Maybe I was so down for the next couple of days. Bukas ay pasukan ko na. I should be happy pero hindi ko magawa.
My mind was haywire and I can't think properly.
Off ni Sancho from his work. For the last two days, he's been so patient with me na kahit hindi ako nakakatulong sa bahay ay hindi siya nagrereklamo sa akin.
I learned that Kuya Seb flew to Spain to study for college. That means, mag-isa na si Chari sa Trinidad. Mica was in San Rafael naman na kasi.
I was trying to read some books related to my course pero lahat iyon ay hindi pumapasok sa isipan ko. I don't know what should I do pa.
Hindi ko pa rin kasi maintindihan sa sarili ko kung bakit ang sama ng tingin ko sa sarili ko. I didn't abandon, Chari, pero hindi naman kasi tama na hindi ko man lang siya binisita.
I have had reasons!
I leaned back at my seat at sinarado na lang ang book na sinusubukan kong basahin.
A knocked on my door made me raised my gaze. Bumukas iyon at sumungaw si Sancho. He's smiling while looking at me.
"Are you busy?" he asked.
I shook my head before sitting properly. "Why?" tanong ko sa kanya.
"Can I ask you to go out with me?" he asked still smiling.
My brows arched while looking at him. Wala akong sa kondisyon na lumabas pero he asked and I can't say no naman.
"Where are we going?" tanong ko sa kanya.
"Somewhere fun. I'll give you 30 minutes to prepare, wear something comfortable and rubber shoes not heels." Bilin niya sa akin bago ako iniwanan.
Nagtataka man ay sinunod ko ang sinabi niya. I wore a simple pink blouse and short shorts pati na rin ang puting rubber shoes ko. Hindi naman niya sinabi na formal ang suotin ko and this is my comfortable attire.
Kinuha ko lang ang bag ko sa gilid at naglagay ng sunblock, shades, wallet, handkerchief, at cellphone. Of course hindi mawawala ang few make up kit ko.
Lumabas na ako ng room ko. Sancho was waiting for me at the living area. He's wearing a blue collar shirt and white pants that hugged his long legs. He turned to me with a smile on his face.
"You're good with that?" tanong niya sa suot ko pagkatapos akong titigan.
I nodded at him.
"Okay, then. Let's go?" He said before carrying a small back pack on his shoulder. Hinawakan niya ang kamay ko at tahimik kaming lumabas ng unit niya.
"Where are we going?" tanong ko sa kanya.
With a smile on his face ay nilingon niya ako, "Diyan lang."
Tumango na lang ako sa kanya.
Kung ako siguro sa kanya ay napagod na ako sa katulad ko. Masyado akong malungkot at hindi ko alam kung tama ba na nahihirapan din siya sa akin. Parang ang unfair naman masyado sa part niya. He didn't do anything wrong pero nadadamay siya sa pagka-down ko.
We reached his car, he opened it for me. Sumakay naman ako sa loob still wala akong ideya sa pupuntahan naming dalawa.
May pasok na bukas at alam kong dapat mag-focus ako doon pero mukhang ayos lang din naman na maglibang ako ngayong araw.
Maaga pa naman. Nagulat nga ako na maaga rin nagising si Sancho. Sanay na siguro ang katawan niya sa ganito kaaga na paggising dahil na rin sa trabaho niya.
Hindi na ako nagtanong sa kanya kung saan kami pupunta basta't tahimik lang ako sa sasakyan. He's playing a music naman kaya kahit papaano ay may ingay sa loob ng sasakyan.
"Our travel will take at least an hour and a half. Do you want to grab some food habang nasa biyahe tayo?" tanong niya sa akin.
I turned to him before shaking my head, "I'm not hungry naman. Thank you sa offer." sagot ko sa kanya.
"We never eat breakfast yet, babe. Hahayaan mo ba na magutom ang sarili mo?" tanong niya pa sa akin.
I sigh bago umayos ng upo. Hindi nga pala siya nagluto ng breakfast at hindi pa rin ako kumakain mula kagabi. Sa sobrang down ng emotion ko ay nakalimutan ko na may responsibilidad din ako sa sarili ko.
"If you're still thinking about what happened in Trinidad...I can understand you. But please, Liv, you have to live for yourself as well. What happened there was not entirely your fault." sabi niya sa akin.
I never open anything yet to him. Hindi ko pa nasasabi sa kanya yung dahilan kung bakit ang lungkot-lungkot ko.
Hindi naman niya ako pinipilit na mag-kwento sa kanya and I'm so thankful for that.
I took a deep sighed before looking back at the road we were passing.
"I missed the old you, babe. Your loud voice and non-stop talked. After you came from Trinidad, you're no longer the same. I don't know what exactly happened to you there but unless you're willing to tell me already...Please remember na handa akong makinig sa iyo." He said to me.
I bite my lower lip para hindi ako maiyak sa sinabi niya. I want to go back to my old self. Para kasing kinuha ng Trinidad ang lahat ng lakas na mayroon ako kahit sandali lang ako na naparoon. I wanted to cry so hard but I just don't know how to open up to him.
"I'm sorry," mahina kong sabi sa kanya.
Sancho's hand reached for me, he squeezed it lightly.
"Whenever you are ready to speak up. I can always lend my ears to you. I will support whatever's running to your mind now, babe." He added.
Tumango-tango ako sa sinabi niya sa akin. I can tell it to him naman, hinahanda ko lang ang sarili ko. Isa pa importante rin sa kanya si Chari kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko sa pagsasabi sa kanya.
"Now...can we grab a food while we're travelling?" tanong niya ulit sa akin.
I simply nodded as an answer. "Good job, babe." sagot niya sa akin.
Dumaan kami sa isang pinakamalapit na fast food na nadaanan naming dalawa. Drive-thru lang iyon at siya na ang umorder para sa aming dalawa.
After getting our order we continued riding na ulit.Dahil sa breakfast meal na binili niya for the of us ay nakaramdam din ako ng gutom.
I was eating on my own pero hindi siya. Mabuti na lang at huminto ang sasakyan dahil sa stop light. I managed to gave him a spoonful of the food that I was eating.
He turned to me bago ngumiti at kinain ang inumang ko sa kanya. "Feeling better?" tanong niya sa akin.
Bahagya akong tumango sa kanya. Dala rin siguro ng gutom kaya masyado akong down. Ngayon ko lang kasi naramdaman yung gutom ko for last night hanggang sa ngayon.
I helped him to eat his food habang nasa biyahe kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
At least nakalimutan ko yung dahilan kung bakit ang down ko ngayon.
"Where are we going anyway?" I asked him.
We passed a toll gate kasi tapos nagbayad siya. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Hindi naman ito ang daan papuntang Trinidad.
"To one of the happiest place I know," sagot niya sa akin.
"Happiest?" ulit ko.
Tumango siya habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa daanan. "I really wnat to bring you here pero hindi ko magawa. Naging busy tayo pareho," sagot niya sa akin.
"You're the busiest among the two of us." sabi ko sa kanya.
He chuckled and that was the sexiest laugh I have heard. "Sorry na. Ginagawa ko iyon para sa ating dalawa."
"I know, you don't need to say sorry at all." sagot ko sa kanya.
I smile while watching the place we were passing by. Siguro dahil unang beses kong makita ang lugar na ito ay hindi ko maalis ang tingin ko.
An hour and a half passed by at dumating kami sa isang theme park. Enchanted Kingdom, that was the name.
May isa kasing wizard na nakatayo sa gitna ng malawak na daan at may mga nagpapapicture doon.
"Theme park?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
Sancho smiled and nodded while parking his car sa malapit na parking area.
"Oh my Gosh! I have never been in a park, babe! This is my first time!" masayang sabi ko sa kanya.
Suddenly excitement filled me habang nakatingin sa mga nagdadaanang tao. Unang beses ko ito! Hindi ako nadala nila Mommy sa ganito dahil natatakot sila na maging masama ang epekto nun sa utak ko before. After naman ng operation ko ay hindi pa rin ako dinala dahil sa side effect naman daw na pwede kong makuha kapag masyadong nagalaw ang ulo ko.
