Lee kissed her hungrily. Hindi niya naitikom ang bibig. Sinamantala iyon ng binata para makapanakop ang dila nito. Dapat tinulak niya si Lee. Pero ayaw sumunod ng katawan niya sa dikta ng utak. She found herself clutching his broad back instead.
A sort of haze settled on her consciousness. Nawala na sa isip ni Georgina na puwedeng may umakyat sa roof top. Akala niya ay hihinto na ang binata nang humiwalay ang labi nito sa kanya. Pero lumipat lang ito sa leeg niya.
Muling napapikit si Georgina nang gumuhit ang init sa bahaging hinalikan ni Lee. Naalarma siya nang maramdaman ang kamay ni Lee sa loob ng damit niya.
"L-Lee...Leandro," naeeskandalong sinikap niyang itulak ang binata.
"Sshhh...no one will come up here."
As if to prove his point, Lee's lips moved a little lower. Hindi na napigilan ni Georgina ang mapaungol nang palitan ng labi ng binata ang kamay nito sa dibdib niya. Parang basang apoy ang dating ng labi ni Lee.
Nanlalabo man ang utak, may narinig na pagtawa si Georgina. Ang katabing building ng resto bar ni Ivan ay isang maliit na hotel. Ang katapat na kuwarto ng roof top ay may terrace. Baka lumabas sa terrace ang occupant.
As much as her body burned for Lee, hindi siya exhibitionist. Hinatak niya ang buhok nito sa likod para mapilitang tumingin sa kanya.
"I'm talking about them," sabi niya sabay turo sa kabila.
Lee let out an annoyed sigh. "Istorbo."
Nanginginig ang daliring inayos niya ang blouse. Si Lee naman ay tahimik na nagsindi ng sigarilyo. She welcomed the silence. Windang pa rin siya sa reaksyon ng katawan niya kay Lee. Patunay lang ito na walang nagbago sa nararamdaman niya sa binata.
"Do you still love me?" Parang nagtatanong lang kung ano'ng ulam nila mamaya.
"Is that important?"
Nilingon siya ni Lee. "Katawan mo lang ang kailangan ko. You ruined my chance to be happy with the only woman I love. You will warm my bed as a retribution. Don't entertain other ideas in your head."
Para siyang binagsakan ng tone-toneladang buhangin. "Don't worry, there's no lingering feelings left. And no, hindi ako papayag."
Ngumisi si Lee. "Then the whole world will know the real reason kung bakit hindi natuloy ang kasal ko kay Chantal."
Agad na namutla ang dalaga. "N-No. You c-can't do that."
"I can and I will. Wala nang mawawala sa akin, Georgina. Ano na lang kaya ang sasabihin ng parents mo?"
"That's blackmail!" protesta ng dalaga.
Gumuhit ang galit sa mga mata ni Lee. "Gawain mo rin 'to, 'di ba? You're a scheming b***h!"
Natameme si Geogina. Magiging parausan lang siya? God! Nang ibigay niya ang sarili kay Lee noon, hindi niya inisip na mangyayari ang ganito ngayon. Kung puwede lang niyang ibalik ang nakaraan, kahit kapalit pa ay kaluluwa niya.
"Now you got what you want, suffer the consequences. You'll stay at my place tonight."
"N-No. Please, hirap akong makatulog sa ibang bahay."
She still have her nightmares. Lumalala 'yon 'pag hindi siya kumportable sa lugar.
"You'll get used to it," tanggi ni Lee.
She felt dread filling her lungs. Pilit niyang nilunok ang nabubuong bara sa lalamunan. Walang maitutulong ang pag-iyak. So she might as well swallow her tears.
"O-Okay."
#
Nahilot ni Lee ang sentido. Nagkalat sa mesa niya ang mga blue prints. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin siya inaantok. Naka-ilang baso na rin siya ng scotch, wala ring naitulong. Ibinuhos niya sa trabaho ang atensyon para maiwasan ang pagsingit ni Georgina sa isip. It didn't work either.
