My Dilema..

1602 Words
Cristoff POV Kinakabukasan nagising ako na kami nalang ni Kuya Alex sa kwarto, nauna na pala si Uncle Damian sa labas. Nakatambay ito sa Cottage habang pinagmamasdan yung dagat. It was just 6 ng umaga, too early. Mukhang early riser tong si Uncle Damian. Pumasok muna ako sa banyo saka nagsipilyo at naghugas ng mukha bago ko puntahan si Uncle Damiasn. Gising na din pala si Janelle, Tiff and Trina, sla pala pinagmamasdan ni Uncle. Nangungua sila ng shells sa tabi ng dagat. “Kanina ka pa ba, Uncle?” “Hindi, kakalabas ko lang din. Nakita ko nalang ton tres Marias na to na nangongolekta ng shells sa tabi ng dagat.” “Kanina pa siguro sila nagising.” Pinagmasdan ko din sila saka nakita ko nalang sa gilid ng mata ko na nilalabas na nila Manang yung pagkain sa mesa. May sinangag, bacon, hotdog, itlog at saka spam. Nalabas din sila ng mga tasa para sa kape. Kumuha lang muna kami ni Uncle Damian ng kape at sumimsim muna doon. Hinintay nalang naming sila magising. Nung lahat na sila nasa Cottage na, tinawag na naming yung tres marias saka kami kumain na. Katabi ko pa rin si Janelle kahit halos magkailangan na kami dahil sa panunukso ng mga ito sa amin. Buti nalang kahit ganun, binabaliwala nalang ni Janelle ito. Nang hindi nito maabot yung spam sa gitna ng hapag, ako na kumuha para sa kanya. Di naman nakatakas ito sa paningin nila kaya namula nalangsi Janelle at pati na din ako. Pero di nalang ako imimik dahil pag magdahilan pa ako, lalabas na guilty ako. Pambihirang buhay. Natapos kaming kumain, nag aya si Tiff na puntahan naming yng falss sa gitna ng forest ditto sa Isla. Nauna na yung security naming na pumunta bago kami para masiguradong safe kami pag andun na. Inatake nanaman ako ng hiya nang matandaan kong kelangan alalayan yung mga babae papunta doon kasi parang matarik ang daan. Nang maglakad na kami papunta doon ay palagi akong katabi ni Janelle. Buti nalang di ito palaging natatapilok o natutumba, mukhang sanay sa hiking to. Mas inalalayan ko pa si Tiff. Dami pa kasi nitong dala. May tote bag pang nakasabit sa balikat nito at ang bigat pa. Si Janelle meron naman pero magaan lang ito. Nagbntong hininga nalang ako, babae talaga. Narrating naming yung gitna ng kagubatan at namangha nanaman kami sa gada nito. Kasama pa din naming yung mga katulong, sila naghahanda ng pagkain pero hindi naman pinagbabawalan ni Daddy na makisaya sila sa amin. Katunayan kahit mga security ay pinagbigyan niyang makisali sa amin. Basta ang importante ay nababaytayan pa din kami. Inaya ko si Janelle sa tuktok ng falls. Nakita ko doon sina Kuya Matt at kuya Andrew na lumulundag pababa, hindi naman kasi mataas ito. Parang yung nasa swimming pool lang. Pareho kaming lumundag pababa ng falls. Naenjoy naming yung lamig ng tubig. Dad and Mom nasa dulo lang ng falls, tinitignan lang kami habang magkayakap sila na nasa tubig lang din. Trina and Kuya, they done it too. But Tiff was so scred ayaw niyang umakyat. Baka daw siya mahulg so she stayed beside Mom and Dad. Masarap magbabad sa tubig lalot mainit ang araw pero ang lamig ng tubig. Magdadapit hapon na kaming lumabas sa tubig, nauna na sila Mom na kumain muna ng lunch kasama nila Uncle Damian at Tita Grace pati na sina Ate Therese at Ate Irish, ang mga bata ay kasama ng mga yaya nila na sa gilid lang din lumalangoy. We were starting to forget what had happened sa City and just enjoyed what we have here. Uncle Ned still updates Dad kung kumusta na yung nagyayari and much to his dismay, may umatake sa bahay thinking na andoon kami. Buti nalang, mga security at kasambahay lang yung nandoon. Walsa naman daw ito nakuha o may nasugatan. Talagang hinahanap lang kami and were glad na lahat kami ay wala sa City. -- Days passed, mag 3 weeks na kami sa Isla. We have been doing a lot of things, from hiking to playing games sa shore na maski yung mga bata sumasali sa amin. It was our last week sa Isla, 3rd day to be exact. Nag ipon kami ng mga prutas na sa Isla lang makikita. Inipon naming ito sa yate at unang biniyahe sa pantalan. Pinaghati hati naming ito sa aming sasakyan para di masyadong mabigat. Since dalawang araw nalang kami ditto ay nag gawa kami ng bonfire. Yun ung highlight naming sa aming bakasyon. Natuwa naman yung mga bata dahil nakapg ihaw sila sa marshmallow nila at hotdog sa mahabang stick. Natuwa naman kaing pagmasdan sila lalo na yung kambal nila Ate Therese, they were really like her. Doon sa bonfire naikwento ni Dad ang nkaraan nila ni Mom. The heartaches, the awayan saka yung hiwalayan. :ahat yun kinwento niya. Nakikinig lang si Mom pero minsan sumasabat din, lalo na pag binubuko si dad. “Grandpa, am I gonna be as tall as Daddy?” tanong ni Jacob. “Yes apo, you gonna be as tall and as strong as Daddy. Diba ikaw yung magtatanggol sa Mommy at little princess ninyo?” sagot ni dad. “yes po!” masigla naman nitong sagot na ikinatawa namin. “but Xavier po is so naughty, always crying pag wala si daddy.” Reklamo niya. “Ganyan ka din noon baby, kaya lang you have already grown kaya di ka na naghahanap kay Daddy.” Sabi naman ni Ate Irish. “I still hate it when he cries.” “Hey, don’t say that. He’s still our little brother.” Banat naman ni princess “Ang cute nila,” nakangiting sambit ni Janelle. “Gawa na kayo ni Kuya.” Ikinalaki ng magmata ko ang sinabi ni Tiff. “Tiffany.” Saway naman ni Mommy. “Oopps. Sorry. Peace na” sabay angat sa dalawang daliri nito. “Matabil talaga bibig nito.” Sabat pa ni Kuya Alex. “Pero di nga tol, gawa ka na.” mas lalo akong bumusangot nang kinantsawan nanaman ako. Pulang pula na si Janelle sa kaka kantsyaw nila sa amon. Pati si Kuya Matt sumali na din. “”Gagawa din sila, mauna muna kayo Alex. Kalian ba magkaka aspo si Dad sayo?” Itinago naman ni Kuya Alex ang mukha niya sa leeg ni Trina. Show off talaga. Nakakinis. Smantalang noong una, halos mang galait sa galit. Nagkatawanan silang lahat at ako naman ay napa ngisi. Ano ka? Mauna a kasi mas matanda ka, “Tama na yan, baka saan pa mapunta yung biruan niyo.” Saway ni Mommy. Natahimik naman kami saka nagpatuloy na si Dad sa kwento niya. Natatawa kami nang ikwento na niya kung paano si Kuya Matt noong bata pa. Sa kanyang kwento ay kahawig na kahawig talaga sa katangian ni Jacob. Naikwento din ni daddy yung lahat ng sakripisyo niya mabalik lang si Mommy. Kung paano siya nagsisisi na may pagkakamali siyang nagawa at nagpapasalamat siya na kahit nagkamali siya ay tinaggap iyon ni Mommy. Natutuhan din niyang tanggapin yung bunga ng kamalian niya. Doon nakita ko paano naging mahiyain si Kuya, naipahiwatig naman ni Mommy na kahit ganun ang nangyari, buong puso niyang tinatanggap si Kuya na anak niya. At alam niyang di nito kasalanan anuman ang nangyari noon. Natapos ang kwentuhan naming mag aalas dose na, yung mga bata tulog na at kinuha na ng mga yaya nila. Kami naman ay nagsi puntahan na sa aming Villa. Naiwan ako doon sa may bonfire. Pinag iisipan ko kung ano ba ang dapat gawin. Sa totoo lang ayoko na di ko siya nakikita sa isang araw. Hinahanap na siya ng mga mata ko at pag nalalagay ito sa alanganin ay kinakabahan ako. Ang pintig ng puso ko di ko na mintindihan. Napansin ko nalang na may naupos sa tabi ko. It was Kuya Matt. “Ano pang ginagawa mo ditto?” Tanong niya na nakatingin sa dagat. “Nag iisip lang ako” “Ano naman pinag iisipan mo?” “Hindi ko na alam ang nararamdaman ko.” “Patungkol saan?” Tumingin ako sa kanya saka apahilamos. “Tangina nahihirapan ako. Tama bang nararamdaman ko? “ “You mean, about Janelle?” tumango nalang ako. “Ano bang nararamdaman mo? “Parang ayoko na mawalay siya sakin. Yung hinahanap ko siya saka sobra akong nag aalala kung nawawalay siya sakin.” “Tsk. Tinamaan ka na tol. Di na yan dahil sa pustahan, talagang nahuhulog ka na.” “Di ako marunong manligaw kuya, alam mo yan.” “Edi wag kang manligaw. Problema ba yon? Ako nga di na nagligaw kay Ate Irish mo eh.” Nanlaki naman mga ko. “Talaga?” tumango ito. “Nung hinalikan ko saka ko inangkin.” Tawa nito. “Santong paspasan naman yan kuya.” “Kesa maunahan di ba, isa pa, pa alis na ako nun.” “Anong gagawin ko?” “Tanungin mo muna siya kung pareho kayo ng nararamdaman. Kung mutual naman, edi sunggaban mo na. Sige ka, pabagal bagal ka, baka may mauna sayo. Dinig ko, close si Caspian sa kanya. Ikaw, kung kaya mo siya ipamigay.” Nanlaki naman mga mata ko. “H-hindi ganun yon. Pinakiusapam ko si Caspian na samahan niya si Janelle sa school.” Tumingin si Kuya sakin saka humalakhak. “Masyado kang halata kapatid.” Tinapik niya ako sa balikat. “basta ang mapapayo ko, sumugal ka na, baka maunahan ka pa.” Sakai to lumakad papasok ng Villa niya. Naiwan nanaman ako sa may bonfire. Napahilamos nalang ako. “Tangina..”

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD