"WHAT do you want for breakfast baby?" nakangiting tanong ni Kuya Castiel. Malawak akong napangiti sa narinig. "You will cook for me?" Puno siya ng pagmamalaking tumango. "Of course." Naglakad siya palapit sa akin at ginulo ang buhok ko. "Pansin ko kasi, lately ay wala na akong masyadong oras para sa 'yo. We live in the same condominium building, pero bibihira lang tayo magkita dahil sa pagiging abala ko." Parang bata akong ngumuso sa harapan niya. "Ano ka ba, Kuya Castiel? Matanda na ako, kaya ko na ang sarili ko." Umakto siyang nasaktan. May pahawak-hawak pa sa dibdib niya. "Ouch. Mukhang hindi na ako kailangan ng baby ko." Natawa ako sa ikinilos niya. Kahit yata matanda na siya ay hindi magbabago ang ganito niyang pang-uugali. Mahilig siyang magbiro at magpatawa. He also likes to