Revenge wasn't on his mind then. Nang muli niyang makita ang babae ay doon bumangon ang galit sa dibdib niya. He felt cheated two years ago. Ginawa niya ang lahat noon para makaiwas sa babae. Ayaw niyang maging laruan nito. Pero naisahan pa rin siya ng babae. And in the midst of all the chaos that followed, she disappeared.
Now, what are you going to do with her?
Biglang tumunog ang doorbell. Isang haggard na James ang napagbuksan ni Lee. Naka-business suit pa ito at bitbit ang satchel. Tuloy-tuloy na pumasok ang lalaki at pabagsak na naupo sa sofa.
"I'll make this short. Kailangan ko ng tulong mo para mabili ang lahat ng remaining properties na masasagasaan ng development." May inilabas na document si James at inabot sa kanya.
Naka-highlight ang pangalan ni Georgina sa listahan. Takang napatingin ang binata kay James.
"I believe you're the right man for the job."
"Bakit ako?"
James smirked. "Considering your history with that woman, hindi ka mahihirapan."
May gumuhit na lamig sa batok ni Lee, tuloy-tuloy pababa sa likod. "W-What--"
"Come on, brother. Akala mo ba wala akong alam?" Umiling si James.
"I saw her name popped up nang mag-umpisa kaming bilhin ang mga properties dito a year ago. I found out Gabriel Valdez bought two properties here, one in Station Two and in Station Three. I dig a little deeper. Nalaman ko kung saan siya papunta noong gabing 'yon, based sa information na nakuha ng mga pulis sa GPS navigation system ng kotse ni Gabriel. Which brought me to your condo."
Hindi makapagsalita si Lee. Wala siyang lakas para pigilan ang bibig ni James. He was rooted on his spot, clutching at the document as if his life depended on it.
"Kitang-kita sa CCTV kung sino ang babaeng lumabas sa unit mo noon. Iisipin kong coincidence lang na kamukha siya ni Georgina. But considering the information from Gabriel's GPS, that's unlikely. Itutuloy ko pa ba?"
"P-Paano mong nalaman? Sira ang CCTV sa Crystal noong gabing 'yon."
"Marami akong kaibigan sa police, alam mo 'yan. Kilala ko rin ang may-ari ng security agency na nagpo-provide ng security sa Crystal. Someone paid the officer on duty to cut off the feed that night. 'Di ko lang alam bakit hindi mo sinabi sa kapatid ko na si Georgina ang babaeng kasama mo noon," paliwanag ni James.
"Sino'ng humarang sa mga CCTV footage?"
"Beats me. Tinanggal na sa trabaho 'yong security personnel. Head security lang ang may alam na may back-up camera ang lahat ng naka-install. Wala lang monitor ang feeds ng back-up cam."
May kasabwat ang babae sa isa sa mga kaibigan niya? Wala siyang alam na ka-close ni Georgina. "I-I don't know what to say."
"Just take care of it for me, alright? Dad's been breathing down my neck," sabi ni James.
"I don't know, man."
"Kahit sabihin kong matutulungan kita sa kapatid ko?"
Nag-angat siya ng tingin. Hope fluttered in his chest like a dragonfly with broken wings. Simula noong maghiwalay sila ni Chantal ay hindi siya tumigil sa pag-asang mapapatawad din siya ng babae. Pagbalik niya galing Greece ay niligawan uli niya si Chantal.
"Really?"
Tumango si James. "She's still in love with you."
Pero hindi niya kinagat ang pain ni James. "You're offer is tempting but no."
"Then, you leave me no choice. Sasabihin ko kay Chantal na si Georgina ang babaeng kasama mo nang gabing 'yon."
Kumuyom ang mga palad ni Lee. Hirap na nga siyang kunin uli ang loob ni Chantal. Lalo siyang mawawalan ng pag-asa. But the idea of exposing Georgina to save himself is unimaginable. Hindi matatanggap ng ego niya na magtago sa saya ng babae. Lalo na at kasalanan din niyang nagpadala siya sa libog ng katawan.
"You're blackmailing me?"
Kibit-balikat ang isinagot ni Jason sa kanya. "Wala akong hindi gagawin para sa project na 'to."
Asshole.
#
The last dying note of her screams woke her up. Nanlalaki ang mga mata ni Georgina habang nakatitig sa kisame. Pawisan na rin siya, hinihingal na parang galing sa matagal na pagtakbo. Iniwan niyang bukas ang lamp shade dahil hindi siya makatulog na walang ilaw.
"Georgina?" Niyugyog siya ni Lee. Nag-focus ang mga mata niya sa binata at doon pa lang siya nahimasmasan.
"I-I'm okay."
"You sound as if you're being butchered."
"I-It's just a nightmare. I'm going back to sleep."
Hinatak ng dalaga hanggang dibdib niya ang kumot. Tinalikuran niya si Lee para mapilitan itong iwanan siya. Pero hindi nangyari ang gusto niya.
"Kung iniisip mong maaawa ako sa 'yo para doon ka matulog sa bahay mo, think again. Tomorrow night, I'm coming for you."
The night he came for her would definitely go down her memory bank. Tinawagan siya nito kung anong oras siya makakauwi. Gumawa pa siya ng kung ano-anong dahilan para ma-delay ang pagsasara ng shop. Ang totoo, wala siyang kliyente. Napilitan na siyang magsara pagkagat ng dilim.
Pagdating niya sa bahay ni Lee ay walang ilaw. Naka-on naman ang ilaw sa grounds pati na sa gate. Ang buong bahay lang ang madilim. Nagtaka siya. Ang sabi nito ay maghihintay ito sa kanya. Nakapagtatakang walang sumalubong sa kanya kundi katahimikan.
Hindi na niya ini-on ang ilaw nang makapasok. Sapat na ang liwanag sa labas para makita niya ang dinadaanan. Diretso siya taas. Nang makitang may liwanag na nakasilip sa siwang ng pinto ay umahon ang kaba sa dibdib ni Georgina.
"Leandro? Bakit hindi mo ini-on ang--" Nabitin ang paghinga niya nang tuluyang makapasok.
Nakadapa sa kama si Lee at payapa ang paghinga. Isang lamp shade lang sa tabi ng kama ang ilaw. Tulog ito, hawak ang cellphone. At agad na umiksi ang paghinga niya nang makita ang matambok nitong pang-upo na nakasilip sa pagitan ng kumot. The man is naked.
Kagat-labing isinara niya ang pinto. Maingat ang mga hakbang na ipinatong niya ang bag sa dresser. Saka niya nilapitan ang tulog na binata. She ignored his delectable tush, locking her eyes on his face instead. May ilang naligaw na buhok sa mukha nito. Natukso siyang hawiin 'yon.
Saka naman gumalaw si Lee, nakatihaya na ngayon. Nabawi ni Georgina ang kamay, kinabahan baka magising ang lalaki. Pero mukhang tulog na tulog pa rin talaga ito. She backed away, only to find his blanket slipping away.
"Oh my god!" hindi niya napigilang bulalas nang makita ang ayos ng binata. Kanina ay pang-upo lang nito ang naka-expose. Ngayon ay crotch area na!
Tulog ang amo pero gising na gising ang alaga!
Mabilis siyang tumalikod. Ipinilig niya ang ulo. Ayaw maalis sa isip niya ang image!
"Where are you going?" A rough voice drawled from behind. Bago pa siya makasagot ay dalawang braso ang pumulupot sa baywang ng dalaga. Tinangay siya pabagsak sa ibabaw ng mainit na katawan ni Lee.
"Leandro..."
"Hmm. Kanina ka pa ba?" He nuzzled her ear which sent tongues of heat to her nerves.
"K-Kararating lang. Kailangan kong magbihis. A-Amoy pintura pa ako."
Sininghot ni Lee ang leeg niya. Nanayo ang balahibo ni Georgina. "You still smell good to me."
"H-Hey!"
