CHAPTER 3

1002 Words
"Ama namin sumasalangit ka sambahin ang ngalan mo.." pagsabay ng kanta ng mga taong nagsisimba ngayon. Bakas sa mukha nila ang kapayapaan habang nakapikit. May ilan akong nakikitang matiwasay na nakatingin sa altar habang ang iba naman ay magkakasama at magkakahawak ang kamay na nananalangin. Wala nang mas sasaya pa sa isang lugar na puno ng ganitong klase ng mga tao. Ewan ko ba pero kahit na wala akong nararamdamnag problema sa katawan ko, tila ba nakakaramdam rin ako ng kapayapaan sa tuwing makikita ko silang masayang nananalingin sa taas. Wala na sigurong mas sasaya doon di ba? I mean, di bale nang wala kang makalapit sa mga taong wala namang pakialam sayo.. basta't ang importante lang ay hindi mapalayo ang loob mo sa kanya. At iyon ang pinaka magandang itinuro sa akin ng mga magulang ko. Ewan ko ba pero nakakaramdam ako ng saya sa loob ko kapag naiisip at pasikreto kong hinihiling sa mga magulang ko na gusto kong maging madre, tumayo at magturo sa kumbento, maglingkod sa simbahan at higit sa lahat ay ang maging kasangkapan ng Diyos upang mapaliwanagan ang lahat ng tao na binubulag ng kasamaan sa panahon ngayon. Gusto kong magturo ng tungkol sa bibliya at ipalaganap ang pagbabasa nito at ang turo ng Diyos. Yun ang pinaka hiling ko na sana ay matupad sa mga taong lilipas magmula ngayon. "Maiwan ka muna dito, Faie." Paalam ni Daddy na tinanguan ko bago sila pinagmasdang dalawa ni Mama na tumayo at magtungo sa harap. Nanatili ang tingin ko sa kanilang dalawa habang pumipila sila para sa ibibigay ng pari sa harap. Lahat ng mga nasa edad ay pumila na sa linya kung nasaan sila nila Mama. Kita ko pa ang pagbaling ng tingin sa'kin ni Mama kasabay ng pagkaway at pagngiti na ginantihan ko rin ng ngiti. Gaya ng bilin ni Daddy ay nanatili ako sa pagkakaupo sa mga upuan at nanatili ang titig sa altar. Hindi ko alam pero sobrang gaan ng pakiramdam ko, sobrang matiwasay ng lahat. Natigilan lamang ako nang mabaling ang atensyon ko sa isang gawi ng simbahan kung saan may nakita akong gaya ko ay isang batang kung hindi rin ako nagkakamali ay tiyak kong kaedad ko lang rin naman. Mag isa lang siyang nakatayo sa bukana ng pinto at taimtim na nakatitig sa mga nakakatanda na nakapila pa rin magpa hanggang ngayon sa harap ng altar. Kita ko ang pagkinang ng mga berde niyang mga mata habang nakatitig sa pinakaharap kung nasaan ang pari na abala sa pamimigay ng mga hostia sa mga nakapila. Nang sandaling bumaling siya ng tingin sa'kin ay hindi ko naiwasang titigan pa lalo ang mukha niya. Itim at medyo may pagka kulot ang buhok nito na tumatabon pa sa noo at mga mata nito. Nakasuot siya ng kulay puting t-shirt at itim na pantalon. Prente siya nakatayo sa gilid ng pintuan habang nakapamulsang pinaglalaruan ng dila niya ang pang ibabang labi. Kung susumahin ay mukha siyang anghel lalo na dahil sa medyo mapusyaw nitong balat. Hindi siya ganon kataba at hindi rin naman siya ganon kapayat. Kung ako ang tatanungin ay ayos lang ang katawan nito na tiyak kong medyo matangkad lang ng kalahating pulgada sa taas ko. Halos mapatalon ako sa biglaang paghawak sa balikat ko kaya naman agad na nawala sa paningin ko ang batang lalaki nang bumaling ako sa kung sino man ang humawak sa balikat ko. "Ano kayang sinisilip ng Baby Faie ko rito?" Tanong ni Mama dahilan upang muli akong bumaling sa direksyon kung saan ko nakita ang batang lalaki. Hindi ko na siya muling nakita sa dagat ng mga tao kaya naman bahagya pa akong napanguso sa naisip ko. Gusto kong sisihin si Mama ngunit hindi ko rin iyon magawa dahil mukha naman hindi niya sinasadya ang panggugulat sa'kin. At bakit ko naman siya sisihin para lang sa isang bata? Wala pa man ay nakakaramdam na ako ng kasamaan sa presensya ko nang dahil sa mga naisip ko kay Mama. "Oh, may hinahanap ka ba, Anak?" Muling tanong ni Mama nang makita niya akong panay sa pagtingkayad at paglingon sa dagat ng mga tao. Well, kapag sinabi kong gusto ko ang isang bagay.. gusto ko ang isang bagay. At kapag sinabi kong gusto ko ito, gagawa ako ng paraan para mapasakin ito. Nang makita ko na ang pamilyar na pigura ng batang hinahanap ng mga mata ko ay bahagya na lamang akong napaayos ng tayo at napangiti ng wala sa sarili. Nakita ko siyang naglalakad palayo kasama ng buo niya yatang pamilya na gaya naming tatlo nila Mama ay naglaan ng oras sa pagbisita sa simbahan. "Wala po, Mama." Ngiti ko sa tanong niya na ikinangiti niya bago ako hinila na palabas ng simbahan.  Magkakasabay kaming lumabas at nagtungo na sa backseat. Papasakay na sana ako pero agad akong natigilan sa ikinilos ko nang maramdaman ko ang pagpipigil ni Daddy sa braso ko sa pagsakay. "May problema po ba, Daddy?" Tanong ko na matiwasay niyang nginitian. "Sandali lang dahil may gusto kaming ipakilala sayo ng Mama mo." Sagot niya dahilan upang mapabaling ako kay Mama. Ngumiti sa'kin si Mama pero tila ba iba ito sa mga ngiti niya kanina. Para bang ngiti ng isang malungkot na taong inagawan ng karapatan o ng isang bagay na alam nilang importante sa kanya. "Sino po, Daddy?" "Orlan.." sambit ng isang mabining boses dahilan upang magkakasabay kaming tatlo nila Mama na bumaling sa boses na iyon. Papalapit sa gawi namin ang isang babaeng sumisigaw ang alindog sa katawan. Kung tutuusin ay medyo bata ito sa edad ni Mama at para bang kaedad lang rin ni Papa. Nagdire diretsyo siya kay Papa at humalik sa pisngi nito bago binalingan ng ngiti si Mama. "Sino ba itong babaeng ito?" Kunot noo at masama kong titig dahilan upang mapalingon siya sa'kin. Ewan ko ba pero tila ba nagningning ang mga mata niya nang magtama ang mga tingin namin sa isa't isa. Paghanga ang nakita ko sa mga mata nito at hindi ko man lang alam ang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD