Chapter 22
3rd Person's POV
"Bakit nakatingin pa din sila sa akin? Hindi ba effective ang disguise ko?" tanong ni Keehan at hinawakan ang wig niya at eye glasses.
"Gwapo ka pa din naman kasi kahit naka-disguise," ani ni Gaizer. Tumawa lang si Keehan at sinabing muntik na siyang maniwala.
Maya-maya lang dumating si Gaizer at Bazile sa shop. Napatigil si Gaizer at Keehan matapos makita ang dalawa n sinusundan ng tingin ng mga kababaihan.
"Bazile? Bakit ka nagpakulay ng buhok?" tanong ni Keehan na nakatingin kay Bazile na tanging cap lang ang suot. Umupo si Bazile.
Nagpakulay kasi ng blond si Bazile at nagbago ng hairstyle. Muntik ng hindi ito makilala ni Keehan.
"Ha? Bakit hindi ba bagay?" tanong ni Bazile at sinuklay ang buhok niya. Napasapo sa noo si Keehan.
"Stressed na ako dahil lagi kang napagkakamalan na si Grim pero mas mai-stressed yata ako ngayon kasi mas gwapo ka na kay Grim," ani ni Keehan. Minura ni Grim si Keehan dahil doon.
"Is that good right?"
Kanina kasi humiwalay si Grim at Bazile kina Gaizer. Iniwan nila ang mga ito sa kid station dahil mamimili daw ang mga ito ng mga damit ng mga anak.
Umalis muna sina Grim at Bazile then sinabi ni Bazile na gusto niya magbago ng hairstyle at kulay ng buhok. Tinulungan siya ni Grim. Nagulat pa ang ilang staff sa shop dahil magkamukha ang dalawa at kilala ang mga ito.
Nalibre pa sila ng owner at ginawang model si Bazile. Binigay na kay Bazile lahat ng damit na sinukat nito at nakalibre pa sila.
Hindi na nag-disguise si Bazile dahil hindi na siya gaanong naging kamukha ni Grim. Noong bumili naman sila ng toys para sa mga bata hinayaan naman nina Keehan sina Bazile mamili since iyon naman ang gusto ng dalawa.
"Hindi ba talaga natin pwede bilhin ang buong store na ito?" tanong ni Grim. Pinag-cross ni Gaizer ang mga braso at sinabing hindi.
"Kuya!"
"f**k!"
May tumama sa noo ni Grim na laruang dart matapos siya barilin ni Bazile. Pinagmumura ito ni Grim at hinabol.
"Iyong totoo. Pinagtitinginan na sila," ani ni Keehan. Naghabulan kasi ang dalawa sa toy shop.
"Buti na lang talaga hindi natin naisama sina Elliseo dito," ani ni Gaizer. Pinaghahampas ni Grim ng laruang hammer sa ulo si Bazile.
Pagkatapos 'non ang nangyari sila pa din ang bumili ng laruan para sa mga anak.
"Kayong dalawa may gusto kayong laruan?" tanong ni Gaizer. Tumawa si Keehan matapos sumama ang timpla ng mukha ni Bazile at dinampot ang laruang baril na may laruang dart.
Kinuha din ni Grim ang hammer na hinahampas nito kay Bazile. Nailing na lang sina sina Gaizer at Keehan. Binayaran nila iyon lahat sa counter at pinadala sa dalawang lalaki.
Napagpasyahan nila na kumain muna sa isang foodcourt. Sina Keehan ang nag-order at naiwan ang dalawa sa lamesa.
"Putangina talaga nito nina Jaxon. Tinangnan mo ginawa sa mga bata," ani ni Grim. Pinakita kay Bazile ang phone niya. Bagong post iyon ng TK sa social media.
"Si Giovanni iyan diba? Bakit may ribbon," ani ni Bazile. Napatigil ang dalawa matapos may grupuhan ng babae ang lumapit.
"Hi available ba ang table na ito?" tanong ng isa sa mga babae. Pamilyar kay Grim ang mga ito dahil trainee ang mga ito— same company.
Lumapit ang mga ito dahil kay Bazile at hindi pa din natatago ang karisma ni Grim sa mask.
Lumalabas na ang mga ito sa t.v at dahil nga hindi mga ito naka-disguise agad ang mga ito nakaagaw ng atensyon.
"Available na ang mga upuan na iyan," sagot ni Grim at tiningnan ulit ang phone. Umiwas ng tingin si Bazile dahil halos lumabas na ang mga dibdib ng mga babaeng nasa harapan niya.
"Talaga? Sinong kasama niyo?" tanong ng babae. Nagulat ang dalawa matapos may nagbaba ng tray sa lamesa.
"Excuse me, masyado kang madikit sa boyfriend ko. Hindi ba uso sa iyo ang social distancing?" tanong ni Keehan matapos pumagitna kay Bazile at sa babae.
"Alam ba ito ng manager niyo? Kung sinu-sino hinu-hook up niyo."
Nawalan ng kulay ang mukha ng mga babae matapos makilala si Gaizer. Sinong hindi makakakilala kay Gaizer ang manager ng TK. Agad na humingi ng sorry ang mga babae at umalis.
Umupo si Gaizer sa tabi ni Grim na tatawa-tawa lang. Tinanggal nito ang mask at kinuha ang pagkain na inabot sa kaniya ni Gaizer.
Nagulat ang mga tao sa loob. May mga lumapit matapos makita si Grim then nakilala nila si Keehan.
"Pwede pa- autograph? Fans kami ng TK," ani ng guy kasama ang ilan pang babae. Tumingin si Gaizer at ngumiti.
"Kumakain pa kasi sina Grim pero akin na iyang mga card niyo. Mamaya papapirmahan ko sa kanila," ani ni Gaizer ngunit walang nag-abot. Nakita kasi nilang gutom na gutom sina Keehan. Nagkatinginan ang mga fans.
"Hindi na pala manager one picture na lang mamaya before kayo umalis. Kumain na muna kayo," ani ng guy. Napangiti si Gaizer. Maraming babae ang biglang kinilig.
"Maraming salamat sa pag-intindi."
"Gosh! Ang bait ng manager. Masyadong considerate," ani ng isa sa mga fans at nilingon si Gaizer.
"Bagay sila ni Grim," humahagikgik na sambit ng isa sa mga babae.
After nga kumain nina Grim nagpa-picture sila. Kinuha din nina Keehan ang mga card ngunit sinabi ng mga fans na huwag na.
"Enjoy niyo ang date niyo," ani ng mga fans at kumaway. Napangiti sina Keehan at kumaway din bago umalis.
"Gosh! In love pa din ako sa TK!"
Nagtatalon ang mga fans at tiningnan nila ang groupie nila. Isang picture lang iyon ngunit kitang-kita nila doon ang kaibahan ng ngiti ng TK sa oras na iyon sa ngiti ng TK kapag nasa concert or sa press conference.
"Sana lahat ng fans ganoon diba. Hindi ko akalain na paalisin nila tayo agad after one picture at wala ng dinemand pa," ani ni Keehan. Tumawa si Gaizer at sinabing iba-iba ang mga fans.
Nang makauwi sina Gaizer sa unit. Tumungo agad sila sa playroom. Natawa sina Grim matapos makita sina Apollo na nakahiga sa, sahig. Nakapatong si Peach kay Apollo at nakahiga si Giovanni at Wax sa braso niya.
Si Miguel at Elliseo naman ay tulog din nasa gitna ang anak at si Greco. Si CG naman ay buhat ni Jaxon habang nakaupo sa kabilang sulok ng kwarto. Nakasandal kay Marcus.
Si Marco naman ay nakahiga din malapit ss crib at yakap si Gerrero na mahimbing din ang tulog.
Kinuhanin nina Grim ng litrato ang grupo kasama ang mga anak. Pinost niya agad iyon at katulad ng inaasahan dinagsa ang litrato.
May mga haters ngunit agad ang mga ito dinagsa ng mga fans at pinatatalsik sa fan's site nila.