CHAPTER 1

1270 Words
THIRD PERSON POV Sa isang kwarto sa isang five-star hotel ay marubdob na naghahalikan ang dalawang taong sa mata ng lipunan ay hindi rapat na magkasama. Nasa ibabaw ng hubad na katawan ng babae ang hubad na katawan ng lalaki. Nakapalibot sa baywang ng babae ang kanang bisig ng lalaki at nakaalalay naman ang kaliwang kamay ng lalaki sa ulo ng babae habang mas lumalalim ang kanilang makasalanang paghahalikan. Nakakapit sa batok ng lalaki ang dalawang kamay ng babae. Gustung-gusto ng babae ang pakiramdam ng init ng mga halik ng lalaki sa labi nito. Tuluy-tuloy din ang pagsalubong ng babae sa pag-ulos ng lalaki sa kaloob-looban nito. Gustong umiyak ng babae sa sobrang sarap na nararamdaman. Ngayon na lamang muling naranasan ang tunay na sarap ng pakikipagtalik. Maingat ang lalaki habang inaangkin ang katawan ng babae. Nandoon ang respeto. Umaandar ang oras at tuloy din ang pagsasalubong ng mga katawan ng dalawang taong naghahanap ng init mula sa isa't isa. Napatingala ang babae habang nakapikit. Mas humigpit ang pagkakakapit sa batok ng lalaki na nakasubsob sa pagitan ng mga burol ng babae. Sinipsip ng lalaki ang tuktok ng dalawang burol na nag-aagawan ng atensyon mula sa kanyang mainit na bibig. Gumalaw ang mga hita ng babae at kumapit ang mga binti nito sa likod ng mga binti ng lalaki. Naglilingkisan ang kanilang mga binti. Bumibilis ang pag-ulos ng lalaki sa gitnang bahagi ng katawan ng babae, sa pagitan ng mga hita nito. Naghahabol ng paghinga ang dalawang taong nasa loob ng kwartong iyon. Isang madiin na pagbaon ang ginawa ng lalaki sa loob ng maselang parte ng katawan ng babae na nagpaungol ng malakas dito. Nakapikit ng mariin ang mga mata ng babae habang inaabot ang ikapitong glorya kapiling ang lalaking napatingala rahil sa sarap ng pagsabog ng rumaragasang likido mula sa p*********i niya patungo sa makipot na lagusan ng babae. Tuluy-tuloy ang pagdaloy ng init na halos magpawala sa ulirat ng dalawa. Nakabaon pa rin sa loob ng bukal ng babae ang kahoy ng lalaki nang muling magsalo ang dalawa sa isang mainit at nakakapasong pagsasanib ng kanilang mga labi. Napunong muli ang kwartong iyon ng mga musikang nanggagaling mula sa pagbabanggaan ng katawan ng dalawang taong pinanggagalingan ng mga halinghing at ungol na sumasabay sa maharot na ritmo ng musika. Sumasabay sa malikot na indayog ng kanilang mga katawan. Tumagal pa ang pag-iisa ng dalawang taong makasalanan hanggang sa muli silang umabot sa sukdulan. ---------- STEVEN's POV Panlima. Panlimang gabi na itong umiiyak si Ayla rito sa loob ng kotse ko. Naglalabas ng hinaing sa buhay. Sa hinaing sa kanyang asawa. Steven: Hindi ka pa rin ba niya kinakausap? Mabagal na umiling si Ayla habang tuluy-tuloy ang pag-agos ng luha mula sa kanyang mga mata patungo sa kanyang mga pisngi. Gusto kong punasan ang mga luha niya, pero tulad ng mga nagdaang gabi ay alam kong pipigilan niya ako. Kinapa ko ang bulsa ng aking pantalon. Nakahinga ako ng maluwag nang may makapang panyo. Kinuha ko ito at iniabot kay Ayla. Steven: Uhm, Ayla, panyo. Pagpasensyahan mo na, pero malinis 'yan. Nag-angat ng ulo si Ayla mula sa pagkakayuko. Tumingin siya sa mukha ko bago tumingin sa panyong nakalahad mula sa aking kanang palad. Nahihiyang inabot niya ang panyo at marahang ipinunas sa kanyang mga mata. Ayla: I-I'm sorry, Steven. Na-narumihan ko pa ang panyo mo. Ngumiti ako sa kanya. Sa babaeng mahal na mahal ko. Steven: Sus. Para namang bago ka ng bago. Eh, noong mga bata nga tayo sa manggas pa ng damit ko mismo ikaw umiiyak. May kasama pang uhog. Sa parteng iyon ay natawa si Ayla at hinampas ako sa aking kanang braso. Natawa na rin ako at sabay kaming nagtawanan sa alaalang iyon. Ayla: Kapal mo, Steven, ah. Anong uhog? Hindi naman ganoon kagrabe kapag umiiyak ako. Pero gusto mo naman 'yon. 'Yong ikaw ang knight in shining armor ko. Bigla kong naulinigan ang lungkot sa boses ni Ayla. Ayla: Katulad ngayon, imbes na nakauwi ka na ng bahay mo at nagpapahinga, nandito ka at nakikinig sa mga hinaing ko. Na gabi-gabi mo namang naririnig. Nakita kong nangingilid na naman ang mga luha sa kanyang mga mata. Mabilis niyang pinahid ang mga luhang nagbabantang tumulo. Tumikhim ako bago nagsalita. Steven: Kahit kailan ay hindi ka naging abala sa akin, Ayla. Alam mo 'yan. Mga bata pa lang tayo, magkaibigan na tayo. Hanggang sa lumaki na tayo at magkaroon ng mas maraming kaibigan, alam mong ako pa rin ang batang Steven na nakilala mo. At hindi magbabago 'yon. Parang dinudurog ang puso ko habang sinasabi ang mga katagang iyon. Hindi ko nga alam kung paano kong nasabi ang mga iyon nang hindi nauutal sa harap ni Ayla. Dahil ang totoo ay marami ang nagbago sa mga nararamdaman ko para sa kanya habang lumalaki kami. Paunti-unti ay nahulog ang loob ko sa kanya. Bawat taon na lumilipas na magkasama kami ay mas tumitindi ang pagmamahal ko sa kanya. Bawat panahong dumaraan ay mas nagiging masidhi ang kagustuhan kong maging akin siya. Pero kahit kailan ay hindi na mangyayari iyon. Kaibigan lang ang tingin sa akin ni Ayla. Kaibigang laging maaasahan sa oras ng kalungkutan. Kaibigang laging nandiyan para ipagtanggol siya. Kaibigang nasa tabi niya palagi para makinig sa mga sama ng loob niya. Dakilang kaibigan. Nakita kong tumango-tango si Ayla. Tumingin siya sa akin at may nakita akong emosyon sa kanyang mga mata na maaaring likha lamang ng aking imahinasyon dahil naglaho ring agad. Ayla: Salamat, Steven. Salamat. Kahit hindi ako magsalita, alam mo agad kung ano ang nararamdaman ko. Isa ka sa mga taong talagang nakauunawa sa akin. Nakita ko ang pagpipigil ni Ayla na mapaluha. Bigla ay yumakap siya sa akin. Mahigpit na yakap. Nagulat ako kaya hindi ako agad nakakilos. Nang makabawi sa pagkabigla ay yumakap ako pabalik sa aking kaibigan. Sa babaeng mahal ko. Gusto kong amuyin ang buhok ni Ayla. Gusto kong iangat ang kanyang mukha at iharap sa akin. Gusto ko siyang hagkan sa kanyang mga labi. Pero nagpigil ako. Alam kong mali. Alam kong bawal. Kasalanan ang magmahal ng babaeng may-asawa na. Kasalanan ang traydurin ang kaibigan kong si Rafael. Nang pumasok sa isip ko si Rafael ay bigla-bigla kong inihiwalay ang katawan ko mula sa pagyayakapan namin ni Ayla. Steven: I-ihahatid na kita. Ba-baka hinahanap ka na ni Rafael? Mapaklang tumawa si Ayla at umiling. Ayla: Kung mapapansin niyang wala pa ako sa bahay. Eh, hindi nga ako sigurado kung naaalala niya pang may asawa siya. Muli ay umiling si Ayla. Ayla: Pero sige, Steven. Para makapagpahinga ka na. Pilit na ngumiti si Ayla at alanganin kong sinimulang paandarin ang aking sasakyan. ---------- THIRD PERSON POV Pagkarating sa labas ng bahay ng mag-asawang Ayla at Rafael ay mabilis na bumaba ng kotse ni Steven si Ayla matapos magpasalamat sa lalaki. Tumango lamang si Steven at ngumiti bago pinaandar ang sasakyan pauwi. Pagkapasok ni Ayla ng bahay nila ni Rafael ay madilim ang loob ng kabahayan. Kinapa niya ang switch ng ilaw at binuksan. Nagliwanag ang buong sala. Nakita niya ang asawang si Rafael na nakaupo sa sofa at mukhang hinihintay siya. Rafael: Si Steven ba? Naguluhan si Ayla sa biglang tanong ni Rafael. Nagulat din siya na kinakausap siya nito ngayon. Ayla: A-ano ang ibig mong sabihin, Rafael? Tumayo si Rafael mula sa sofa at nilapitan si Ayla. Galit na galit ang mga mata nito. Rafael: Si Steven ba?! Si Steven ba ang kinakalantari mo?! Nabigla si Ayla sa akusasyon ni Rafael. Napaatras siya malapit sa pinto rahil parang susunggaban siya ni Rafael anumang oras. Rafael: Si Steven ba ang kalaguyo mo, Ayla?! ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD