Janelle POV
The day has come kung saan aalis na kami papuntang Isla nila. Naka empake na ako ng gamit ko na para isang buwan. Matagal tagal din kaming mawawala. Buong bakasyon ata nasa isla kami.
Gusto nilang maka iwas muna sa trahedyang nagaganap kaya naisipan nilang umalis muna ng Maynila, kasama din naming sina Ate Therese nila at ang pamilya ng asawa nito.
Pati rin sina Kuya Matt, ay sasama sa amin. Napa isip tuloy ako king bagay bang sumama ako sa kanila. Isang buong pamilya nila ang sasama sa kanila.
Pero kng tumanggi naman ako ay aayaw naman ang mama nila kaya mapapasama pa din ako. Bumaba na ako sa hagdan para makahanda na sa pag alis. Nandoon na din si Tiff, ang Kuya Alex naman niya ay kinukuha pa si Trina.
Sumunod na sa amin si Cristoff saka ang Mommy at Daddy nila. Ang mga security at kasambahay lang ang nandito. Nagdala naman sila ng ilan ilan pero sa security masyadong madami kasi ang higpit dala na din na bibiyahe kami at baka makasagupa yung gustong tumira sa amin.
Nang mag 8 na ay saka kami umalis, dalawang sasakyan ang dala namin. Ang isa kami ang lana a ang ibang security.Dalawang van ito. Sa isang van naman ay lulan ang mga security.
Dumaan muna kami sa dati nilang mansion at pinasakay ang Tita Grace nila at Uncle Damian. Wala daw ang ina nito, nasa pobinsya kaya’t dalawa lamang sila.
Pagkatapos naming silang makuha ay bumiyahe na kami. Magkikita nalang daw kami nina Ate Therese at Kuya Matt sa pantalan kng nasaan ang yate nila na sasakyan naming para isla. Nauna na doo nang ilang security para masiguradong maayos ang lahat.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa biyahe at dahil katabi ko si Cristoff ay napasandal ako sa balikat niya.
Nang marating namin yung pantalan, naka limang oras ata kami na biyahe bago namin marating yun, nagsibabaan na kami sa van at mabilis na pumunta sa yate. Nakita ko nga ang ibang van na ginamit siguro ng ibang kapatid nila.
Naisilid sa isang warehouse yung mga van para di makuha o malagyan ng kahit ano. Saka kami nakasakay sa van at siniguradong dala naming ang mga gamit naming.
Malaki yung yate na nasakyan naming. Doon ko nakita at nakilala ang buong pamilya nila. Mbabait sila at yung tipong nakonsensya ako kasi kahit nagawan ko sila ng masama ay nagging mabuti sila sa akin.
Tumabi naman sa akin si Cristoff nang Makita niyang mag isa akong naka upo sa gilid ng yate. Pinagmamasdan ko ang pag alon ng dagat habang kami ay pumapalaot papunta sa Isla. Nakikita ko na ang kalakihan ng isla kahit malayo pa kami.
Ang ganda nitong tignan. Npakalako pero sa malapit may dagat ay nakita ko ang mumunting ilaw dahil ilang oras na din kaming nakasakay sa yate.
:Okay ka lang ba?” tanong niya
“Okay naman, mej naiilang lang. Paano kasi, ang babait pa din nila sa akin kahit ako ang nagsimula ng gulong to.” Napangisi naman ito
“Hindi kami yung tipong nagkikimkim ng sama ng loob basta isang beses lang mangyari, lalo na si Mommy.”
“kaya siguro inaabuso kayo.”
“Siguro nga..” kibitz balikat nito
“Mamaya papakita ko sayo yung falls sa kalagitnaan ng forest sa isla, ang ganda don. Minsan nanddon kami sa gabi, may cottage at light doon, masarap magswimming.” Napatingin ao sa kanyang nakangiti. Ang puputi ng mga ngipin nito at ang ganda ng pagkakangiti niya.
Di ko namalayan na tinatawag na pala ako nito, kung di pa niya parang tinapik ang balikat ko ay di ko mamamalayang tinatawag niya ako.
“A-ano?” tanong ko.
“Tsk2, di ka na ata nakikinig sakin eh.” Bigla naman akong nalaramdam ng t***k ngpuso apaiwas ako ng tingin ditto.
“Pasensiya na, may iniisip lang.”
“At sakin ka naka tutuk?”
“Ah eh, may na alala kasi ako nung ngumiti ka kaya ayon nadala ko sa pananaginip ko.”
“Hay, gutom lang yan. Tara, may nakabaon naming pananghalian sina Manang. Mukha lang tayong malapit pero malayo pa talaga yan. Kaya kuain muna tayo.” Anyaya nito.
Tumayo kami saka niya ako iginiya sa loob ng yate. Madami ngang pagkain sa mesa na naihanda. Nauna nang kumain ang pamilya ng ate Therese niya at si Ate Irish, malamang kasi buntis ito. Pati yung mga bata tapos na ding kumain,
Umupo ako sa isang tabi matapos makakuha ng pagkain. Pinatabi naman ako ni Ate Irish sa kanya dahil mag isa lang siya. Tumabi ako saka kami nagkwentuhan habang kumakain.
Si Cristoff naman ay tumabi sa akin habang kumakain. Sumabay din ito sa usapan namin.
Cristoff POV
Sa wakas nakarating din kami ng Isla. Mag alas sais na nung narrating naming yung pantalan sa Isla. Nauna muna yung security kasi kailangan muna nilang masigurado na safe na naming pasukin yung villa. Kada isa sa amin may Villa. Of course, except kay Mommy and Daddy.
Pero dahil lima lang, napagkasunduan namin na magkasama kami ni Kuya Alex, at Uncle Damina sa Villa ko, at sina Tiff, Tita Grace, Trina at Janelle sa Villa ni Tiff. Kay Kuya Matt At Ate Therese kasi ay sa sari sarili nilang pamilya.
Nagsipuntahan muna kami sa aming villa saka nagkita kita nalang sa malaking Cottage para magdinner. Yung mga babae ay nakapag swimsuit na kabilang si Tita Grace. Mommy felt so cold kaya di nito kinayang mag night swimming. Di naman ito malalampas sa pag sswimsuit. Maganda pa din hubog ng katawan ni Mommy kahit naka apt na anak na. Kaya ganun ka possessive si Daddy.
Nakita kong naka two piece si Janelle na tinernuhan ng maong na shorts kagaya nung kay Tiff. Naka one piec naman si Tita Grace. Di naman pahuhuli ang boys, nakapag boxers shorts lang kami na may suot na tshirt. Mamaya huhubarin naming to pag nag swimming na.
“Girls, wag lalayo sa Cottage ha?” Dad warned.
“Boys, watch out sa girls natin.” Mom also reminded us.
“Yes po. “ sabay sabay naming sagot.
“Ikaw, Ate Jessie, ayaw mong magswimming?” Tanong ni Tita Grace.
“Nilalamig ako eh, baka bukas na.” napa ismid naman si Tia.
“Eh, ikaw Kuya?”
“Gonna accompany my wife, kayo na mag enjoy.” Dad said.
“Ang KJ niyong dalawa.” Natawa nalang kaming lahat saka kumain na nang hapunan.
Pati sina Manang inallow ni Dad na magnight swimming. Lahat naman daw kami andito para makapagenjoy. Pati yung ibang security na gustong sumabay ay inallow nilang sumabay.
Nang matapos kaming kumain, hinubad na ni Tiff at Janelle yung shorts nila saka nag unahan na para magswimming. Nanlaki ang mga mata ko nang Makita ko ang hubog ng katawan ni Janelle. Napaiwas ako ng tingin saka napa ubo.
Tinanggal na din naming yung tshirt naming at sabay sabay napasulong sa dagat. Napakasarap ng tubig, hini ganun kalamig yung temperatura. Lumapit kami sa mga babae na pawing nakalutang lang sa dagat. Ginaya naming sila at napatawa ng sabay sabay.
Pinag usapan lang naming yung langit, yung mga pwede naming gawin habang nandoon kami at yung mga kung ano ano pa.
Madami din silang natanong patungkol sa buhay ni Janelle. Ang mga nalaman kong impormasyon ay siyang nag udyok sakin na maintindihan ko siya lalo. Nakikita k sa mga mata niya yungpagkamiss niya sa kanyang ina.
Nakikita ko din doo nang determinasyon niyang maka angat sa buhay. Napabaling naman ang atensyon k okay Trina at Kuya Alex.
“Tangina naman, respeto sa mga single. Lunurin ko kayo jan eh.” Nasabi ko nalang.
Tumawa silang dalawa, nakalimutan kong kami nalang pala ni uncle Damian yung walang partner.
“bahala kayo jan, basta ako nag eenjoy sa pagiging single.” Sabi niya saka nagpalutang luting.
Tawang tawa naman si Kuya Andrew at Kuya Matt.
“We’re msrried, was kami pagdiskitshan niyo.”
‘Ugh, nakakainis kayo.”
“Tope, ligawan mo na kasi si Janelle.” Bigla naman akong napalingon kay Tita Grace samantalang si Janelle ay parang nalunod sa narinig.
“Not you too.” Sabi ko, nagkibit balikat lang si Tita na ikinatawa nilang lahat.