New Year came.
My family spend the New Year that time in America. Celebration na rin ng birthday ko. I turned seventeen while watching the ball drop in Times Square. Out of the people kissing each other, our parents hugged us.
We ate at one of the finest restaurant in New York. We were lucky that Dad had a reservation or else we were going to starve in death...and cold.
Two weeks lang kami sa New York kasi kailangan naming bumalik sa Pilipinas dahil sa kailangan na rin namin pumasok. Isa pa ay ilalabas na rin ag result ng exam sa Ateneo. It was the only university na sinubukan ko. I don't want to try to any other University.
"Olivia!"
I turned my head to look whoever calling me this time. It was Chari with Kuya Seb beside her. Late na ako ng one week sa opening ng class after our Christmas break. Actually, I still feel jetlagged from that long flight.
But then stepping on other country made me feel na I was so free. At least panandalian ay nakalimutan ko ang tungkol sa magiging future ko. I don't want to think of it habang nasa New York.
"Belated Happy Birthday!" masayang sabi ni Chari sa akin paglapit niya.
"Thank you!" sabi ko sa kanya.
Napatingin siya sa mga paper bags na dala ko. Kuryosong tinuro niya iyon. "Ano yan?"
"Gifts for everyone. I bought these in New York. You and Mica have one too," sabi ko sa kanya.
"Uy imported! Sana hindi ka na nag-abala." sabi niya sa akin.
I shook my head. I gave them gifts naman nung Christmas Party but I love giving presents to everyone naman. And minsan lang naman ito lalo na at huling year na namin magkakasama.
Kasama ko sila papasok ng room. Kuya Seb was carrying my paper bags while Chari was talking with me...non-stop.
I missed her stories and kadaldalan. Pagpasok namin sa room ay nakita ko kaagad si Mica, she's at the corner.
"Hoy!" Gulat na tawag ni Chari kay Mica.
Mica turned to us with a surprise in her eyes. Napaayos tuloy siya ng upo. "Nakauwi na pala kayo, Olivia." Unang sabi niya sa akin pagkakita niya sa akin.
I nodded and smiled at her. "Yeah. Kuya Leon's here na rin sa Philippines." I told her.
Her eyes gleamed with excitement sa sinabi ko. Did she missed my Kuya Leon ba? Probably kaya ganyan siya.
We sat in our place pagkatapos ay nilagay ko sa ibabaw ng desk ko yung mga paper bags. Our classmates were asking me kung saan ako galing and kumusta na raw ako. I answered all of them naman din.
"Tada! Gift for each of you!" I handed one paper bag for Mica and Chari.
It has wallet with a dollar and watch that I bought in New York. I also put chocolates inside kasi I know na they really like chocolates especially Chari. She has the sweetest tooth among the three of us.
"Ay grabe! Bakit may ganito pero salamat ah!" Masayang sabi ni Chari sa akin.
"Sana magustuhan ninyo. Kasi you were the first two person that I thought when I was looking for gifts." sabi ko sa kanilang dalawa.
I handed a paper bag for Kuya Seb too para na rin kay Uncle Santi at Auntie Tam.
"Thank you, Liv." sabi naman ni Mica sa akin.
I smiled to the two of them. The presents that I bought for them was nothing compared to the kindness that they showed to me. They have been my pillar during my high school life. I have completely adjusted because of them. Now, sa college namin. It will be an alone battle for me, there won't be Mica or Chari at my side.
I gave my classmates a pack of chocolates before distributing the gifts that I bought for our teachers. Our adviser has special gift compared to our subject teachers.
I bought gifts for Sancho rin naman kaya lang hindi ko pa iyon mabibigay. Wala naman siya dito sa Trinidad at ayoko namang gumawa ng paraan para makausap siya. Baka isipin niya na naghahabol ako sa kanya.
The nerve of that man pa naman.
It's just, I can't stop thinking of him lalo na noong nasa New York kami. Every time that I was done on something ay naiisip ko siya. I even had an urge to contact him during New York.
According to Mommy, he called me thru Mom's number para i-greet ako ng Happy Birthday. But I was sleeping when he called. I thought he would call the next day but he didn't. And I was too foolish to think na he will call me. Ano kami mag-boyfriend and girlfriend ba? No, we are not!
For the next couple of weeks ay puro lessons and school activities ang ginawa namin.
February was a month for lovers. Chari and Mica often tease me na pupunta si Sancho to surprise me on February 14. But I tried not to hold onto their words. Ang tagal na naming hindi nagkikita at nakatengga yung gift niya sa room ko.
Maybe he was that busy para hindi makapunta sa Trinidad. The result for Ateneo came up two days before Valentines day. I passed the exam and sa course na gusto ko, Civil Engineering.
Really far from what my family wants for me. They wanted me to take Business Management so I could help Kuya Leon daw someday sa pag-handle ng business namin. But I have a better plan for myself and I don't want them to ruin what I have planned already.
That day I visited Lola Esmeng. First time kasi Mommy wants to send food for Lola Esmeng. I followed her naman kasi masaya ako ng araw na iyon. A lot of good things happened to me.
I was the second highest in our Math quiz, of course next to Chari, but I didn't mind it tho. She's really good in everything and I know that she studied really well on that quiz.
I passed my college admission exam sa University na gusto ko and sa course na gusto ko.
I was too happy so I followed everything that Mommy told me. Kaya kahit ang pagpunta kina Lola Esmeng, it didn't mind me.
Her old house welcomed me. Mahilig talaga ako sa mga old houses. I don't find them creepy at all. According kasi sa Philippine History na subject namin, the old mansion before was one of the sign na mayaman ang pamilyang nakatira doon.
Lola Esmeng house was surely an old mansion. Ours was a replica from a certain book that Mom have had read before.
And it feels so homey and warm whenever I saw an old house like this. I would surely trade Manila and Spain just to leave in a peaceful town like Trinidad. It has everything that I need and I don't need to look in the other city.
Yes, it was not a rich town but it has a beautiful story that needs to be unfold and heard by everyone. It has a spectacular view and scenery that Manila doesn't have.
I enjoyed living here and I will surely miss Trinidad kapag nagpunta na ako sa Manila to study. According to Mommy kasi they have found a condo unit for me. Well not totally mine naman kasi may ka-room mate ako. It was fine for me at least I won't be sad living alone in a big city like Manila. I need someone to lean on or to ask anything kapag hindi ko alam.
They won't be staying in Manila with me. Marami rin kasing business sina Mommy at Daddy dito and they really like Trinidad as much as I like it.
I knocked three times sa gate nila Lola Esmeng before someone came out. It was her katiwala.
"Hi! Nandyan po si Lola Esmeng?" tanong ko sa kanya.
The lady didn't recognize me kaagad kasi once pa lang naman ako napunta dito. "I'm Olivia Vilaformosa, daughter of Leo and Lena Vilaformosa, family-friend of the Ramirez." I told her.
Tumango-tango naman ang babae sa akin. "Sabihin ko lang po kay Ma'am." Nagmamadali itong pumasok ulit sa loob after closing the gate.
I pouted my lips while waiting for her to comeback. Maganda ang front view ng bahay ni Lola Esmeng. The green vast farm land of Trinidad. Fresh air welcomes her everyday kaya healthy pa rin si Lola Esmeng.
The gate opened again at pinapasok na ako. I won't stay long naman since I need to study pa para sa long quiz namin sa English tomorrow and I walked lang papunta dito. I don't want to stay at the road ng gabi na.
"Olivia!" Lola Esmeng called me excitedly. Her old arm welcomed me in embrace.
Yumakap naman din ako sa kanya kaagad. It was her and her maid lang dito sa house. I know na may security din si Lola Esmeng pero baka nasa back house lang nila. I didn't ask anymore about it.
The last time that I saw Lola Esmeng was Christmas Eve at the Ramirez estate in Manila. Bumitaw ako ng yakap sa kanya. "How are you?" she asked to me.
"I'm fine po. Kayo po?" I asked her.
She guided me papunta sa Narra sofa niya. The woman who opened the gate for me brought a glass of juice for us na nilapag niya sa coffee table.
"Eto matanda pa rin." sabi niya sa akin.
"You don't look like your age naman po," Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Bolera ka palang bata ka." Mahinhin na tumawa si Lola Esmeng.
Inabot ko sa kanya ang dala kong fruit basket at yung paper bag na regalo ko kay Sancho. "Fruits po pinabibigay ni Mommy. Tsaka iiwan ko na rin po yung presents na binili ko for Sancho," I told her.
Tinanggap naman niya ang fruit basket na dala ko at inabot iyon sa naghihintay na kasambahay pero not the paper bag. "Ikaw na ang magbigay niyan kay Sancho."
Alanganing ngumiti ako sa kanya. Hindi naman kami nagkikita ng apo niya kaya paano ko maibibigay iyon kay Sancho. "Baka po kasi matagal pa yung susunod niyang punta dito sa Trinidad. Tsaka surely, he will visit you first before anyone here in Trinidad. Kaya safe na po na sa inyo ka muna iwan yung gift ko for him." I told her.
Lola Esmeng nodded naman sa sinabi ko. Mabuti na lang at hindi siya nakipag-argue sa akin sa ganun bagay pa.
This time I had a chance to scan the whole living area. It was an ancestral house kaya wood ang mostly materials ng bahay. Maybe a high-class wood that can't be infested by termites or catch fire easily.
At the center of the living room, there's a big picture frame. Nandoon si Lola Esmeng and an old man, probably her husband.
"Asawa niyo po siya?" Turo ko sa lalaki na nasa picture frame.
Napatingin din doon si Lola Esmeng before nodding at me. "Siya ang orihinal na Pocholo Ramirez. Yung second name ni Sancho ay nanggaling sa kabiyak ko, sa lolo niya." Nakangiting sabi ni Lola Esmeng sa akin.
I slowly nodded my head. "He died four years ago. Dala na rin ng katandaan kaya maaga akong iniwan. Siya ang katuwang ko sa pagpapalaki kay Sancho at sa iba ko pang mga apo na dito tumira sa akin." she added.
I turned to face her. Lola Esmeng smiling face disappeared this time. She became sad while looking at the picture. I never grew up with my grandparents, I actually have no idea what do they like in both sides.
My parents told me that my grandparents passed away before pa ako ipanganak. Kuya Leon was the one who saw them and Kuya was so young pa that time.
"Alam mo ba na sampung taon ang tanda naming mag-asawa?" Tumawa pa si Lola Esmeng sa akin. "Otsenta'y singko na noong nawala siya samantalang sitenta'y singko pa lang ako. Pero sa kabila ng lahat na iyon ay walang araw na hindi ipinaramdan ni Pocholo ang pagmamahal niya sa akin. Siya at ang Lolo mo ang dahilan kung bakit ikakasal kayo ni Sancho," Lola Esmeng turned to me.
"Ano pong ikinamatay ni Lolo?" tanong ko sa kanya.
"Katandaan tsaka makakalimutin na rin. Alzheimer's daw ang tawad doon sa naging sakit niya. Sa totoo lang ay hindi ako naniniwala na iyon ang naging sakit niyang matanda na yan...araw-araw pa rin niyang ipinapaalala sa akin na mahal niya ako at kung sino ako sa buhay niya. Nakalimutan na niya yung mga anak at apo namin pero kahit kailan ay hindi niya ako nakalimutan."
My heart warms sa kwento niya. Lola Esmeng held my hand, "Katulad ng apo kong si Sancho ay napakasipag at mabuting tao ni Pocholo. Siya nga ata ang reincarnation ng asawa ko. Lahat ng katangian ni Pocholo ay mayroon si Sancho...Parehas nilang alam ang lahat ng bagay. Wala silang kinatatakutang dalawa. Kaya rin kumuha ng Journalism si Sancho dahil kilalang news anchor noong panahon namin si Pocholo."
Tumango-tango ako sa kanya. I never knew that listening to her story would remind me of Sancho in every aspect.
"Labingwalong taon ako noong nagpakasal kami ni Pocholo. Napasagot niya ako kaagad. Masyado kasing masigasig sa panliligaw. Hindi man lang pumalya ng dalaw sa bahay at pagsuyo sa akin. Hindi naman ako ang pinakamaganda noong panahon namin pero ewan ko ba at inlove na inlove ang lalaking yan sa akin." She laughed this time and her laugh made me do the same.
"Lima ang anak namin. Kahit mahirap ay nagawa naming mapag-aral ang mga anak namin. Mayroon pa kaming dalawang ampon kaya naging pito ang anak namin. Yung dalawang bunso namin ay parehas na nasa America at doon nakatira. Kaya ang naging anak talaga namin ni Pocholo ay pito...Kaya noong nag-alisan at bumuo ng sariling pamilya nila ang mga anak namin ay naiwan na kami ng asawa ko dito sa Trinidad. Pero kahit ganun ay hindi namin hinanap ang presensya nila dahil sapat na para sa amin ni Pocholo na kaming dalawa lang,"
Lola Esmeng returned her gaze at the picture. She looked onto it lovingly, "Araw-araw, hinahanap ko pa rin siya. Nalulungkot ako tuwing umaga na hindi ko siya nakikita pero ganun naman ata. Kailangan kong masanay pero hindi madali. Higit kumulang anim na dekada kaming magkasama. Siya ang nakikita ko sa paggising ko tuwing umaga at kasama bago matulog...Siya rin ang kasama ko sa pagkain lalo na noong nag-alisan na ang mga anak naming dalawa. Kahit nakakalimot siya araw-araw ay sigurado ako na ako lang ang mahal niya at ang mga anak namin." Nagpunas si Lola Esmeng ng luha sa mga mata niya.
"Nag-aaway man kaming dalawa ay siya lagi ang unang gumagawa ng paraan para magkabati kaming dalawa. Ako kasi yung matigas ang ulo sa aming dalawa. Talakera rin ako noon sa kanya. Kahit iyon, hinahanap ko. Masyadong tahimik ang bahay na ito magmula ng mawala na siya. Wala na yung kapareha ko sa lahat ng bagay."
I didn't know that y tears were flowing while listening to Lola Esmeng. I wiped it away. Masyado bang ideal kung hilingin ko rin na sana ganun din ang maging love life ko. I don't want to be compromised to a marriage that has no love at all.
I want to experience being love and falling in love with someone else.
"Alam mo bang napakagaling magluto ni Pocholo? Hindi ko man sinasabi ay alam na niya kaagad kung ano ang paborito kong putahe. Kahit hindi ako magsalita ay alam niya ang kailangan ko...Kaya lang lahat din iyon ay nawala na matapos niya akong iwan. Lahat din iyon ay bahagi na lang ng isang magandang alaala naming dalawa. Isang alaala na babaunin ko hanggang sa magkita kaming dalawa sa langit...Sa totoo lang, Olivia. Gusto kong hilahin ang mga araw para makita ko siya. Para makasama ko na siya ulit...Kung ang langit nga ay nandyan lang sa kapitbahay baka araw-araw akong naroon o kaya ay hindi na umalis para makasama ko siya."
"Si Pocholo lang ang walang sawang nakikinig sa mga kwento ko. Kahit paulit-ulit na ay hindi siya nagsasawang ipahiram ang tenga niya sa akin... Alam mo ba na sa isang tao ko lang nakita ang lahat ng katangian na iyon ni Pocholo? Kahit sa mga anak naming dalawa ay walang nakamana ng ugali niya?" Lola Esmeng turned to me.
Her eyes were shining with tears. "Kay Sancho ko lang nakita iyon. Kaya sasabihin ko sa iyo, Olivia. Hindi bilang apo ko siya, kundi bilang isang babae na nagmahal at nakakita ng taong kayang umintindi at magmahal sa akin ng higit pa sa sarili ko...Si Sancho ang nagtataglay ng lahat ng iyon. Kaya napakaswerte mo at kayo ng apo ko ang nakatakdang ipakasal."
I looked intently at Lola Esmeng eyes. Yes, I agree, Sancho has those characteristics. Pero Sancho and I knew better than that. We are not good for each other.
"Noong Pasko ay kitang-kita ko ang pag-aalaga ng apo ko sa iyo. Nakita ko ang kislap sa mga mata niya habang nakatingin sa iyo. Kahit kailan ay hinding-hindi magsisinungaling ang mga mata natin sa nararamdaman natin sa isang tao. At ganun din ang nakita ko sa iyo, Olivia. Pero maniwala ka sa akin dahil kilala ko si Sancho. Mahalaga ka para sa kanya." sabi ni Lola Esmeng sa akin.
I didn't know that she was observing us that time. Sancho really did took care of me during that time. I can't disagree on her dahil I witnessed his patience to me. From our short travel, to the game that we had, and he was serving me food as well.
Sancho and I, we could only be a great friend. Hinding-hindi siguro kami hahantong sa ibang level pa.
I was keeping everything to myself. I don't want everyone to see how I feel about him pero mukhang hindi ako mananalo kay Lola Esmeng. She can read me like a paper.
"Gusto mo rin ang apo ko di ba." It was not a question but a statement from her.
I swallowed while looking at her. Suddenly all around me feel so cold that my hands started shaking from unknown reason. My heart beats like crazy, I can almost hear my heartbeat.
That was his effect to me.
Pangalan pa lang niya ay kinakabahan na ako.
I didn't know if when it started pero one thing's for sure, I like him, not just a friend but greater than that.
I know that I should not feel this way dahil wala ito sa usapan naming dalawa. Hindi ko lang talaga mapigilan yung sarili ko. I kept on thinking of him, I was jealous to Chari because of him.
Ngumiti si Lola Esmeng sa akin at tinapik ang kamay ko. "Huwag kang mag-alala at hindi ko sasabihin iyan sa apo ko. Pero isa lang ang hiling ko sa iyo, Olivia,"
"A...ano po?"
"Bigyan mo ng pagkakataon ang apo ko na ipakita sa iyo na karapat-dapat siya. Alam mo bang hindi namin siya pinilit sa ganito? Kung ayaw niyang ikasal kayo ay papayag kami. Pagkatapos pa lang ng una niyong pagkikita noon ay tinanong na siya ni Grace kung gusto pa ba niyang ituloy ang kasunduan. Alam mo ba ang sinagot niya?" nakangiting sabi niya sa akin.
Umiling ako sa kanya.
Lola Esmeng smiled widely this time, "Hindi siya aatras dahil nakita niyang karapat-dapat ka para sa kanya."