Chapter 1 - Belle

1417 Words
BAHAGYANG malakas ang ulan. Maraming tao ang may hawak na payong, ang iba naman sa kanila ay naghahanap ng masisilungan upang hindi tuluyang mabasa ng ulan. I smiled a bit. Sa ganitong panahon ay masarap ang magkulong sa kwarto habang may mga libro at pagkain. Kung nasa condo lang ako, baka maghapon akong nakahilata sa kama ko. Nag-alis na ako ng atensiyon mula sa glass wall. Bumaling ako sa mga nagaganap sa loob ng coffee shop. Dahil malamig ang panahon ngayon, marami-rami ang costumer na gusto magkape. Halos maukupa na ang lahat ng table sa dami ng tao ngayong araw. Sumandal ako sa kinauupuan at dinampot ang tasa ng kape sa aking harapan. Kalmado at malumanay kong binugahan ito ng hangin bago sumimsim. Nang magsawa, muli ko nang ibinalik ang tasa sa lamesa. Bumaling ang mga mata ko sa entrance nang tumunog ang maliit na bell na nakasabit dito. Tumutunog ito sa tuwing may papasok o lalabas ng coffee shop. Mula sa aking puwesto, nakita ko ang pagpasok ng isang matangkad na lalaki. Dumeretso ito sa counter. Nawala sa kanya ang atensiyon ko nang mapansing nagri-ring pala ang phone ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Mabilis ko itong kinuha at sinagot ang tawag. “Hello, Ate Chloe,” I said to the other line. “Natanggap mo na ba?” Hindi man malinaw ang naging tanong niya ay agad ko itong naintindihan. Bumagsak ang tingin ko sa lamesa at napatitig sa itim na sobre. Ang mga nakasulat na letra sa sobre ay isinulat gamit ang kumikinang na kulay ginto dahilan para magmukha itong elegante. “Oo, Ate.” Napangiti pa ako nang maalala kung gaano ako namangha nang matanggap ko ‘yon kanina. It’s a wedding invitation. Ipinadala sa akin ito ni Kuya Silent kaninang umaga. “May maisusuot ka na ba o ako na lang ang wala pa?” tanong ni Ate Chloe sa kabilang linya. “Wala rin ako.” Ang lahat ng atensiyon ko ay nakatuon sa coffee shop sa mga nagdaang araw dahil kabubukas lang nito kaya hindi ko pa napaghahandaan ang tungkol sa bagay na ‘yon. “Then, let’s go out this weekend. May kilala akong designer. She’s good.” “Sure, Ate.” “That’s it. I just call you for this.” Nang mamatay na ang tawag, ibinalik ko na ang phone sa ibabaw ng lamesa. Iginala ko ang tingin sa paligid at nang makitang maayos na naaasikaso ng mga empleyado ko ang mga costumer ay kinuha ko na ang librong nasa harapan ko para muling magbasa at damahin ang lamig ng panahon. Habang ang mga pinsan ko ay abala sa pagpapatakbo ng iba’t ibang negosyo ng pamilyang Montealegre, naisipan ko ang magtayo ng simpleng coffee shop kung saan ay may mga libro din na maaaring basahin. Ang iba sa mga ‘to ay mula pa sa ibang bansa. At kahit ang mga librong mahirap na hanapin sa panahon ngayon ay mayroon ako dahil halos karamihan sa mga librong naririto ay mula sa personal kong koleksiyon. This is the life I want. Simple lang ngunit makahulugan. Nagagawa ko pa ang gusto ko. Para kasi sa akin, mahalaga ang bawat oras ng isang tao. Kung kaya naman ay sinisigurado kong sa bawat oras na lumilipas ay namumuhay ako nang nagagawa ang lahat ng gusto ko. At higit sa lahat, nagkakape. Nang sumapit na ang tanghali at tumila na ang ulan ay unti-unti na rin kumonti ang mga tao sa loob ng coffee shop. Umalis na ako sa inuukupang lamesa at nakangiting nilapitan ang mga empleyado kong abala sa counter. “Ayos lang ba kayo?” tanong ko sa kanila nang makalapit. Mabilis silang nagtanguan. “Ma’am Belle, mauuna na po pala akong mag-out. May klase pa po ako ngayong tanghali,” sabi ng isa sa kanila. Tumango ako kay Jennie. Iilan sa empleyado ko ay mga working student kaya madalas ay iilang oras lang ang itinatrabaho nila rito sa coffee shop dahil sa mga klase nila. But that’s okay with me. Natutulungan na nila akong patakbuhin ang coffee shop ko, natutulungan ko naman sila sa iilan nilang gastusin sa eskwela dahil sa pagtatrabaho nila sa akin. It’s still a win-win. “Kayo naman.” Bumaling ako sa iba. “You can now eat your lunch.” “Ikaw