Parang wala itong narinig. Hinalikan siya nito. Kasabay nang pananakop ng dila nito sa bibig niya, nag-umpisang maglikot ang mga kamay ng binata. Pumasok ito sa ilalim ng suot niyang blouse. Napakislot si Georgina. His fingers were cool against her skin. Napapikit ang dalaga. Ramdam niya ang kahandaan ni Lee.
There's no stopping what is about to happen. Habang lumilipas ang bawat segundo, unti-unting nabubuhay ang apoy sa loob ng dalaga. Iniwan ni Lee ang mga labi niya. Lumipat ito sa leeg niya, tumulay papunta sa balikat. Abala pa rin ang mga kamay nito sa magkabila niyang dibdib. Para bang sinisiguro nitong magkapareho ang atensyon na ibinibigay nito sa dalawa.
"Leandro..."
He just playfully bit on her shoulder. Saka siya nito binitiwan. Nagtatakang nilingon niya ito.
He smiled. "Come with me."
Tumayo ang binata, walang pakialam kahit wala itong damit. Siya naman, parang nahipnotismong napasunod lang sa lalaki. Sa banyo siya nito dinala. Pinuno nito ng tubig ang tub, tinimpla saglit bago siya binalikan.
"Come on, the water's perfect."
Napalunok ang dalaga. Iniiwasan niyang mapunta sa ibaba ng katawan ni Lee ang mga mata. Pilit niyang iniignora ang mga mata ng binata. Kahit hindi siya hawakan ni Lee ay para siyang namimilipit na hindi maintindihan.
"M-Mababasa ang damit ko."
"So? Tatanggalin ko rin naman 'yan."
Humagod ang mga mata ng binata sa katawan niya. Lihim na napaungol si Georgina nang may mabuhay na apoy sa tuktok ng dibdib niya. Her n*****s puckered with just his eyes raking her form.
Nainip na yata ang binata, humakbang ito palabas ng tub. Walang salitang siniil siya nito ng halik. He backed her against the wall. His adept fingers crept up her stomach, tracing each rib. Napasinghap si Georgina nang kagatin ng binata ang mga labi niya bago siya nito binitiwan.
Walang halong pagmamadaling inisa-isang buksan ni Lee ang butones ng top niya. His fingers are manly that it fascinated her to no end. Hindi niya maawat ang mata sa pagsunod sa bawat galaw ng daliri nito.
She remembered the first time those fingers went into her folds two years ago. Wala sa loob na naipit niya ang hita sa pagguhit ng init doon. Lee smiled knowingly and he kissed her again. His tongue snaked inside her mouth, teasing. Gumanti ng halik si Georgina. Ginaya ng kamay niya ang bawat galaw ng binata.
Dinama niya ang mga bahaging dinadama ni Lee sa katawan niya. When his thumb rolled her n*****s, she mimicked the deed. Narinig niya ang pagsinghap ng binata. Napangisi siya. Sinagot iyon ng Lee ng mahinang pagkagat sa dila niya.
"You wicked little thing," he mumbled against her lips and swung her in his arms. Napakapit siya sa balikat ni Lee sa gulat.
Hindi na na siya nakapalag dahil sinelyuhan na nito ng halik ang labi niya. Nadarang na naman siya, nakalimot sa gustong sabihin. Ano bang mayroon sa labi ng lalaking 'to at ganoon na lang kung mablangko ang utak niya?
He sat on the tub, drawing her on his lap. Pinaulanan ng halik ni Lee ang leeg at balikat niya. Tinukso ng mga kamay nito ang dibdib niya, hindi tinigilan hangga't hindi nauwi sa pabugso-bugso ang paghinga ng dalaga. Naramdaman na lang niya ang paghatak nito sa pang-ibaba niya.
"Take this off," utos nito sa magaspang na boses.
Tumayo siya patalikod kay Lee. Nasa balakang niya ang isang kamay nito, iginiya siya paharap. Pagkatapos ay sumandal ito sa tub, inabangan ang pagtatanggal niya ng pang-ibaba.
Hindi pa siya naghubad sa harap ng kahit na sinong lalaki. Naghahalo ang hiya at pagkasabik na nararamdaman niya. She felt shy but wanton at the same time. Slowly, she pushed her pants down. Sinadya niyang unti-untiin ang paghuhubad. Inch by inch, Lee's gaze grew hotter.
Nakikita ni Georgina ang pagtaas-baba ng dibdib nito habang nakatingin sa kanya. Somehow, the look in his face dulled her insecurities about her body. Hanggang sa tuluyang bumagsak sa tubig ang suot niya. Tanging ang itim na lace panty ang natira.
Lee's nostrils flared. Para itong torong nagbabantang manuwag. "That too."
Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kanya. She felt empowered witnessing the desire in his eyes. Nagkalakas-loob siyang sumuway.
"Why don't you take it off?"
Hindi kumibo si Lee pero nakita niya sa mga mata nito ang pinipigilang ngiti. Umisod ang binata para mapalapit sa kanya. Nang hawakan nito ang gilid ng panty niya ay idinikit niya ang hintuturo sa noo nito.
"No hands. Just lips and your teeth," aniya.
Nadiskubre niyang hindi lang mga daliri at kamay ni Lee ang talented. Wala pang isang minuto ay nakalutang na sa tubig sa tub ang panloob ni Georgina. Lee paid homage to the spot between her legs and sent her mewling like a cat in heat.
"Oh god, Leandro! Y-Yes...aaaahh. Ow! I-I can't t-take it anymore!"
"What? Nag-uumpisa pa lang tayo," sagot nito saka pinagalaw muli ang dila sa lagusan niya.
She bit her lip to stop herself from screaming. Nanlalambot na rin ang tuhod niya. Ilang sandali na lang ay babagsak na siya.
Nakahalata siguro si Lee. "Sit on the edge."
Sumunod siya. Inangat ng binata ang magkabilang binti niya at ipinatong sa gilid ng tub. For one moment, she thought he can see all the way into her womb the way she was exposed to him. Napamura siya nang muli nitong isubsob ang ulo sa pagitan ng mga hita niya. Salitan ang daliri at dila ni Lee sa pagsamba sa p********e ni Georgina.
Something warm was balling up inside her. Nagbabantang sumabog. Lee flick his tongue against her bud. Nanginig si Georgina. Sa bawat dampi ng dila ng binata ay sinasalakay siya ng panginginig na hindi niya maipaliwanag. Wala sa sariling napasabunot siya sa ulo nito.
"L-Leandro..." daing niya.
"Not yet, sweet thing. Not yet," pahingal na sagot ni Lee.
Pinagbuti pa nito ang paghagod ng dila at daliri sa p********e niya. Pakiramdam ni Georgina ay umakyat lahat ng dugo niya sa ulo. Hindi na siya makapag-isip. Ang alam niya, kailangan niyang ilabas ang nabubuong init sa kaibuturan niya. Napahigpit ang kapit niya kay Lee.
"I-I'm c-coming!"
"No, you're not," salungat ni Lee saka tumayo.
Parang gustong maiyak ni Georgina sa biglang pagkawala ng masarap na sensasyon sa gitna ng hita niya. Nang inaakala niyang iiwanan siya ni Lee, ibinaba nito sa tub ang mga binti niya. He gently tugged at her hands and pushed down her backside. He wanted her on all fours.
Dahil napapalibutan ng salamin ang banyo, nakikita niya ang posisyon nila. Halos hindi makilala ni Georgina ang sarili sa salamin. Who's that sensual woman staring back at her? Her eyes are full of pent up passion. And the man behind her must be a god.
Dumukwang si Lee, sinalubong ang mga mata niya sa salamin. "Enjoying the view?"
Natawa siya. "Perv."
Bilang sagot ay pinisil ni Lee ang dibdib niya. "Watch, Georgina. 'Wag na 'wag kang pipikit."
"O-Okay."
"Grab the edge of the tub. You'll need the support," utos ng binata.
