CHAPTER 2

998 Words
Pinalaki ako ng mga magulang ko nang may takot sa Diyos at iyon ang pinanghahawakan ko ngayon. Wala na sigurong mas masayang bagay na lalapit sa'kin kundi ang mapalapit sa Diyos dahil sa panahon ngayon.. narami nang napapariwala ang buhay. Kaya mas maganda ay iyong inuuna mo siya kaysa sa maraming bagay na alam mo naman sa sarili mong walang kabuluhan ang mas pinipili mo. Oo, maraming mga bata ang napapariwala ang buhay ngayon dahil hindi siya nakikilala. Maraming mga bata ang mas naibabaling ang sarili sa mga bagay gaya ng paglalato ng mga video games, piso nets, telegrams, emails at kung ano ano pang websites na may kinalaman sa mga kung ano anong graphics. Hindu ko alam pero natitiyak kong ito ang mga pangunahing sanhi kung bakit napapalayo ang sarili natin sa kanya. Sa kanya na walang ibang ginawa kundi mapabuti lang ang mga anak niya. Ang sabi nila, kapag nasaktan ka ng isang bagay o pagkakataon na nagpasira sayo.. dapat bga ay magpasalamat ka. Mas masarap masaktan kung alam mo sa sarili mong may ginawa kang katarantaduhan sa buhay. At sinasabi kong mas masarap pakiramdaman ang sakit na iyon kumpara sa oagiging manhid. Yung pakiramdam na marami kang kasalanang ginawa ngunit wala ka man lang naramdaman na karma na lumapit sayo dahil sa ginawa mo. Yung nagagawa mo pang magpasalamat dahil hindi ka man lang naparusahan. Well, yung mga ganyang bagay.. dapat ikinatatakot mk na 'yan. Isipin mo na lang na isa kang anak na nakagawa ng kasalanan sa kapwa mo kaibigan o sabihin na lang natin na kapatid mo. Nagawa mong saktan ang kapatid mo dahil may ginawa siyang bagay na ikinasakit ng loob mo. Inosente siya at wala siyang kaalam alam sa mga bagay na nagawa niya ngunit nagpatuloy ka lang sa pananakit sa kanya hanggang sa lumalim at nalamog ng husto ang mga binti niya. Habang abala ka sa pambubugbog sa kanya.. nakita ka ng iyong tatay. Sa halip na pagalitan ka sa ginawa mo ay nagawa niyang tulungan ang kapatid mo at naglakad na silang palayo. Nakita niya ang kapatid mo na naghihirap at puro sugat at pasa ngunit hindi ka man lang binatuhan ng isang titig. Hindi ka man lang niya nagawang pansinin at kwestuyin. Sa halip na pagalitan ka o hampasin ka bilang parusa sa ginawa mo sa kapatid mo, nagawa ka niyang talikuran kasama ng kapatid mo na kahit isang mura lang ay hindi ka nakatanggap mula sa kanya. Ano ang magiging pakiramdam mo? Matutuwa ka ba sa sarili mo dahil nagawa mong makalusot sa pananakit sa kapatid mo o matatakot ka dahil hindi mo man lang nasaksihan ang initial reactions ng mga magulang sa tuwing masasaktan ang mga kapatid mo. If I were you, kung ganyan ang ginawa niyang pambabalewala sayo.. kailangan mo nang magdasal, kailangan mo nang matakot dahil hindi na normal iyan. Ganyan rin ang dapat mong ikatakot dahil mas masakit kung ang mismong Diyos ang magagalit at mambabalewala sayo, kahit na alam ko namang hindi ka niya magagawang balewalain dahil hindi niya magagawa iyon sa mga anak niya. Ang kailangan ko lang na gaein ay lumapit sa kanya, humingi ng tawad at mangakong hindi mo na gagawin iyon. Naging tahimik ang biyahe ko papunta sa kung saang kugar man kami patungo. Sila Mama at si Daddy naman ang naging abala sa pag uusap sa kung anong bagay. Hindi ko nga alam kung bakit nag uusap sila ng tungkol sa kasal, tungkol sa kustodiya ng anak. Hindi ko rin naman maintindihan ng bata kong utak ang usapan nila at sa halip na makinig na lang ay ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa mga punong nadadaanan namin sa biyahe. Nang mai-park na ni Daddy ang kotse sa bakanteng lugar sa tapat ng simabahan ay nagmamadali na kaming umibis ni Mama sa loob dahil tiyak kong mag uumpisa na ang misa. "Dahan dahan lang, Faie." Bilin niya habang hinahawakan ako sa braso upang alalayan sa pagbaba. Kabi kabila na ang nga taong naglalakad papasok sa loob ng simbahan at kung hindi man kami magmamadali ay baka maubusan pa kami ng upuan na mauupuan dahil sa sobrang dami ng tao. Ngayon ang anibersaryo ng kapistahan sa bayan namin. Ngayon rin ang taunang pagsisimba na kinagisnan ko na rin sa bahay na ito. Kabi kabila ang nga banderitas na nakikita at nasisilayan ng mga mata ko na nakakabit sa kung saan. Wala naman akong nagawa kundi libangin ang sarili ko sa mga food stalls na nakikita kong nakatayo lang sa gilid ng simbahan kung saan naroroon ang ibang bata na kaedad ko at kumakain pansamantala bago pa man mag misa. "May gusto ka bang kainin bago tayo pumasok?" Malumanay na tanong ni Mama kasabay ng pag akbay sa'kin. "Wala po akong dalang pera, Mama." Rason ko na hindi ko inaasahang ikakatawa niya. May nakakatawa ba sa kawalan ng pera? Ano bang malay ko na kakain muna pala kami bago pumasok sa loob? "Wag kang mag aalala dahil ako ang magbabayad, Nak." Ngiti niya bago siya nagpatiuna at marahan akong hinila. Ginaya namin ang paniniksik ng iba hanggang sa makarating kami sa pinaka unahan kung saan makikita kami ng Manong na abala sa pagluluto. "Anong gusto mo?" Tanong niya dahilan upang bahagya pa akong tumingkayad upang magpantay ang paningin ko sa medyo mataas na kawali. "Kahit ano na lang po." Sagot ko na lang ma ikinangiti niya. Panay sa ngiti si Mama ngayon bagay na bago sa paningin ko. Palangiti at approachable naman si Mama sa lahat ng taong nakakasama niya, pero iba pa rin ang mga ngiting sumisilay sa labi niya ngayon. Para bang may kakaiba. "Gwyneth. Let's go." Sambit ni Daddy bago ngumiti sa'kin at hinagkan ako sa braso upang magpatiuna sa paglalakad papasok ng simbahan. Gaya nga ng sinabi ko ay kumpulan ang tao at mga nagdarasal sa loob, ngunit hindi ito ang naging dahilan upang hindi kami makatagpo ng mga upuan na tila ba nilaan ring upuan  namin para sa espesyal na araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD