"COME here, huwag kang mahihiya," ani Drake nang makapasok na kami sa condo niya. Nang matapos kami magkape sa shop, napagpasyahan na rin namin ang umalis na. Kaya ang coffee shop, ibinilin ko muna sa mga empleyado ko. Kung sa normal na pagkakataon ay matatakot akong sumama kay Drake. Hindi ko naman kasi siya lubos na kilala. But I don't feel scared of him. In fact, I feel so comfortable with him. Nang makapasok ay agad niya akong inayang maupo sa sofa. "Do you want something? Like water?" tanong niya sa akin. Mabilis akong umiling. "No, it's fine." Tumango siya. Nawala naman ang atensiyon ko sa kanya nang gumala ang mga mata ko sa paligid. May pagkamalawak ang condo niya para sa isang tao. Ang mga gamit ay nakasalansan nang mabuti. Puno naman ng iba't ibang larawang nakalagay sa fra