20

3059 Words
Christmas season that year ay umuwi ako sa Trinidad. My most awaited vacation so I can see my family and friends again.  But Trinidad was no longer the Trinidad I used to know.  Hindi na umuuwi sa bayan si Chari. Ang mag-isa at malungkot na bahay niya na lang ang nakita ko.  My Kuya Leon who I was expecting na masaya pag-uwi ko ay walang humpay ang pag-iyak. Mica and him, broke up after he came back from Spain last week ago. "Hindi siya lumalabas sa kwarto. Iyak lang nang iyak. Ayaw din niyang kumain." Kwento ni Mommy sa akin.  He must really loved Mica. I wanted to hate and be mad to Mica dahil sa ginawa niya sa Kuya Leon ko. She's getting married to someone from San Rafael. A son of politician and wealthy man.  "She's getting married tomorrow, Liv. I can't break the news to your brother. He will be devastated. Ayoko siyang makita na ganun." Mom said while crying.  Kaya ako ang nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin kay Kuya Leon ang balita. I didn't knock and as usual, for the past days that I've been home, he's crying again, bottles of liquor all over the floor, messy and smelly room welcomed me.  "Go back to your senses, Kuya Leon. If you want to fight for her then do so...Mica....She's getting married tomorrow." sabi ko sa kanya bago siya iniwan.  Wala na akong pakialam kung narinig niya ako o hindi.  I want him to man up and fight for her. Kung anuman ang reason behind their break-up, wala na ako doon. I want both of them to be happy.  But Kuya Leon failed to have her back. He didn't stop the wedding which was the most foolish thing he ever did! Why didn't he fought for her? After that wedding ay umalis na si Kuya Leon. He went back to Spain and drove himself in darkness, he worked hard to established our business.  I spent the holiday and my seventeenth birthday with sadness. Hindi na ako nagsabi kina Mommy na maghanda dahil kailangan ko na rin bumalik sa Maynila.  Pagbalik ko sa unit namin ni Sancho, he welcomed me with a round cake on his hand while singing Happy Birthday song.  "You're here!" Masayang sabi ko sa kanya.  "Just enough time for your birthday." Nakangiting sabi niya sa akin.  May training kasi si Sancho sa New Zealand. Pinadala  siya ng network nila doon. They saw great potential on him kaya binigyan siya ng training.  I cried when he left me for his three months training in New Zealand. Ayaw pa nga sana niya but I pushed him to do it for his sake.  One month pa lang ang training niya at heto na siya.  "You came home for my birthday?" tanong ko sa kanya.  He nodded while smiling, "Were you surprised?" tanong niya sa akin.  "Yes!" I said. Sinong hindi masusurpresa sa ginawa niya?  I can't believe his here! "Blow your candles, babe. It's melting." aniya sa akin. I clasped my hand together before uttering a wish.  Hiniling ko na maging maayos ang lahat at mga tao sa paligid ko ay maliwanagan at magkaayos na. I wished for the betterment of others, huwag na lang ako.  I blew it after saying my wish. Binaba naman ni Sancho ang cake sa round table na meron ang unit before hugging me. I missed him so much. His scent, hug, and presence around me. Ang laki ng time difference namin sa isa't isa at nangako ako sa kanya na hindi ko siya guguluhin. I always used social media like Yahoo Messenger pero wala namang ganun si Sancho.  Hanggang overseas call lang ang mayroon kaming dalawa.  "You have no baggage with you?" tanong ko sa kanya.  He shook his head, "I need to go back tomorrow afternoon in New Zealand. I really went home to spend your birthday with you." sagot niya sa akin.  I pouted my lips while looking at him. I appreciate him so much. Who would have thought na uuwi siya para lang sa akin? Wala! "You must be tired..." sabi ko sa kanya.  He shook his head, "Wala naman kaso sa akin. I really want to spend your birthday with you." sabi niya sa akin.  My heart melted from his words. Hindi ko naman akalain na mapupunta siya dito ngayon. I can't wish anymore than him spending my day with me. Umupo kaming dalawa sa sofa at nagsimula siyang mag-kwento sa akin tungkol sa training niya sa New Zealand. Iilan lang kasi silang pinadala ng network doon.  "Hopefully pagbalik namin ay makasama na kami sa mga documentary show nila." Masayang kwento niya sa akin habang nilaapag sa lamesa ang niluto niyang white pasta.  Hinanda talaga niya ito ngayon. Kung alam ko lang na uuwi siya ay sana mas inagahan ko ang pagbiyahe pabalik ng Maynila para mas matagal ko siyang kasama.  "Sure ako na makakasama ka na sa mga documentary show ng network niyo. Do you have your chosen topic for your documentary?" tanong ko sa kanya.  "I'm making one...about those OFWs whose working in New Zealand. You know, NZ was famous for its green pasture and farming. Kapag naka-graduate ka, let's go there. I'm sure that you're going to love the place," sabi niya sa akin.  I smiled at him, "Anywhere as long as I'm with you, babe." sabi ko sa kanya.  Sancho smiled to me bago umupo sa harapan ko. "How's Trinidad anyway?" tanong niya sa akin.  The happiness that I was carrying a while ago habang kasama siya ay biglang nawala dahil sa tanong niya.  "Mica and Kuya Leon broke up. She got married to this son of politician from San Rafael kaya broken ang kuya ko. He went back to Spain before Christmas. Chari's nowhere to be found naman. Hindi ko siya makita...sabi sa akin ay nasa ibang town daw siya." sabi ko sa kanya.  Nakatingin sa akin si Sancho bago tumango. "How's your brother?" tanong niya sa akin.  Sadness filled me habang inaalala si Kuya Leon. "Wasted and broken. His first love got married to someone and not him." sabi ko sa kanya.  Am I Sancho's first love? Kung ikakasal ba ako sa iba ay magiging katulad siya ni Kuya Leon? Ganun din ba siya kawasak? Sancho stayed with me that night. Inubos namin ang buong oras sa pag-kukwento niya ng mga nangyayari sa kanya sa New Zealand. I even asked him na mag-ingat sa mga girls na naroon but he just laughed it.  The next day he left the country again.  Mag-isa na naman ako.  Nasanay na lang siguro ako kaya hindi ko na rin siya masyadong hinanap pagkaraan ng ilang buwan lalo na at na-extend yung training niya sa New Zealand. I'm missed him pero his work needs more of his attention. Ayokong pagbawalan siya sa isang bagay na gustong-gusto niya lalo na at sa parehas na sitwasyon ako.  I'm enjoying Engineering. "Sasali ka na naman sa amin Jason? Wala ka bang ibang sasalihan na grupo?" tanong ni Simoune kay Jason na classmate namin.  "Puno na kasi sa kabilang grupo tsaka kayo na lang lagi ni Olivia ang magkasama. Pa-join naman sa group niyong dalawa." sabi niya pa sa amin.  It was our second week as Second year college students. Wala pa rin si Sancho.  Naiintindihan ko naman na kailangan humaba yung training niya pero hindi ganito. Pitong buwan na siyang wala sa Pilipinas.  "Sasama...sabihin mo gusto mo lang makasama si Olivia. Iyan pa ang dinadahilan mo." Nakairap na sabi ni Simoune kay Jason.  Jason's face flushed while stealing a glance at me. "Taken na yan! Humanap ka ng iba." sabat ulit ni Simoune.  Tumawa naman ako kay Simoune sa sinabi niya.  I have told to her about Sancho kaya hindi na niya ako kinulit pa. Alam din niya na hindi ko lang boyfriend si Sancho.  "Wala naman akong sinabi. Napaka mo talaga, Simoune." Namumulang sagot ni Sancho kay Simoune.  Hinayaan ko na silang mag-usap dalawa at inasikaso ko na lang lahat ng gagawin ko. Kailangan kong umuwi ng maaga dahil may mga plates ako na kailangan gawin.  "Isama na natin si Jason, Sim. Mas maganda nga na hindi lang tayong dalawa ang tatapos nung blueprint. Para maaga rin natin mapasa para in case na need ng revision, we could do it agad." sabi ko sa kanya.  "Sure ka?" tanong niya sa akin.  Tinignan ko si Jason bago tumango. There's nothing wrong naman na maging friend namin siya. He's a nice person and good guy. One of the honest man na I met. Isa pa, he's really smart kaya lang iniiwasan siya kasi geek daw siya masyado.  "Welcome to our group, Jason." I told him.  "T...Thank you, Olivia." Nahihiyang sagot niya sa akin.  Around three in the afternoon ay sinamahan pa kami ni Jason hanggang sa labasan papunta sa overpass. But I stood when I saw a familiar face waiting at the last flight of the stair, his deep black eyes were looking at me.  "Sancho?" I blinked my eyes para masigurado kung siya nga iyon.  "Sancho? Sinong Sancho?"  tanong ni Jason.  "Asaan?!" tanong naman ni Simoune habang tumitingin-tingin sa bawat naglalakad.  My man removed his hand from his pocket, his eyes were locked into mine, walking slowly and gently as he walked towards me.  "Siya ba?! Oh my!" Mukhang na-realize ni Simoune na yung lalaking papalapit ngayon ay si Sancho.  My heart summersault as I watched him, walking near me.  Is he really here? "Nakikita ko yan sa T.V ah...Siya ba yung boyfriend ni Olivia?" tanong ni Jason kay Simoune.  "Hindi lang boyfriend. Fiancee niya yan!" sagot naman ni Simoune.  Para namang nabuhay ang mga paa ko at naglakad papunta kay Sancho. Hindi nga ako nagkakamali. Andito nga siya ngayon! "Hi?" He said.  My eyes watered habang nakatingin sa kanya. We spent our first anniversary as a couple, apart from each other!  Tumawag lang siya sa akin that night tapos nag-cook lang ako ng noodles and bought a small cake. Iyon lang ang nagawa ko habang wala siya.  I bought a gift for him dahil akala ko matatapos na agad ang training niya sa New Zealand, hindi naman pala kaagad.  Yumakap ako kaagad sa kanya pagkalapit niya. Hindi ko inaasahan na nandito na nga siya sa harapan ko! Tapos na ba ang training niya? Hindi na ba siya aalis ngayon sa tabi ko? Andami kong gustong itanong pero ang nauna sa lahat ng iyon ay ang pagyakap ko sa kanya.  Sancho's arms tightened around me, my feet lifted from the ground momentarily as I clung onto him even more.  Wala na akong pakialam kung nasa harap ako ng school at may mga tao sa paligid namin.  Bumitaw ako sa kanya ng yakap at tinignan siyang mabuti. I cupped my hand on his face, he change a lot! He's body become bulkier, he's taller compared to the last time I saw him, at higit sa lahat ay mas naging gwapo siya sa mata ko.  "You're here na talaga?" I asked while looking at him.  Sancho tilted his head and nodded with a smile. My heart melted. Parang yung naipon kong galit sa kanya dahil nawala siya ng ilang buwan ay naglaho. I know that he did that for his work. Masyado lang siguro akong clingy talaga.  "Yes...And, I won't be going anywhere anymore." sagot niya sa akin.  I pouted my lips. Gusto ko sana siyang halikan kaya nga lang hindi pwede agad dahil may mga dumadaan na nakatingin sa amin.  Bakit ba? He's my boyfriend! Kung hindi sa pagtikhim ng tao sa likuran namin ay hindi ko maaalala na may kasama ako.  Napatingin ako sa kanila. "Ahm...Sorry, I forgot that you were all here." sabi ko sa kanila.  Mapang-asar na ngiti ang binigay sa akin ni Simoune habang hindi naman makatingin ng direkta si Jason sa amin.  "Boyfriend ko, si Sancho. Babe, they are my friends and schoolmate, Simoune and Jason." pakilala ko sa kanila sa isa't isa.  "Hi! Simoune Athena Valdez nga pala." pakilala ni Simoune sa sarili niya.  "Sancho Ramirez, pleasure to meet you." sabi ni Sancho sabay abot ng kamay niya kay Simoune.  Kinikilig na tinanggap naman ni Simoune iyon. "Ang tagal na kitang gustong ma-meet. Hindi ko alam na mas gwapo ka pala sa personal," sabi ni Simoune sa kanya.  Namula naman ang mukha ni Sancho tsaka tumingin sa akin na nakangiti. I smiled to him as well before he move on to Jason.  "Hi, you are?" tanong ni Sancho habang nakalahad ang kamay niya.  "Jason Dylan Bonifacio," pakilala naman ni Jason sa sarili niya sabay tanggap ng kamay ni Sancho dito. "Nice to meet you, pare." sabi ni Sancho dito.  "Same." sagot naman ni Jason sa kanya tsaka sila nagbitaw ng kamay.  "Aalis ba kayong dalawa?" tanong ni Simoune sa amin ni Sancho.  Actually, hindi ko alam ang plano niya. Tinignan ko si Sancho na nakatingin naman sa akin.  "Yeah." Ako na ang sumagot para sa kanya.  "Aw! Sige enjoy niyo muna yung date niyong dalawa...Kami na ni Jason ang bahala sa isa't isa." sabi ni Simoune sabay angkla sa kamay ni Jason.  "Teka di ba?" Hindi na natapos pa ni Jason ang sasabihin niya dahil tinulak na siya papalayo ni Simoune. I smiled while watching them leave. Sancho held my hand kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. "Let's go, babe?" Nakangiting tanong ni Sancho sa akin.  Tumango ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami pupuntang dalawa pero basta't kasama ko siya ay papayag ako sa kahit saang lugar na pupuntahan namin.  He came back to the Philippines dahil natapos na ang training niya. And now binigyan siya ng chance ng network na makasali sa documentary series nila. He won best documentary sa sinalihan niyang festival sa New Zealand. The network recognize his ability and skill pati na rin ang potential niya kaya pinayagan siyang makasali sa program.  I couldn't be any happier for him. He deserves all of it. Lahat ng nakukuha niya ngayon ay pinaghirapan niya.  Mas madalas na nga lang na wala siya sa bahay dahil sa trabaho pero naiintindihan ko naman. Ganun din naman ako dahil halos ginagabi na ako sa school katatapos ng plates ko. Mabuti na nga lang at malapit lang ang tinutuluyan ko.  Sometimes ay hindi na kami nagkikitang dalawa unless it was his off and it's my rest day.  Mas humihirap ang subjects at dapat gawin ko to think na second year pa lang ako. I still need to complete my remaining three years in study.  Bumibigay na lang ako kung minsan lalo na kapag nakikita kong marumi ang bahay. Hindi naman siya ganun kadumi pero hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko kapag nagiging makalat iyon.  T-square, rulers, drafting paper, pencils, books...lahat iyon nakakalat kapag wala si Sancho. Pinagsasabay ko ang aral at paggawa ng mga materials na kailangan kong ipasa.  Hindi ko na namalayan na malapit na ang eighteenth birthday ko.  Mom called me and asked me to go home in Trinidad pero hindi ko nagawa. Masyado akong abala na kahit Christmas break ay kinalimutan kong oras para mapaghinga.  Mommy's planning everything for my eighteenth birthday. I said na wag na pero hindi naman siya pumayag. Minsan lang daw iyon at babae ako. I deserved that daw.  Hindi ko nga rin alam kay Sancho kung natatandaan niya na malapit na ang debut ko.  For the past months, he became one of the notable journalist in the country. Unti-unti na siyang nakikilala kahit kasisimula pa lang niya sa ganitong larangan. Blame his looks and intelligence for the attentions he have.  "Mommy, I really can't go home for New Year. I'm sorry." sabi ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag niya that morning. Bukas na ang pagsalubong sa bagong taon and that same day was my birthday. "Olivia, you're turning eighteen. Don't tell me na you will not celebrate it?" tanong ni Mommy sa akin.  "Mom...I can live without celebrating that--" Mom cut off my words, "Tigilan mo yan, Olivia. Our driver's going to pick you up. He's on his way already. Huwag mong pahirapan si Kuya Mando at sumama ka sa kanya. I'll call you kapag nandyan na siya. I must see you here, Olivia." Hindi na ako binigyan ng chance ni Mommy na magsalita pa dahil tinapos na niya ang pagtawag.  I released a deep sigh. Hindi ako basta-basta na pwedeng umalis na lang dito. Paano na lang yung kailangan kong tapusin na school work? But Mom would be furious and mad kapag hindi ko siya sinunod sa gusto niya. I cleaned everything that I was using dito sa bahay.  I texted Sancho to inform him na uuwi akong Trinidad. Last minute preparation ba ang gagawin ko sa party ko? Hindi ko alam. Mabuti nga sana kung wala na at hindi na matuloy.  He didn't reply dahil alam kong may coverage siya for New Year, naka-destino na siya sa isa sa mga public hospitals sa Maynila. He won't be celebrating the New Year with me because of his work again.  That's fine with me though. It was his responsibility, an oath to keep.  I packed lighty, few clothes will do para lang hindi na tumawag nang tumawag sa akin si Mommy. Ayoko namang magalit siya sa akin.  Nagdala na lang din ako ng ilang plate materials na kailangan kong matapos at maipasa after our Christmas break.  The thought of school works that I need to accomplish was stressing me out...really!  Matatapos ko naman iyon sana kaya lang kailangan kong bumiyahe papuntang Trinidad. The pressure's killing me.  Of course, my parents want me to be there dahil ilang years na hindi umuuwi si Kuya Leon. I missed him but he's more than willing to stay in there than to go back here. He will always be reminded of Mica na kinakalimutan na niya.  I cleaned the house first, leave a note for Sancho just in case na matapos ng maaga ang kanyang coverage. I want him to know na umuwi ako sa Trinidad.  Mom called me after two hours and informed na nasa labas na ng building si Kuya Mando. I made sure na nakasarado na ang lahat sa bahay bago ako lumabas at nakipagkita kay Kuya Mando.  Our car's wiaiting for me and so was Kuya Mando. He smiled and opened the door for me at wala pang ilang minuto ay bumibiyahe na ulit kami pabalik ng Trinidad. 

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD