STEVEN's POV
Muli kong tiningnan ang aking phone para malaman kung may reply na ba si Ayla sa aking mga message sa kanya.
Argh!
What's the problem with Ayla?
Bakit hindi sinasagot ni Ayla ang aking mga tawag sa kanya at bakit hindi rin siya nagre-reply sa aking text messages?
Ang huling beses na nakita ko si Ayla ay noong araw na naroon kaming buong barkada sa bahay ng mag-asawang Gino at Misha na pareho naming kaibigan ni Ayla.
But, of course, hindi ko naman nakausap si Ayla roon dahil mas naka-focus kami sa cheating issue ni Gino.
I still can't believe that Gino cheated on Misha.
I witnessed how Gino changed from being a playboy to a faithful boyfriend and eventually a faithful husband to Misha.
But I heard Gino's side at aminin ko man o hindi, I really can't judge him.
Si Gino lang ang nakakaalam sa totoong nararamdaman nito para sa babae nito.
Kung totoo nga ang sinasabi ni Gino na pinupunan ng babaeng iyon ang dating void na nasa sistema nito, na tingin ni Gino ay soulmate nito ang babae, well, sino ba naman ako para husgahan si Gino?
Hindi ba ay madalas namang ginagawa ng mga tao kung ano ang tingin nilang makapagpapasaya sa kanila?
Ang mali lamang sa sitwasyon ni Gino ay kasal na ito kay Misha at may dalawa silang anak.
Naniniwala pa rin akong isang sagradong bagay ang kasal at sinumang sumumpa sa harap ng altar na magiging matapat sila sa kanilang mga asawa sa buong panahon ng kanilang pagsasama ay kailangang tuparin iyon.
Alam kong hindi madali ang sitwasyon ng aking kaibigang si Gino ngayon.
Gusto kong matuwa nang sabihin sa akin ni Gino na tatapusin na nito ang bawal na relasyon nito sa babae nito. Ngunit sinabi rin sa akin ni Gino na mahal na nito ang babae kaya alam kong hindi magiging madali ito para kay Gino.
Muli na namang bumalik sa aking isipan ang aking best friend na si Ayla na matagal ko nang lihim na iniibig.
Noong huli kaming mag-usap ay umiiyak si Ayla rahil ilang araw na siyang hindi kinikibo ng kanyang asawang si Rafael na parte rin ng aming barkada.
Katulad nang dati ay isa akong dakilang shoulder to cry on para kay Ayla.
Literal na shoulder to cry on.
Pinaglalabasan ng mga luha ni Ayla at ng kanyang mga hinaing sa buhay.
Ang pinakamamahal at pinakapinagkakatiwalaang best friend ni Ayla.
Best friend.
Oo.
Matalik na kaibigan.
Ang saklap ng buhay.
Well, wala namang problema sa akin iyon kung iyon ay isang paraan para makasama ko ang babaeng matagal ko nang inaalagaan sa aking puso.
Pero nag-aalala ako rahil pagkatapos nang huli naming pag-uusap ni Ayla kung saan umiiyak siya nang dahil kay Rafael ay hindi na siyang muling nakipagkita sa akin matapos niyang makipagkita sa akin nang limang sunud-sunod na gabi.
Maliban doon ay hindi pa sinasagot ni Ayla ang aking mga tawag at hindi rin ako nakatatanggap ng kahit anong mensahe mula sa kanya.
Iniisip ko ngayon kung lumala ba ang problema sa pagitan nina Ayla at ng kanyang asawang si Rafael.
At kung tama ang aking hinala ay gusto kong naroon ako sa tabi ni Ayla para damayan siya.
Kung may ginagawang masama si Rafael kay Ayla ay hindi ko sigurado kung mapipigilan ko ang aking sariling makapanakit ng isang kaibigan.
----------
AYLA's POV
Hindi ako makapaniwalang inaakusahan pa rin ako ni Rafael na palihim na nakikipagkita sa aking best friend na si Steven.
Mula nang magbanta si Rafael na sasaktan niya ako at si Steven oras na malaman niyang may relasyon kaming dalawa ni Steven ay sinimulan ko nang umiwas sa aking matalik na kaibigan.
Hindi ko na sinasagot ang mga tawag ni Steven at hindi ko rin nire-reply-an ang mga messages nito.
Ginawa ko ang lahat ng iyon dahil hindi ko gustong lumalim ang paghihinala sa akin ni Rafael.
Mahal na mahal ko si Rafael at hindi ko siya gustong bigyan ng mga alalahanin sa buhay.
Ayokong pagdudahan ni Rafael ang aking pagmamahal para sa kanya.
Kaya nasasaktan ako sa tuwing inaakusahan ako ni Rafael na nagtataksil sa kanya kasama ang aking kaibigang si Steven.
Walang anumang namamagitan sa amin ng aking best friend na si Steven at kahit kailan o kahit sa hinagap man lamang ay hindi ako nagkaroon ng anumang damdamin nang higit pa sa pagkakaibigan para kay Steven.
Si Rafael lamang ang lalaking aking minahal at minamahal pa rin magpasahanggang-ngayon.
Si Rafael lamang ang nag-iisang lalaking kumatok at walang pag-aalinlangan kong pinatuloy sa aking puso.
I have always loved Rafael and I always will.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako ang inaakusahan ni Rafael na nangangaliwa sa kanya when he was the one who started being cold towards me.
Ilang araw nang hindi ako kinikibo ni Rafael kaya naman nakipagkita ako kay Steven nang ilang gabi rahil gusto kong maglabas ng hinaing dito.
Tanging si Steven lamang ang pinagkakatiwalaan kong makikinig sa lahat ng aking mga sasabihin at hindi ako huhusgahan.
Steven has always been a good listener since we were kids. Isa sa mga dahilan kung bakit malaki ang tiwala ko rito.
Marunong makinig si Steven at kahit kailan ay wala akong nabalitaang may ipinagkalat na balita si Steven tungkol sa mga bagay na kino-confide dito ng mga kaibigan nito.
Kaya naman kampante akong magkwento kay Steven ng kahit ano kahit pa tungkol sa nararamdaman kong cold treatment sa akin ni Rafael.
Pero hindi ko inasahang aakusahan ako ni Rafael that I'm having an affair with Steven.
May rason ako kung bakit ako nakipagkita kay Steven nang ilang gabi. At dahil iyon kay Rafael.
Pero si Rafael, ano ang rason niya para hindi ako kibuin?
Hindi ba ako rapat ang maghinala that Rafael is having an affair with another woman?
----------
TRINA's POV
Inis na inis kong inihagis sa ibabaw ng sink sa loob ng banyo ng aming bahay ng aking asawang si Zander ang pregnancy test kit na aking ginamit para malaman kung may laman na ang aking tiyan.
Nakakainis.
Negative.
Bakit ba hindi ako mabuntis-buntis ni Rafael?
Kailangang magdalang-tao na ako rahil iyon ang aking magiging sandata para mas mapadali ang pagdedesisyon ni Rafael na hiwalayan na si Ayla na hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapayag na makipagtalik kay Rafael.
Oo, kaibigan ko si Ayla, pero habang tumatagal ay mas sumisidhi ang aking kagustuhang magsama na kami ni Rafael sa iisang bubong.
Hindi ko naman gustong saktan si Ayla pero ano ang aking magagawa?
Nagmamahal lamang ako at ang taong nagmamahal ay ginagawa ang lahat ng bagay para lamang makasama ang taong iniibig makasakit man ito ng damdamin ng iba.
----------
ZANDER's POV
Malakas akong napamura nang makitang si Suzette na naman ang sasakay sa aking ipinapasadang tricycle.
Zander: Hindi mo ba talaga ako titigilang babae ka, ha?
Senswal na pinaglandas ni Suzette ang isang daliri nito sa matigas na muscle sa aking kaliwang braso.
Suzette: Tinanggihan mo ako noong isang gabi, eh. Parang igagarahe mo lang naman 'yang batuta mo rito sa pinipig ko, umaarte ka pa. Dali na, Daddy Zander. Isang putok lang naman, eh.
Nagtatampong ngumuso pa si Suzette sa akin na aking ikinailing.
Zander: Suzette, ano ba ang hindi mo maintindihan sa may asawa na ako at may isang anak? Gusto mo bang dalhin pa kita sa bahay para makita mong muli ang aking asawa't anak?
Tinitigan ako ng masama ni Suzette.
Suzette: Tandaan mo ang araw na ito, Zander. Balang araw ay kakailanganin mo rin ako at kapag dumating ang araw na iyon ay pagtatawanan kita.
Aalis na lang, eh, napakarami pang sinasabi nitong si Suzette.
Napabuga ako ng hangin nang makitang tumalikod na si Suzette.
Matagal na akong tumigil sa pambababae. Kahit noong bago pa kami ikasal ng aking asawang si Trina.
Hindi ko hahayaang masira ang tiwalang ipinagkaloob sa akin ni Trina.
Mananatili akong matapat sa aking sinumpaang pangako sa aking pinakamamahal na misis na si Trina at sisikaping maging mabuting ama para sa anak naming si Clarence.
----------
GABRIEL's POV
I rolled my eyes when my parents told me to meet this girl who I wasn't aware of her existence until today.
Like what the heck?
I don't even know where the hell she came from.
Argh!
I'm so tired of these blind dates my parents are setting up for me and any random girls.
Eh, kung si Diva na lang kasi ang ipa-date nila sa akin. Baka nagkukumahog na akong mag-shower ngayon para agad siyang i-meet?
Gabriel: I'm not going.
I saw my Mama Eleonor's disappointed face.
Eleonor: But, hijo, maybe this is the girl you're actually looking for. She's sweet, she's kind, and most importantly, she comes from a good family.
Ganoon naman ang laging sinasabi ni Mama.
Eleonor: Also, she has her own pet shop.
I wearily sighed in front of my parents.
Gabriel: Papa, Mama, I think it's time for me to stop dating girls and start seeing men. Cute guy for that matter.
Agad na napatayo si Papa Luther mula sa kinauupuan nitong couch.
Luther: What kind of a sick joke is this, Gabriel Corillier?
Malalim akong nagbuntung-hininga at matiim na tumitig sa aking ama.
Bahala na.
Aamin na ako.
Gabriel: Papa, Mama, I'm in love with my friend. I'm in love with Diva.
Agad akong napatakbo palapit sa aking ina nang makitang himatayin ito.
Gabriel: Mama!
----------
DIVA's POV
Napailing na lang ako habang tinitingnan ang aking inang si Remedios kung paano nitong bilangin nang paulit-ulit sa mga kamay nito ang perang ipinadala ng aking kasintahang half Pinoy-half American na si Jackson.
Dinidilaan pa talaga ng aking ina ang daliri nito habang binibilang ang mga pera sa aking harapan.
Remedios: Naku, 'nak. 'Wag mo nang pakawalan itong si Jackson. Tingnan mo naman, 'nak. Tiba-tiba tayo rito. Mahal ka na, mabubuhay ka pa.
Malalim akong napabuntung-hininga.
Isa si Jackson sa mga lalaking naka-chat ko online. Nagkakwentuhan, nagka-develop-an, at nagka-in love-an.
Well, sa part ni Jackson. Kasi sa tingin ko ay hindi naman ako in love dito lalo na ngayong nagtapat ng pagmamahal niya para sa akin ang aking kaibigang si Gabriel.
Mula nang magtapat sa akin si Gabriel ay hindi na siya nawala sa aking isipan.
Bakit ba kasi napakamanhid ko?
Hindi ko man lang naramdaman na may gusto pala sa akin si Gabriel.
Pero ano naman ang silbi kung mahalin ko rin si Gabriel pabalik?
Eh, paniguradong hindi ako matatanggap ng mga magulang ni Gabriel lalo na at kaisa-isang anak na lalaki siya ng mayamang mag-asawa.
Malamang gusto ng mga magulang ni Gabriel na kumalat ang kanilang lahi at iyon ang hindi ko maibibigay sa kanya.
Isa pa ay napakalaki ng aking utang-na-loob sa aking boyfriend na si Jackson.
----------
MISHA's POV
Naniningkit ang aking mga matang nakatitig sa lalaking nasa labas ng gate ng bahay.
Nakita kong lumingon sa akin ang aking kapatid na si Marie.
Marie: Ate? Papapasukin ko po ba si Kuya Gino?
Matalim akong nakatitig sa nagsusumamong mukha ni Gino nang sagutin ko ang tanong ni Marie.
Misha: Hindi!
----------
GINO's POV
Kinalampag ko ang malaking gate ng bahay naming mag-asawa nang marinig kong sinabihan ng aking misis na si Misha ang aking hipag na si Marie na huwag akong papasukin ng bahay.
Gino: Misha, ano ba?! Kapag hindi mo ako pinapasok ay magwawala ako rito! Tingnan natin kung hindi mabulabog ang mga kapitbahay!
Naniningkit ang mga matang lumapit si Misha sa gate ng bahay at kinausap ako sa mahinang tinig ng boses.
Misha: Ang lakas ng loob mong mag-iskandalo rito, Gino, pagkatapos mo akong lokohin. Kanino ka nanghihiram ng kapal ng mukha?
I clenched my jaw after hearing that from Misha.
Gino: Nakipaghiwalay na nga ako sa babae ko, hindi ba? Isn't it enough na nagpapakumbaba ako ngayon? Can't you appreciate na bumabalik ako ngayon sa piling mo, sa piling ng ating mga anak? I chose you, my family, over her.
Lalong naningkit ang mga mata ni Misha sa pagkakatitig sa akin.
Misha: Why does it sound like I owe it to you na kami ang pinili mo? Tandaan mo, Gino. Pinalayas kita. Ako rin ang magsasabi kung pwede ka nang bumalik sa bahay na ito.
Kumuyom ang aking mga palad dahil sa sinabing iyon ni Misha.
Malakas kong sinipa ang gate ng aming bahay na nagpatili kina Misha at Marie.
Gino: Don't test my patience, Misha. Hindi mo gugustuhing magalit ako sa 'yo.
Tinitigan ko si Misha na kanya namang nilabanan.
Nagkasubukan kami ng titig ng aking misis na si Misha.
----------
BIANCA's POV
He can't do this to me.
After all the things I've done for him ay hihiwalayan niya ako just because he can't lose his family.
He said that he loves me. But why did he have to break up with me?
I don't understand.
Marami na akong isinakripisyo para sa kanya.
Hindi ko hahayaang basta na lang niya akong iwan.
Isa pa 'yang si Diva.
Diva has been my best friend since we were kids at ngayon ay pinagbabantaan ako nitong isisiwalat ang mga natuklasan nitong lihim ko.
Walang utang-na-loob si Diva.
Matapos ko itong tulungan at ang ina nito financially ay ito pa ang igaganti ni Diva sa akin.
I won't let Diva expose my secret to our friends kung gusto kong huwag tuluyang mawala sa akin ang lalaking pinakamamahal ko.
----------
RAFAEL's POV
Nagdidilim ang aking paningin ngayon habang nakatingin sa lalaking bumaba mula sa kanyang kotse.
Agad kong inihinto ang aking kotse sa tapat ng aming bahay ng aking misis na si Ayla at mabilis na bumaba mula rito para lapitan ang lalaking akmang pipindutin na ang doorbell sa tabi ng gate ng aming bahay.
Rafael: Steven!
Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Steven nang lumingon siya sa akin.
Steven: O, Rafael. Nakauwi ka---
Hindi na natapos pa ni Steven ang kanyang sasabihin nang biglang tumama ang aking kanang kamao sa kanyang kaliwang pisngi.
Bumalandra sa sementadong lupa si Steven dahil hindi niya napaghandaan ang aking ginawa.
Nang makatayo si Steven ay nanlalaki ang kanyang mga matang tumitig sa akin.
Hinihimas ni Steven ang nasaktan niyang pisngi nang muli siyang magsalita.
Steven: What the heck was that for, Rafael?!
Nagdidilim pa rin ang aking paninging nakipagtitigan kay Steven.
----------
to be continued...