By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full --------------------------- Natuloy ang aming outing sa resort nina Zach. Ako, si kuya at syempre, ang aking prince charming na walang iba kundi ang may-ari lang naman ng resort. At napa-“syeeettttttttt!” talaga ako sa sobrang ganda nito. Nasa isang med’yo liblib na lugar ito at bagong-bago pa lang. May natural waterfalls na ang crystal-clear na tubig ay dumadaloy sa mistulang hagdanang malalaking mga bato at ang bagsak ng tubig ay sa mismong harap ng mga cottages at may mga man-made pools naman sa ibaba na nagsilbing catch basins na kung saan nag-o-overflow ang tubig at tuloy ang pag-agos nito papunta sa dagat na nasa ‘di kalayuan lang din at parte pa rin ng resort. Napaka-presko at tingin ko ay napakalamig ng tubig