I unbuckled my seat belt at nagmamadaling lumabas. Kaya pala comfy ang attire na needed dahil sa dito kami pupunta. If only I knew ay mas pumili ako ng magandang outfit.
I ran at the wizard statue and didn't dare to wait for Sancho. Nilabas ko kaagad ang phone ko para kunan ang sarili at ang wizard.
"I forgot my digital camera." I murmured.
Hindi ko naman kasi alam na dito ang punta namin! Hindi naman niya sinabi and this surprise made me happy!
Nilingon ko si Sancho na nakangiting naglalakad palapit sa akin. My eyes saw the female giggling behind him while pointing him.
I rolled my eyes while looking at them. Hello! The guy that they were pointing was taken! At wala akong planong hiwalayan siya or what kaya mangarap na lang sila habang nakatingin sa aming dalawa.
"Do you want me to take a picture of you?" He asked tapos ay kinuha sa bag na dala ang personal camera nito.
"Yes please!" sabi ko sa kanya.
Sancho stood in front of me and the statue habang nakaayos ang camera.
"Smile, babe. One...Two...Three...There! You looked really beautiful." sabi niya sa akin.
I felt heat filled my face. Hindi pa naman masyadong mainit pero nararamdaman ko na ang pamumula ng mukha ko.
"Let's take a picture together. You take a picture of the two of us." sabi ko sa kanya bago ko hinawakan ang kamay niya.
"What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong sa akin.
"Hold mo yung camera tapos point mo sa ating dalawa. Mas okay na iyon compare sa tatawag tayo ng tao para mag-take ng picture natin." Explain ko sa kanya.
He nodded at me bago tumayo sa gilid ko. I cling onto him immediately para makita ng mga admirers niya na taken na siya.
Swerte na rin at long ang arms ni Sancho kaya nagawa niyang kunan kaming dalawa. Mas memorable pa iyon dahil it was self-taken picture namin, nobody help us para magkaroon ng picture together.
"Let me see." I grabbed his camera para makita ang picture.
I nodded with satisfaction while looking at the pictures. Perks of being journalism graduate, he knows how to hold his camera without shaking his hand. Maybe he had a subject para sa paghawak ng cameras and pag-project sa harap ng camera.
Suddenly Sancho put a cap onto my head. Napatingin pa ako sa ginawa niya. He's wearing a cap as well.
"Magiging mainit na mamaya babe. Kailangan natin ng protection." sabi niya sa akin.
Tumango naman ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Where to now?" tanong ko sa kanya.
"Ticket booth. Hindi tayo makakapasok kapag walang ticket." He answered with a smile on his face.
Habang naglalakad papunta sa ticketing area ay mas na-appreciate ko si Sancho. He should be resting habang off niya. Pero hindi niya ginawa. Instead, he's here with me and since yesterday ay nandiyan para alalayan ako. Kahit hindi ako nagsasalita or nagkukwento ay hindi niya ako prinessure na magsalita.
He never ask me to help him clean the house nor to cook. Noong natulog ako kahapon buong umaga hanggang tanghali ay hindi niya ako ginising. Pagkagising ko ay natapos na niya yung laundry, malinis na rin ang bahay at nakahanda na ang lunch namin.
With him I can be weak pero alam kong hindi ko iyon pwedeng sagarin. Somehow, I should also help him. He has a work habang ako ay nag-aaral pa lang naman.
Pumayag ako na tumira na kasama siya kaya dapat gampanan ko rin yung tungkulin ko sa bahay.
"Two unli rides ticket." sabi ni Sancho sa teller na naroon.
Hindi siya nagrereklamo kahit kailan. Samantalang ako ay ganun pa lang ang pinagdadaanan ko nagagalit at nawawala na agad sa sarili.
Ang unfair ko sa part na iyon.
"Here, babe." He took my hand at nilagay ang ticket bracelet sa kamay ko.
"Thank you." mahinang sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin bago kami pumasok sa loob ng theme park. Kaunti pa lang ang tao pero sabi ng mga naririnig ko kanina ay dadami pa raw iyon. It was weekend anyway, last day of summer vacation.
"Hindi ka ba takot sa mga rides?" tanong niya sa akin pagpasok namin sa loob.
There were different rides sa iba't ibang part, mayroon pa kaming map na dala para hindi kami maligaw.
I turned to him with a smile on my face. "Can we try everything? I want to experience each of them." sabi ko sa kanya.
Inakbayan niya ako, " Hmm. Can we skip those hard rides. Baka mahirapan kang gumising bukas, first day mo pa naman bukas." sabi niya sa akin.
May point siya pero first time ko dito kaya gusto ko sanang subukan lahat. "Not all na lang? I really want to try them...please?" Humarap pa ako sa kanya at pinag-clasp ang dalawang palm ko together to begged him.
Sancho looked at me first bago tumawa at tumango sa akin. "Anything you want, babe. Let's go! Which should we ride first?" tanong niya sa akin.
I pointed the horse carousel na makikita sa pinakagitna ng theme park. Iyon ata ang main attraction doon.
"Really?" tanong niya sa akin.
I nodded bago humiwalay sa kanya at tumakbo na papunta sa entrance ng ride. Hangga't kaunti pa ang tao ay kailangan namin masulit ang rides.
I hate waiting so much kaya we have to fill ourselves from riding different rides and try the attractions na mayroon sa park.
Sumunod naman sa akin si Sancho. Naka-ready ang video camera niya and he's recording everything.
"Ang ugly ko! Stop na yan!" I told him while covering the lense of his video camera.
Nahilo ako sa kakaikot sa carousel pero masaya naman.
We tried extreme naman like Anchors away and Space shuttle!
I was panting so hard after that ride. Napahawak pa ako sa handrail ng exit dahil sa sobrang dizzy ko.
"I told you. We shouldn't chose that." sabi ni Sancho sa akin. He handed me a bottle of water that he bought from the stall nearby.
I looked at him. Bakit parang hindi siya affected sa sinakyan namin. I was so dizzy pero calm pa rin siya.
"Sorry. That was extreme pero fun naman, right?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya sa akin bago ako hawakan sa elbow at alalayan na makaupo sa food court na naroon. I leaned back at the seat and tried not to p**e. Hindi naman ako nasusuka pero epekto lang siguro ng rides na sinakyan namin. Mabuti na lang at mukhang na digest ko naman na yung kinain namin kanina.
Sancho left me again. Hindi ko alam kung saan na naman siya pupunta this time. I closed my eyes and tried to calm my system. Mawala lang yung dizziness ko ay ayos na ulit ako at kaya ko na ulit sumakay sa ibang extreme rides.
I wanted to try yung tinatawag na Rio Grande. Naeexcite akong i-try iyon kasi yung mga pumapasok doon, they were all dry pero paglabas nila sa exit ay mga wet na sila.
Maybe that could be our last ride for today pero I also want to try the ferris wheel. It was so big pero mas magical siguro na sumakay doon kapag madilim na.
Sancho came back again, his eyes were so full of concern while looking at me.
"Here. I bought a medicine for you. Do you want to go home na ba? Kaya mo pa ba?" tanong niya sa akin pagkaupo niya sa tabi ko.
I took the pill on his palm at ininom iyon kaagad. Dizzy lang ako pero I can still handle myself.
"I'm perfectly fine, babe. Dizzy lang and maybe because of that ride pero kaya ko pa. I still want to try different rides." Nakangiting sabi ko sa kanya.
Hinarap ko siya at hinawakan ang arm niya, "You don't feel dizzy?" tanong ko sa kanya.
He shook his head to me, "I tried that before at sanay na ako kaya hindi na ako madaling mahilo," sagot niya sa akin.
I pouted my lips, "Good for you." I sighed before leaning on his shoulder.
He draped his arms over my shoulder namin.
Ah! What a peaceful and comforting place beside him.
"Just give me a minute and I will be fine na." sabi ko sa kanya.
Hindi naman siya nagsalita at hinayaan lang ako. Kaya ko naman. Hindi naman big deal ito.
"What do you want to eat? Almost lunch na. Maganda ring nandito tayo sa shaded area para hindi sumakit ang ulo mo." sabi niya sa akin.
"Anything but pork and beef." sabi ko sa kanya.
I'm not a fan of those two red meats. Naaawa ako sa mga animals na iyon kaya never kong sinubukang kainin.
"Chicken, then." Tumatawang sabi ni Sancho. Hinalikan muna niya ako sa noo bago nagpunta sa line ng stall na naroon sa harapan namin.
The loud music that was booming from each side of the food court was so fun to listen kung hindi lang ako nahihilo. Kaya lang mukhang makakadagdag sa sakit ng ulo ko yung ingay.
I waited for him again. Nakikita ko siyang nag-iikot sa mga stalls na naroon just to buy our food. In fairness ay nawawala na kahit papaano yung dizziness ko, mild na lang pero mawawala na rin naman ito mamaya.
He came back after fifteen minutes. He's carrying a tray at nakalagay doon ang food plate naming dalawa pati dalawang bottle of water.
"No, soft drinks for you, babe. Nahihilo ka pa. Water will help you feel better." sabi niya sa akin.
I nodded at him. Wala naman akong reklamo doon.
According to him, chicken teriyaki daw yung binili niyang food namin. Hindi naman ako nag-reklamo at kumain na lang sa tabi niya. He gave me a bar of chocolate after our lunch.
"Let's try yung gun game doon sa harap, babe. Yung may prize na bear? Do you know how to play that?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman." sagot niya sa akin.
We agreed to go there after resting for thirty minutes. Dumarami na rin kasi ang tao sa food court and that's when we decided to go the attraction that I told him.
At hindi nga lang nagyayabang si Sancho sa akin. Magaling talaga siya. Napaputok kasi niya yung mga balloons na kailangan niyang i-accomplish para manalo.
"Yehey!" I was so happy while watching him.
He's enjoying din kasi and it was so nice to see him enjoying as well. I want him to have fun as well at hindi lang ako.
We did high five after niyang makuha ang malaking teddy bear. Hindi namin namalayan na pinanonood na pala siya.
"Let's try more. Marami pa doon. Let's win all of them." I told him.
Nakangiti lang na tumango sa akin si Sancho. At halos lahat nga ng attractions na pwede naming subukan panalunan ay nakuhaan namin. Siya lang ang gumagawa sa lahat pero lahat ay napanalunan niya.
My hands were so full from carrying the stuff toys he won for me.
"I'll bring it at our car muna. Wait for me here." sabi niya sa akin.
Tumango ako sa kanya at binigay ang mga napanalunan.
Hindi naman siya nagtagal at bumalik din. I welcomed him with a smile and hugged, "Thank you, babe." sabi ko sa kanya.
"Anything for you, babe." sagot naman niya sa akin. "Now...are you ready for another batch of rides? Are you feeling better na ba?"
Tumango ako sa kanya.
And we did.
Hanggang sa mapagod na kaming dalawa. Hindi na namin nasubukan ang Rio Grande pero pumayag siyang subukan namin ang Wheel of Fate na ride.
Ayos na rin dahil madilim na at kita na ang liwanag ng lugar kung nasaan kami.
The cold air hugged me habang unti-unting umaangat ang gondola naming dalawa. Open iyon at pwede mong iikot pero Sancho and I never tried to do that.
"This was so magical and beautiful." mahinang sabi ko habang hinahayaan ko ang mga mata na punuin ang utak ko ng alaala sa lugar na ito.
I looked at Sancho. He's looking intently at me, "Thank you for bringing me here. At least kahit papaano I forgot why I'm sad." I told him.
Sancho reached for my hand and kissed it. "I just want to see you happy. Kaya kung anumang dahilan ng kinalulungkot mo ngayon, please remember na ayokong makita na malungkot ka. You can share everything to me, Liv. I will listen to you." sabi niya sa akin.
I smiled and nodded. Sinabi ko rin naman sa sarili ko na ikukwento ko sa kanya yung nangyari and that's what I did.
Pinaliwanag ko sa kanya ang dahilan at mga nangyari sa Trinidad. Kulang ang isang ikot ng Wheel of Fate kaya hindi ko natapos ang kwento sa kanya. Humanap pa kami ng lugar na wala masyadong tao para makapag-usap.
The tears that I thought dried up already are rolling down to my cheeks. "I'm not a good friend, right?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong i-kwento lahat sa kanya.
He was quiet for a moment at mukhang iniisip ang sasabihin. Yeah, Chari and him are good friends. Kaya sigurado akong ang symphaty niya ay kay Chari.
Sancho sighed after a few minutes. He took my hand and hel it tightly. "Dahil ba doon kaya ka nalulungkot?" tanong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya. "I'm a bad friend...I don't deserve a good person like her." sagot ko sa kanya.
"You're looking down at yourself kapag inisip mo yan, Olivia."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya pagkasabi niya nun. His free hand wiped my tears away.
"Alam kong alam ni Chari na ginusto mong puntahan siya pero syempre kapamilya mo ang nawala. Parehas kayong nasaktan dalawa pero wag na wag mong pagdudahan ang pagiging magkaibigan ninyong dalawa. Both of you experienced different kind of pain in both situation."
"What do you mean?" tanong ko sa kanya.
"Stop telling yourself that you're not a good friend because you are a good and wonderful friend, Olivia. Hinding-hindi magtatanim ng sama ng loob sa iyo si Chari at alam ko iyon. We both know her and we both know na hindi niya magagawang magalit sa 'yo." Paliwanag sa akin ni Sancho.
Was that even real? Dapat bang paniwalaan ko ang sinabi niya.
"You've been taking that pain in yourself so much. Try to let go of it dahil may sarili ka ring buhay na kailangan intidihin...If you are that worried you can visit Chari at Trinidad or call her." sabi niya sa akin.
"Wala siyang phone," sagot ko sa kanya.
"Then at least write a letter for her. Send it to the Velasquez so they could give it to her. Or you could even send it directly to her house o kaya kay Abuela. We have ways, babe. Wag mong sisihin ang sarili mo sa pangyayari na hindi mo kontrol." paliwanag niya sa akin.
Was I really overthinking and blaming myself too much? I know Chari will never hate me. She's a good friend. Ako lang naman ang nakakaisip na masyado akong masama sa kanya kaya nagsisisi ako sa nangyari.
"We don't have a control for everything, Olivia. Sometimes kailangan natin harapin iyon at tanggapin ang resulta. Wag mong sisihin ang sarili mo please. Wala kang kasalanan." dagdag pa niya sa akin.
Tumango ako sa sinabi niya. Naintindihan ko iyon at kahit papaano ay naliwanagan ako. Mabuti na lang at nasabi ko sa kanya. Natulungan niya ako.
"Thank you for explaining it to me, Sancho. It means a lot for me...Ang bigat kasi niya masyado sa dibdib. I don't want to lose a friend like her. Mica and her are my first friends in Trinidad. They were so important to me." sagot ko sa kanya.
"I understand you kaya nga hindi mo dapat isipin yang mga ganyan." sabi niya sa akin.
I bite my lower lip and nodded to him. Sumandal ako sa balikat niya. He was my home and I'm certain to that. Siya lang ang nakakagawang umintindi sa mga naiisip ko ngayon. Baka kung hindi ko na-open up sa kanya iyon ay mananatiling mabigat sa dibdib ko ang lahat.
I'm so glad that I shared it to him.
The spectacular firework display caught my attention. Nagliliwanag ang buong paligid habang nakatingala kaming pinanonood iyon.
"Wow..." I whispered without breaking my gaze onto it.
Sancho was not speaking beside me siguro ay nagagandahan din siya sa nakikita naming dalawa.
"Isn't it beautiful, is it?" nakangiting tanong ko sa kanya at mabilisan siyang nilingon.
Hindi siya nakatingala sa langit kundi ay nakatingin sa akin. Marahan siyang tumango sa tanong ko.
"Napakaganda." He whispered while looking at me.
Sancho cupped his hand to my face and gave me a deep and long kiss that I wasn't expecting.
Akala ko ay kami ang manonood sa langit, iyon pala ay ang langit ang manonood sa aming dalawa.