Chapter 1
By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
fb: Michael Juha Full
-------------------------
Tawagin niyo lang ako sa pangalang Enzo, 15 years old at nasa first year year college pa lang sa kursong Business Administration.
Bunso ako sa dalawang magkakapatid na lalaki. Ang totoo, mag-half brother lang kami ng kuya kong si Erwin, na nasa 3rd year college, dahil ang tunay niyang ama ay isang Lebanese, anak sa pagkadalaga ng mama ko. Nagtrabaho kasi ang mama bilang nurse sa ibang bansa noong dalaga pa ito at doon, nabuntis. Dahil sa nangyari, ipinasiya niyang umuwi na lang sa Pinas. Ang plano kasi ay susunod ang papa ni Kuya Erwin at dito na sila magpakasal. Ngunit ang masaklap, hindi tinupad ng papa ng Kuya ko ang pangako niya. Hanggang sa nakahanap ang mama ko ng isang lalaking Pinoy na nagmahal sa kanya, tanggap ang kanyang mapait na karanasan, at inampon pa niya ang kuya Erwin noong makasal na siya sa mama ko. Ang lalaking ito ay ang papa ko. Simula noon, naging isang buong pamilya sila at noong ipinanganak ako, sobrang saya ang naranasan ng papa ko, at syempre, ng lahat dahil mahal din naman ako ng mama ko at ng Kuya Erwin ko.
Si Kuya Erwin ay maputi, matangkad na kahit sa edad niyang 19 ay umaabot na yata ng 6 feet. Maputi, matangos ang ilong, brown ang buhok, may magandang mga mata at kilay, mamumula-mula ang mga pisngi… at dahil athletic, may magandang hubog ng katawan. Flawless kumbaga. Dahil Lebanese ang lahi at 50% mixed ng Pinoy, napakaganda ng resulta. Tipong artista talaga ang angking kakisigan ng kuya ko. Kahit saan kami magpunta niyan hindi pwedeng hindi mapatingin o mapalingon ang mga tao sa kanya… Ma-babae, ma-bakla, nagkaka-crush sa kanya ang mga ito. At kahit nga mga lalaki, nababakla at ang mga tomboy ay nagiging babae uli. Kaya dahil dito, pakiramdam ko, out of place ako lagi sa kuya ko. May 5’5 lang kasi ang height ko, payat, at bagamat hindi naman pangit, pero ewan, sobrang naiinsecure ako sa porma niya na nagkakaroon na tuloy ako ng inferiority complex at mababang pagtingin sa sarili.
Pero in fairness din naman, mabait sa akin si Kuya. Kahit palagi kong inaaway niyan at paminsan-minsan ay pinapatulan din ako, ramdam kong mahal niya ako. Natatandaan ko noong maliliit pa lang kami at inaaway ako ng mga kabataan, binubogbog niya ang mga nang-aapi sa akin. Hanggang sa edad kong 15 ay over-protective pa rin ang kuya ko sa akin. Lahat ng lakad ko mino-monitor, pati mga kaibigan ko, kinikilatis at pinagsasabihan kapag may napapansin sa kanilang hindi niya nagustuhan. Minsan nga talagang inaaway ko na lang siya sa sobrang pagka-epal. Pero kahit ganoon, iniisip ko na lang na ginawa niya iyon dahil talagang mahal niya ako. Iyan din kasi ang paliwanag ng mama ko sa akin. Ayaw daw ng kuya ko na mapahamak ako. Palibhasa kasi, gustong-gusto daw nitong magkaroon ng kapatid na babae (nalaman ko ito sa mama ko). E, hindi na nagkaanak pa ang mama. Kaya din siguro, kina-career na lang niya ang pagtrato sa akin na parang isang kapatid na “babae”. Ang ‘di lang niya alam, babae nga ang kapatid niya, nasa lalaking katawan lang, nyahaha!
Chickboy si Kuya Erwin. Maraming babae, at kapag may nagka-crush sa kanya, pinapatulan ang mga ito lalo na kapag maganda. Kahit nga mga teachers niya na bata pa kapag type niya ay hindi pupwedeng walang mangyayari. Malakas ang loob, walang takot, at tila sigurado sa lahat ng ginagawa. Iyon ang malaking kaibahan namin na lalong nagpapatindi ng insecurity ko at pagbaba ng tingin sa sarili. Kasi, nasa kanya na ang lahat samantalang ako, heto, ganito lang at... sa lalaki pa nagkakagusto. Ito ang lihim na itinatago-tago ko sa kanya. Sino ba ang hindi takot na magsabi sa isang maton na kapatid na kakaiba ka, na lalaki ang gusto mo, ‘di ba? Shittt! E ‘di nabugbog ako? At syempre, nand’yan din ang mga magulang ko na maaaring hindi ako matanggap at itakwil ako kapag nalaman nila ang aking pagdadalaga (hehe). Hayyyyy buhay naman o! Kaya ang hirap ng kalagayan ko talaga mga ateng! 15 years old lang ako ngunit pakiramdam ko ay pasan ko na ang daigdig.
Dahil sa inferiority complex at pagkamahiyain, ang tanging naging outlet ko na lang ay ang internet. Sumasali ako sa mga chatrooms, social sites, at nakikipagkaibigan sa virtual na mundo. Ngunit dahil sa kulang sa tiwala sa sarili, hindi ako naglalagay ng sariling ritrato ko sa mga profiles ko.
Isang araw, may naka-chat akong isang lalaki sa internet, si Zach. Basketbolista raw siya, pogi, at curious lang sa mga ganoong klaseng pakikipag-chat. At ako lang daw ang napagbigyan niya!
“Ah… oK, fine!” ang sarcastic ko na lang na sabi sa sarili. Marami naman kasi akong naexperience na ganoong klaseng makikipag-chat na ipangalandrakan talaga sa iyo na guwapo sila, lalaki, curious lang, walang planong pumasok o sumali sa ganitong mundo… at ang swerteswerte ko dahil pinagbigyan niya. Charing! Sa bandang huli pala ay malalaman mo na lang na mas malandi pa kysa sa iyo, hmpt! Kaya, hindi ko na sineryoso pa ang sinabi niya. At ang sagot ko na lang, “Sige nga, pakita mo sa akin sa cam ang ipinagmamalaki mong hitsura?”
At ininvite nga niya ako sa cam niya. At ambilis ha.
Aba… noong bumulaga na sa mga mata ko ang kanyang anyo, tooo palang hayop sa porma ang dyaske! Napa- “Shitt!” talaga ako mga ateng. Kahit naka-upo lang, halatang matangkad ang kumag, gwapo, may dimples, ang ganda ng ngiti at mga mata, matipuno ang katawan, at kasing edad din ni Kuya! At sa tingin ko, hindi purong Pinoy e. Parang may lahing puti din. Ang lakas talaga ng appeal ng hinayupak at doon pa lang ay mistula na akong lumulutang sa ulap sa ‘di maipaliwanag na admiration sa kanya. Nakakabighani, nakaka-mesmerize, nakaka-L! Naka-faded jeans siya na may butas-butas, walang damit pang-itaas, lantad na lantad ang matipunong katawan, pansin ang ganda ng abs. Lalaking-lalaki! Tangina, nagninginig ba ako sa excitement. Grabe. Na-love at first sight?
“Ey... ganda ng porma naten ah!” ang nai-type ko.
“O ngayon... naniwala ka na? Hindi ako bakla, ‘tol. Curious lang”
“Ok… Pero kung ‘di ka bi, discreet o gay, ano ang trip mo?”
“Wala lang. Pumasok lang sa kukote ko. Gusto ko lang may magawang kakaiba, ma-experience na kakaiba, ma-widen ang understanding ko sa mundo...”
“Waahhhh! Kakaiba din ang trip nitong tao na to!” sigaw ko sa sarili. “Ok..,” sagot ko.
“Hindi Ok ‘tol... show me your face or I’ll change my mind”
“Bah, englisen ba ako?” Sambit ko sa sarili. At pinakawalan ko ang pamoso kong linya sa mga ca-chat na nagrerequest sa akin ng face pic o silip sa cam. “Eh... wala akong face pic now eh…”
At doon na nagsimula ang problema ko. Kasi, bigla ba amang nag log out ang kumag noong masabi ko ang linyang iyon.
Kaya dali-dali kaagad nag type ang lola niyo. “Wait! wait! Mag upload na pow at now na!!!”
At nakita ko na muling nag-online si pogi sabay sabing, “I’m waiting!”
Kaya sa takot na mawala siya, hindi na ako nag-isip pa, inapload ko ang may limang picture ng kuya Erwin ko. May naka-shorts lang, may naka-swimming trunk siya sa beach na nakadapa, may naka-bonnet habang gumagala sa isang sikat na tourist spot sa Tagaytay, may naka-jeans at body-fit na t-shirt. Puro mga pamatay na kuha ng kuya ko na daig pa ang modelong shoots.
“Okies... Kita mo na?” tanong ko kaagad noong ma-upload na.
Pinagmasdan ko talaga ang mukha niya kung ano ang kanyang reaksyon sa pagkakita niya sa pictures. At , mga ateng, bakat na bakat sa mukha niya ang pagkamangha at nakita ko na lang sa mukha niya ang nakaka-excite na ngiti.
“Shittt! Is that you, pal,” ang na-type kaagad nya.
“Yeah, y?” kunyari, nagulat pa ako.
“Are you really gay? Or what?”
“Y have you said so?”
“Mas mukhang straight ka pa kesa akin tingnan eh, hahahaha!”
“I’m discreet!”
“Oh, I c! That’s good.” Sabi niya.
“Naglalaro ka ba ng basketball?” tanong niya.
“Yup!” ang naisagot ko rin. At ewan ko rin ba kung bakit ko naisagot iyon, ‘di kaya ako marunong.
“That’s nice. Let’s play basketball together one day?”
At syempre, “Ok..,” ang isinagot ko, hindi binigyang importansya ang sinabi.
“So...?” sabi ko.
“So what?”
“Friends?”
“Sure? But how about c2c?”
Nabigla na naman ako sa nabasa. Ngunit nakahanap kaagad ako ng alibi. Pamilyar kasi sa akin ang mga tanong na iyon at gasgas na rin ang linya ko na ito, “Sorry, ‘tol sira cam ko ngayon.”
“Ah… So, next time?”
“Sure!”
At iyon ang simula ng pagkakaibigan namin ni Zach. Sobrang happy ko talaga sa pagkakaibigan naming iyon. Sa tanang buhay ko, noon lang ako nakadama ng ganoong sigla at saya.
Kaso… may malaking problema. Syempre, ritrato ni Kuya ang ipinakita ko sa kanya at sa sunod naming pagcha-chat, ay dapat daw naka c2c na kami. Demanding ba.
Kaya nabuo sa isip ko ang isang maitim na balak.
Byernes iyon ng gabi noong mag-chat uli kami ni Zach. Iyon kasi ang araw at oras na napagkasunduan naming mag-chat muli. Kasi, walang pasok kinabukasan, at libre kaming pareho sa schedule.
Handa na ang lahat sa side ko. Ready na ang webcam, at si kuya Erwin ay nakaupo na rin sa harap ng computer at camera. At ako? Nasa harap ni kuya, at handa na rin kasama ang aking laptop…
(Itutuloy)