po ba, Ma’am? Papa-deliver-an ka po ba ng pagkain mo?” “Let me do it. Ang asikasuhin nyo ay ang pagkain nyo. Sigurado akong gutom na kayo sa katatrabaho mula pa kaninang umaga.” Ngumiti ako sa kanila at nagpaalam na. Tinungo ko na ang opisina at dito napagpasyahang manatili habang namimili ng pagkaing o-order-in. Madalas na ganito ang gawain ko dahil wala akong panahon sa pagluluto. Halos sampung minuto rin ang lumipas bago may kumatok sa pinto ng opisina ko. Pumasok ang isa sa empleyado ng coffee shop. Bahagyang kumunot ang noo ko nang mapansing hindi niya dala ang order ko. Madalas kasi ay sila na ang magre-receive nito para dalhin naman dito sa opisina ko. “Ma’am Belle,” magalang na tawag niya sa akin nang makalapit. I smiled at her. “Yes?” “May costumer po na gustong kumausap sa ‘yo, Ma’am.” Umayos ako ng upo at ibinigay ang buong atensiyon sa kanya. “May problema ba sa labas?” Mabilis at sunod-sunod siyang umiling sa tanong ko. “Nako po, Ma’am. Wala po. Sobrang ayos lang po sa labas.” “Kung gano’n, bakit may costumer ang gustong kumausap sa akin?” “Photographer daw po siya at may gusto po sana siyang i-discuss sa ‘yo.” Naguguluhan man sa sinabi niya, tumango ako at inutusan siyang dalhin sa loob ng opisina ko ang costumer na tinutukoy niya. Habang hinihintay ang pagpasok ng costumer, natuon muli ang atensiyon ko sa phone ko. Nakatanggap ako ng mensahe mula sa rider na baka ma-late siya nang ilang minuto dahil sa haba ng pila sa restaurant na pagkukuhanan niya ng order ko. Nawala na ang atensiyon ko roon nang makarinig ng katok. Inilapag ko na ang phone sa lamesa at itinuon ang mga mata sa pinto. Nang magbukas ito ay iniluwal nito ang isang matangkad na lalaki. Kaagad kong napansin ang camera na nakasabit sa leeg niya. “Please, have a seat,” pormal kong sabi sa kanya at isinenyas ang bangkong nasa gilid ng office table. Tumango siya at naglakad na palapit sa direksiyon ko. Nang tuluyang makalapit ang lalaki, napatitig ako sa kanya nang ngumiti siya sa harapan ko. Kaagad kong napansin ang malalim na hiwa sa magkabilaan niyang pisngi. Mas pinapaganda nito ang ngiting nasa labi niya. “Hello, I’m Drake Crescento.” Inilahad niya ang kamay sa harapan ko na tinanggap ko naman. “I’m Belle Montealegre, ako ang may-ari ng coffee shop na ‘to,” pagpapakilala ko rin. Nang bitiwan na niya ang kamay ko ay naupo na siya sa bangko. Ako naman ay hindi maalis-alis ang tingin sa kanya at pinapanood ang bawat galaw niya. Marahan lang ang galaw niya. Pinong-pino ngunit hindi pa rin naaalis ang pagiging manly. “What can I help you? Bakit gusto mo raw akong makausap?” panimula ko. Mas lumawak ang ngiti sa labi niya bago nagsalita. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy. I’m a photographer and a blogger. Gusto ko sanang humingi ng permiso sa ‘yo na kuhanan ng litrato at i-feature ang coffee shop mo sa blog ko.” Bahagya akong natigilan sa narinig. Napangiti ako nang rumehistro ito sa utak ko. “Really?” “Yeah. Sobra akong nagandahan sa coffee shop mo. Mula sa labas at loob ay maganda ang pagkakadisenyo. I like the beige color. And oh, ang pinakanagustuhan ko sa coffee shop mo ay ang coffee chair. Ang cool lang kasi kahit sa mga upuan ay sa coffee pa rin inspired ang disenyo.” Habang patuloy siyang pinupuri ang coffee shop ko, ako naman ay nakatunganga lang sa harapan niya… at palihim din siyang pinupuri. Hooded eyes, thin lips, and a prominent jaw. Plus, the dimples. Mukhang malinis din siya sa katawan at nakaayos pa patayo ang mga buhok. Idagdag pa ang tangkad niya. Kaya walang duda, gwapo nga talaga ang lalaking nasa harapan ko. Napalunok ako nang maramdamang naging abnormal ang pagtibok ng puso ko. Sa loob ng dalawampu’t anim na taon na pamumuhay ko sa mundong ito, ngayon lang ito nangyari sa akin. Ngayon lang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa isang lalaki. Ito ba ang tinatawag nilang… love at first sight?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD