lang niya ang pinapapunta baka daw magtampo ako este, ikaw pala!”
Biglang natahimik si Kuya. Sinilip na naman si Zach sa inuupuan nito, mistulang biglang nagkaroon ng interes. “Ganoon ba? Wow! Sa hitsura pa lang ng Kuya, ulam na!” ang bigla niyang nasabi sabay bitiw ng nakakalokong pigil na tawa. “Mukhang masarap itong chatmate mo, ‘tol! Kuya pa lang nakaka in love na!”
Nagsalubong naman kaagad ang kilay ko sa narinig at napatitig sa kanya. “T-type mo iyan kuya,” ang ang ‘di sinadyang tanong na lumabas sa bibig ko, sabay turo ng pasikreto kay Zach.
“Splak!” Ang biglang pagbatok niya sa ulo ko.
“Arekop!”
“Tanga! Ang ibig konng sabihin, kung tisoy ang kuya niya, e ‘di lalong mas maganda ang kapatid niyang babae, diba?”
“Ah.. oo naman!” ang agad ko ring sagot, kamot-kamot ang ulong natamaan.
“Ayos! Ayos!” ang nasambit niya, mistulang may kung anong kabalabalang planong pumasok sa kukute. “Sige, puntahan mo na siya at ayusin mong pakikpag-usap baka mamaya, ma-turn off sa iyo. Kung hindi ko lang kasama si Lani ay sana ako na ang haharap d’yan!” sambit ni Kuya.
“Talaga Kuya?”
Hindi na sinagot pa ni kuya ang sinabi ko. “Sige na balik ka na sa kanya.”
“Tawagin mo na rin ang girlfriend mo kuya at doon kayo sa malayong mesa o… baka mamaya ma-inlove pa iyang si Lani mo sa kanya, sige ka! Tingnan mo, sikretong tinitingnan-tingnan si Zach” ang biro ko upang mapilitan din silang pumwesto sa malayong mesa.
Tinawag naman kaagad ni kuya ang girlfriend niya habang bumalik na uli ako sa mesa namin ni Zach.
Pagkaupo na pagkaupo ko kaagad sa harap niya, tanong kaagad ang sumalubong sa akin. Expected ko n aiyon. “Di ba iyon si Enzo, ang kuya mong chatmate ko? Kamukhang-kamukha eh pwera lang sa bigote at goatee.” Nagkataon din kasing hindi inahit ni Kuya ang bigote niya at ang kanyang goatee.
“Ah… e…” ang sagot kong feeling nakokoryente na naman. “K-kuya ko nga iyon pero hindi si Kuya Enzo. K-kakambal niya iyon! Si Kuya Enzo mabait, sweet, at swabe. Iyong nakita mo kaninang kakambal niya ay salbahe iyon!” At kunyari hininaan ko ang boses at iniungos ang mukha ko malapit sa kanya, “Atin-atin lang iyan ha, baka mabugbog niya ako” ang sabi ko sabay bitiw ng kinakabahang tawa.
Tumawa siya ng malakas. “Pilyo ka ha? Salbahe ba talaga iyon?”
“Ay, sobra! Mukhang r****t nga, ‘di ba,” ang dagdag ko pa.
Lalo naman siyang tumawa ng malakas. “Palabiro ka pala” sambit niya habang patuloy pa rin tumawa.
“Hindi ako nagbibiro! Palagay ko, r****t talaga ang kuya kong iyan, hindi lang narereklamo ang mga babae dahil sa siguro, naku-kyutan din sa kanya!” Ang sabi ko, ang mga mata ay lumaki, seryosong iginigiit ang punto at ang boses ay mistulang sa isang batang inosenteng-inosente sa kanyang sinasabi.
Lalo pang lumakas ang tawa ni Zach na sa tingin ko ay maluha-luha na sa sobrang pagtatawa. “Palabiro ka talaga. Kakatuwa ka palang kausap” ang sabi niya, ‘di pa rin maawat sa kakakatawa.
Super tuwa naman ako sa narinig na compliment. Heaven kumbaga. At habang nasa ganoong ayos siyang pagtatawa, tinitigan ko naman siya. “Ang wafu talaga niya! Kahit pa manlupaypay na sa katatawa, cute pa ring tingnan!” Sigaw ng utak ko.
“O… ba’t ganyan ka kung makatitig,” ang tanong niya noong mapansing nakatutok ang mga mata ko sa kanya.
“A… e, wala lang,” sagot ko.
Tinitigan din niya ako. Iyong titig na nakikipagbiruan o nakikipagkulitan sa isang bata. At pagkatapos ay inilabas niya ang kanyang dila sabay sabing, “Kulit!”
“Hindi!” sagot ko.
“Kulit! Kulit!”
“Hindi! Hindi!”
“Kulit! Kulit! Kulit!”
“Hindi! Hindi! Hindi!”
Tawanan. Parang kulang na lang ay maghabulan kami at magharutan sa loob ng restaurant. At feeling ko, sobrang close na kami sa isa’t-isa.
Maya-maya lang ay tinawag na niya ang waiter at binayaran ang kinain namin. Pagkatapos niyang magbayad, “O, ano? Uwi na tayo?”
“S-sige Kuya” Ang sagot ko. Syempre, nalungkot ako na magkahiwalay na kami ng ganoon ganoon na lang.
Akala ko ay basta na lang siyang aalis iiwanan ako sa restaurant at hayaang mag-commute pauwi noong patungo na siya sa labasan at nilingon akong mistulang napako sa kinatatayuan, pinagmasdan siyang naglakad papalayo, bigla niya akong kinawayan, “O, tara na!” sigaw niya.
“Saan po?” sagot kong nabigla at na-excite sa tanong niya.
“Ihahatid na kita sa inyo! May motorsiklo ako. Halika na!”
“T-talaga kuya,” ang sagot ko, ang puso ay naglulundag sa sobrang tuwa.
Syempre, takbo kaagad ako sa kanya at sumabay na palabas sa restaurant. Nilingon ko si Kuya at pinagmasdan pala nito ang paglabas namin ni Zach, ang mga mata ay mistulang galit o nagpahiwatig ng malalim na katanungan sa nasaksihang tila paglalandi ko kay Zach. Sabagay, kilala ko rin ang ugali ni Kuya. Kahit naman sino ang kasama ko, kinikilatis ng maigi noon, pinagsasabihin niya ako kung sino ang dapat iwasan at sino ang hindi niya nagustuhan ang kilos. Parang over-protective ba na minsan ay wala na sa lugar?
Noong makita ko ang motorsiklo niya, napa- “Wow!” naman ako. Ang ganda, mas malaki ang mga gulong kaysa ordinaryongmotorsiklo, pang heavy-duty talaga. Pang-karera yata, iyong klaseng kasing mahal halos ng isang kotse ang halaga. “Ganda ng motorsiklo mo kuya!” sabi ko.
Ngumiti siya. “Bigay ng papa ko. Pangkarera. Mahilig kasi ang papa ko sa motorsiklo, kaya naging hilig ko na rin ito.”
“Ah..,” sagot ko naman.
Pagkatapus niya akong bigyan ng extra helmet at naka-helmet na kaming pareho, sumampa na kami sa motorsiklo niya. At habang nakaupo na ako sa likod niya, handa na sa pag-andar ng motor, napa, “Shitttt!” naman ako. Ambango kasi niya. Pakiramdam ko, ang sarap niyang halikan.
Noong umaragkada na siya, sa balikat niya lang ako humahawak. Nahiya ako eh. Ngunit ewan kung sinadya din niya, biglang pinaharurot niya ang motorsiklo sabay tanong, “Diretso lang ba?”
Kaya imbes na sumagot ako, napasigaw na lang ako ng, “Kuyaaaaaaa! Huwag po masyadong mabilis! Natatakot ako!!” sabay yakap sa katawan niya nang mahigpit.
“Hahahaha!” Tawa niya. Matakutin ka pala. Yakap ka lang. Pangkarera itong motor ko kaya masanay ka.” At hindi niya talaga pinahinaan ang takbo nito.
Kaya ano pa nga ba ang magagawa ko kungdi ang yumakap sa kanya ng mahigpit. At gusto ko naman. At hinigpitan ko pa talaga. Syempre, may dalang pananantsing. At hindi lang ako yumakap ng mahigpit, isinandal ko pa ang ulo ko sa likod niya. Grabe ang naramdaman ko sa sa eksena naming iyon. Dahil sa nakat-shirt lang siya, ramdam na ramdam ng mga kamay ko ang umbok ng kanyang matipunong dibdib. At kunyari, minsan ibinababa ko ang pagyakap sa may tiyan nya at nahahaplos at nasasalat ko naman ang walang kataba-tabang tiyan. Sobrang nag-enjoy talaga ako sa ginagawa ko na pakiramdam ko ay isang teddy bear ang niyayakap ko at halos mapisak na ito sa tindi ng pagkaykap ko.
At dahil sa ginagawa ko, hindi pwedeng hindi ako tigasan. Pakiramdam ko naman may naghilahan sa utak kong tantanan na ang ginawa at dumestansya dahil nakakahiya ang bukol kong bumubundol-bundol sa likuran niya, ngunit may isang parte din ng utak kong nag-udyok na ipagpatuloy lang ang ginawa dahil masarap ito.
At ang nanaig ay ang ipagpatuloy ko lang ang pagyakap sa kanya, at dedmahin ang pagbubundol-bundol ng bukol ko sa likuran niya dahil sa habang kumikiskis-kiskis ito sa kanya, lalong sumasarap ang pakiramdam ko. Alam ko, naramdaman niya ang bukol ko sa likuran niya gawa ng sobrang dikit n gaming mga katawan. Kaso, dedma lang siya.
Lampas alas-syete na iyon ng gabi at may parte sa madadaanan namin na madilim at patay ang mga ilaw ng poste gawa ng pagbabato sa mga ito ng mga bata. Ang lugar na iyon din ay may mga malalaking puno sa gilid ng kalsada. Bale masasabing bundok na maituturig at kapag ganoong gabi, nakakatakot dumaan. Kung mapaniwala ka sa mga aswang o multo, siguradong tatakbo ka sa parting iyon at tatayo ang iyong mga balahibo.
Akala ko dire-diretso n akami at malampasan namin ang parting iyon noong bigla naman niyan ipinahinto ang motorsiklo niya sa gilid ng kalsada, sa ilalim pa ng isang malaking puno ng akasya, na siyang kinatatakutan ng mga tagaroon dahil may white lady daw na nagpapakita doon .
“K-kuya Zach... bakit tayo pumarada dito,” ang tanong ko, kinikilabutan at nabigla sa biglang pagparada niya sa sasakyan.
Ngunit hindi siya sumagot. Nanatili kami sa aming pwestong nakaupo sa motorsiklo, nasa likuran pa rin niya ako at yakap-yakap ang katawan niya.
“Kuya... natatakot ako dito, alis na tayo.” Pagmamakaawa ko.
Ngunit imbes na tugunan ang aking hiling, hinawakan niya ang aking kanang kamay at inilapat iyon sa umbok ng kanyang tigas na tigas nang pagkalalaki...
(Itutuloy)