"ARE you sure you can take care of her?"
I nodded my head. "Yes, Kuya. Don't worry."
Tumango siya. "Thank you, Belle. Wala lang talaga ako mapag-iwanan kay Serenity."
Ngumiti ako sa sinabi niya. "It's fine, Kuya Chaos. Gusto ko rin namang makasama ang niece ko."
Tanging tango na lang ang itinugon niya sa akin. Nagbaling na siya ng atensiyon sa anak para magpaalam. Nang pumayag ito ay saka niya pa lang ako muling binalingan ng atensiyon. Muli pa siyang nagbilin at nagpasalamat sa akin.
Ngayong araw ay may aasikasuhin siya sa hospital. Walang maiiwang bantay kay Serenity kaya naisipan niyang iiwan ito sa akin. Hindi naman ako nagdalawang-isip at pumayag agad dahil may parte rin sa akin ang gustong makasama ang pamangkin. Matagal-tagal na rin nang huli kami nito mag-bonding.
Para hindi mabagot ang bata ay sa labas kami ng opisina ko tumambay. Pinadalhan ko siya ng dessert habang binabasahan ng libro. Minsan pa ay nakiki-usosyo siya sa hawak ko.
"Wow, she looks so cute."
Mabilis akong nag-angat ng tingin nang makarinig ng boses. Bahagya akong nabigla nang tumambad sa harapan ko si Drake. Malamang ay nandito na naman ito para magkape. Isa na kasi siya sa loyal costumer ng shop ko.
"D...drake!" bulalas ko sa pangalan niya.
Naglipat siya ng atensiyon sa akin at matamis na ngumiti.
"Hello, Belle." Tumuon ang atensiyon niya sa bakanteng bangkong nasa harapan ko. "Can I sit here?"
Wala ako sa sariling tumango. Gulat pa rin dahil sa presensiya niya sa harapan ko.
"Who is she?" tanong niya at nalipat ang atensiyon kay Serenity na abala sa hawak nitong libro. May mga illustrations sa loob nito kaya nalilibang siyang tingnan kahit hindi naman niya nababasa ang lahat ng nakasulat sa libro.
"She's Serenity, my niece."
Bumakas ang pagkamangha sa mukha niya. "Really? Magkamukha kayo."
Tumawa ako. "Hindi kaya. Ang layo."
Sumeryoso siya. "Hey, I'm telling the truth. Magkamukha kayo. Pareho kayong maganda at mukhang maamo."
Natigilan ako sa narinig. Sanay naman akong nakakarinig ng papuri mula sa iba, pero kung sa kanya ito manggaling ay tila mas nagiging espesyal ito. Kakaiba ang epekto nito sa akin. Pakiramdam ko ay pumapalakpak ang tainga ko sa tuwa.
"Hello, little girl. Do you want some cookies?"
Napatitig ako kay Drake nang kausapin niya si Serenity dahilan para mapunta ang atensiyon nito sa kanya. Dahil bata, madali niyang napapayag ito sa inaalok niyang cookies.
Mabilis niya itong inabutan. Siya pa mismo ang nagsubo sa bata. Matapos ay nakipag-usap siya rito na tila ba talagang nagkakaintindihan sila.
Huli na nang matanto kong may ngiti na pala ang sumilay sa labi ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa harapan ko. Namamangha ako sa pagiging banayad ni Drake sa bata.
Siguro ay ito ang dahilan kung bakit kahit hindi ko pa lubos na kilala ang lalaking nasa harapan ko ay nahulog na ang loob ko sa kanya. Dahil kahit hindi ko pa siya lubos na kilala, nakikita ko ang kabutihang mayroon siya. Iyon pa naman ang kauna-unahang katangiang hinahanap ko sa lalaki.
If I am going to have a boyfriend, I want him to be kind, gentle, and caring. Gusto ko rin ng marespeto, maintindihin, at simple lang... At si Drake, pasok na pasok siya sa mga katangiang hinahanap ko sa isang lalaki.
"Why are you looking at me like that?" naguguluhang tanong ni Drake na nasa sa akin na pala ang atensiyon.
