"MAAGA na lang kayong magsara," bilin ko sa manager ng coffee shop. Marahan siyang tumango. "Yes, Ma'am Belle." "Sige na, aalis na ako." Isang ngiti pa ang iginawad ko sa kanya bago tuluyang umalis sa kanyang harapan. Naglakad na ako palabas ng coffee shop. Hapon pa lang pero napagpasyahan ko na ang umuwi sa condo. Mamayang gabi na kasi gaganapin ang family dinner ng mga Crescento kung saan ay imbitado ako. Kaya napagpasyahan kong maghanda na. Base pa naman kay Drake ay alas syete punto ng gabi ay dadaanan niya ako sa aking condo. Kahit hindi naman bitin sa oras ay naging mabilis ang galaw ko. Kaya wala pang alas syete ng gabi ay handa na ako. Nang tumunog ang doorbell ng condo ay awtomatikong nawala ang pang-upo ko sa sofa. Dali-dali akong nagtungo sa pintuan para buksan ito. Malaki