Nag-init ang pisngi ko. Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa dahil sa nahuli niya akong pinagmamamasdan siya.
"Na...natutuwa lang ako."
Pinagtaasan niya ako ng kilay. Tila hindi pa kuntento sa sinabi ko. Nagbaba ako ng tingin bago muling nagsalita.
"You look so cute while talking to a kid."
"And you're the cutest."
Namimilog ang mga mata kong nag-angat ng tingin sa kanya. Tumambad sa akin ang nakangiti niyang mukha.
"Palagi kong napapansin na namumula ang pisngi mo. Is it because of me?" biglang tanong niya na nagpatigil sa akin.
"Huh?" tanging nasabi ko.
Napalunok ako nang makitang biglang naging seryoso siya. Natulos ako sa kinauupuan nang makitang naging malalim ang titig niya sa akin. Unti-unti rin lumalapit ang mukha niya na tila ba pinag-aaralan ang itsura ko.
Nahigit ko ang sariling hininga nang maramdamang dumapo ang daliri niya sa pisngi ko. Sinundot-sundot niya ito.
"You're blushing again."
Napakurap-kurap ako. Gusto ko man itanggi ang sinabi niya ngunit alam kong malabo 'yon mangyari. Mas lalo lang nag-init ang pisngi ko sa napansin niya. Kaya malamang, mas namumula na ako ngayon.
Napatitig ako sa kanya nang tumawa siya sa harapan ko. Tila napakasarap sa pandinig na marinig ang pagtawa niya. Nakakatulala.
"Stop... you're making me shy," pagsasabi ko ng totoo.
Pinigil niya ang tawa, pero may tumatakas pa rin na ngiti sa labi niya.
"Bakit ba kasi palagi kang namumula?"
Ngumuso ako at umiling. "Hindi ko rin alam."
Normal na siguro 'yon sa akin dahil may kaputian ako. Ang hindi normal ay ang dahilan kung bakit palagi akong namumula—at siya 'yon.
Sa tuwing nasa paligid ko ang presensiya niya ay nag-iinit agad ang pisngi ko. Mas lumalala pa kapag kaharap na siya o nagkakatagpo ang mga mata namin.
Mahiyain akong tao, pero mas lumalala pa ito kapag siya na ang taong kasama ko. Nakakahiya man sabihin, pero para akong isang tanga na nasobrahan ng hiya sa harapan niya.
"Tell me. Do you have a cursh on me?"
Napapitlag ako sa narinig na tanong niya.
"Ano?"
Nagkibit-balikat siya. "Sabi nila, kapag daw nagba-blush sa 'yo ang isang tao ay ibig sabihin nito, may gusto sa 'yo ang taong 'yon."
Natulala ako. Pakiramdam ko ay nailagay ako sa bingit ng isang bangin. Nanganganib na maibunyag ang katotohanan.
Napatitig ako kay Drake nang bigla na lang siyang tumawa sa harapan ko. Napapahawak pa siya sa kanyang tiyan sa sobrang katatawa.
"Relax, Belle. I was just kidding," natatawa pa rin niyang sabi.
Napakurap-kurap ako. Pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag sa narinig.
Hindi ko alam ang gagawin kung sakali man na seryoso siya sa tanong niya kanina. Magpapakain na lang ako sa lupa kaysa aminin sa kanya ang totoo! That would be so embarrassing!
"Mapagbiro ka pala," pagsakay ko na lang sa biro niya. Paraan na rin ito para mapagtakpan ang totoo.
Tuluyan na siyang tumigil sa pagtawa. Naging seryoso ang ekspresiyong nasa mukha niya nang titigan ang mukha ko.
"Pero mas okay kung talagang may gusto ka sa akin..." makahulugan niyang sambit na nagpatigil sa akin.
Napalunok ako. Tila may magnet ang humihila sa akin dahilan para makipagtitigan ako sa kanya sa mata.
Ayaw kong mag-assume. Pero sa ikinikilos ni Drake, hindi ko maiwasang isipin na baka... gaya ko ay may gusto rin siya sa akin.