Hinintay lang nitong sundin niya ang iniutos bago umayos sa likod ng dalaga. She watched with wide eyes as Lee smirked at her and stroke his engorged manhood. The head of his manhood seemed to be close to bursting. Para bang ipinapakita nito sa kanya kung gaano ito nasasarapan sa sensasyong dulot ng paghagod ng kamay nito.
Nang ikiskis nito ang ulo ng p*********i nito sa bukana ng lagusan niya ay halos mabaliw si Georgina. Natukso siyang pumikit pero inunahan siya ni Lee. Inangat nito gamit ng libreng kamay ang baba niya.
"Don't," paalala nito. "Look at me."
May pang-akit sa boses ni Lee na para siyang de-susing manika na napasunod nito. Naramdaman niya ang dahan-dahan nitong pagpasok sa p********e niya. She suppressed the moan in her throat as he went deeper inch by inch.
"You're so tight," komento ni Lee. He grunted before pushing himself further into her wetness.
"Aaaahhh..." kagat-labing napaungol siya.
His hips stilled. Nagtatanong ang mga mata nito sa salamin.
Magkahalo ang ngiti at ngiwi niya. "Y-Yes. There has been no one but you."
Bumakas ang pagkagulat sa mukha ng binata. Napayuko ito, biglang hinawakan ang balakang niya. Hindi na niya mabasa ang mukha nito. Dahan-dahang hinugot ni Lee ang p*********i. Then, he pushed into her again. Paulit-ulit na ginawa ng binata ang paglabas-masok sa lagusan niya.
Noong una ay may kirot pa siyang nararamdaman. Pero habang tumatagal, nabubuhay ang maliliit na kilabot at sarap sa bawat himaymay ng katawan niya. Nakayuko pa rin ang binata. Para bang sinadsadya nitong itago kay Georgine ang ano mang emosyong nasa mga mata nito.
Her breasts swayed with the motion. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa gilid ng tub. Sa bawat ulos ni Lee ay napapansin niyang dumidiin 'yon. And by gods! It felt so good, he felt so good. By instinct, her hips moved. Sumasalubong 'yon sa bawat pasok ni Lee sa kanya.
"Aaahh...you feel so good. So tight, so wet for me," sambit ni Lee.
Parang nanggigigil na diniinan pa ito ang pagbaon sa gitna ng hita niya. Kapit na kapit ang binata sa balakang niya, sinasabayan ang galaw ni Georgina.
Isang ungol ang isinagot niya. Sa tindi ng sarap na bumabalot sa kanya ay na-paralyze na yata pati dila niya. What she can't say, she showed him using her body instead. Sa muling pagtatama ng mga mata nila sa salamin, pareho na silang pawisan. Napangiti sila sa isa't isa. Lee's other hand crept on her breast. Tumigil ito sa paggalaw, hinayaan nitong si Georgina ang kumikilos.
"Jesus! Slow down, Georgina. You'll have me shooting in no time," bulong ni Lee sa kanya.
"I...I..."
"I want to bang you harder and longer." He suddenly slammed his hips. "Like that."
"Oh...oh!"
"Slow." Dahan-dahan nitong hinugot ang p*********i. "And come back harder each time."
"Unngghh...L-Leandro. Haahhhh...sige paaa!"
Pinagbigyan siya ni Lee. Bumilis nang bumilis ang galaw nito. Sa bawat salpukan ng katawan nila ay gumagawa 'yon ng ingay. His balls were slapping against her mound. May kung anong sarap iyong hatid sa p********e niya maliban sa paglabas-masok ni Lee doon. Hindi na niya alam kung anong gagawin sa kamay niya. She grabbed Lee's face against her neck with one hand.
"Aaaahh...haaaahh...m-malapit na--"
Lee kissed her wrist. "Aaahh...I'm a-almost there too. Ahhh...aaaah. Putangina! Napakasarap mooo..."
May kung anong sumigid sa likod ni Georgina. Tumulay 'yon pababa sa gitna ng hita niya, kumalat sa puson hanggang sa nakaramdam siya ng masarap na panlalambot sa bawat bahagi ng katawan
Oh god! I'm such a hoe, his dirty talk is driving me crazy! "S-Say it again."
Lee bit her shoulder instead. "You're delicious. Aaahhh... I can f**k you all day, all night. s**t! s**t! s**t!"
Lalong nanggigil si Lee sa pagnanasa. Dumoble ang bilis ng galaw nito. Para silang may hinahabol. Sa huling madiing kadyot ni Lee ay sumabog na si Georgina. She thought she heard him shout her name but she's not sure. Nablangko ang utak niya, nag-ulap din ang paningin. Hindi siya humihinga sa pag-aalalang baka mawala ang masarap na pakiramdam na 'yon.
She felt his manhood twitch inside her as he exploded. He was breathing hard on her back, body still as a statue. Mayamaya ay kumilos si Lee pero hindi hinugot ang nakabaong p*********i sa lagusan ni Georgina. They were still joined when he leaned back on the tub, taking her with him.
Wala silang kibuan. Paulit-ulit nitong hinagod ang braso niya hanggang sa lumamig ang tubig. Inaagaw na si Georgina ng antok nang maramdaman ang labi ni Lee sa gilid ng ulo niya.
"Hey, no sleeping."
"S-Sorry."
"Maligo na tayo," sabi ng binata. Pinisil nito ang hita niya. "Preparation for round two."
"R-Round two?" kandabulol na tanong ng dalaga.
"You won't be sleeping tonight, sweet thing."
To her embarrassment, her n*****s grew hard. Bumaba ang kamay ni Lee sa pagitan ng hita niya. Sa sandaling dumikit ang kamay ni Lee doon, wala nang silbi ang mga binti ng dalaga. Hindi nga siya pinatulog ng binata.
Alas kuwatro na ng madaling araw nang tantanan siya ni Lee. Hati ang pakiramdam ni Georgina habang pinapakiramdaman ang katabing mahimbing na sa pagtulog. Apart from her melting from his touch, a small part of her slowly dies each time Lee stakes his claim.
Dapat masaya siya. Ang lalaking laman ng mga panaginip niya noon ay katabi niya ngayon. Pero bakit hungkag ang pakiramdam?
Because you're deluding yourself. Sinusunod lang niya ang dikta ng puson!
Awang-awa siya sa sarili. Ang Georgina noon ay malayong-malayo sa Georgina ngayon. Nangako siya sa puntod ng kapatid na sa pagbabalik niya, isang bagong Georgina ang ihaharap niya. But all she is now is a weak woman.
Biglang pumunit sa katahimikan ng kuwarto ang alarm ng cellphone. Hindi kanya 'yon. Naramdaman niyang kumilos si Lee sa tabi niya. Mabilis na ipinikit ni Georgina ang mga mata at nakunwaring tulog. Mayamaya pa ay tahimik na naman ang kwarto.
Muntik na niyang makalimutan ang pag-arteng tulog nang yakapin siya ni Lee mula sa likod. His lips brushed the back of her neck, raising goosebumps on her bare skin. Buking na siya ng binata. Ganoon pa man, hindi nagsalita si Lee.
When his hands moved, her body listened.
#
She's free all day, but her nights belonged to Lee. Ang mga kulang niyang tulog sa gabi ay binabawi niya sa shop pagkaalis ng kliyente. Pati pagpipinta ay hindi na niya masyadong nabibigyan ng pansin.
Nalaman din niya kay Ruben na nakailang balik pa sa shop ang taga-Plata Estates. Ngayon, habang nagkukuwento si Ruben ay pilit niyang pinaglalabanan ang pagkahilo dahil sa kakulangan ng tulog.
Wala na siyang maintindihan sa pinagsasabi ng kasama. Matindi ang pagkahilong nararamdaman niya, parang babaliktad ang sikmura. Napakapit si Georgina sa likod ng isang upuan. Itinuloy niya ang pagliligpit. Balak niyang matulog na muna sa itaas.
Tapos na siya nang mapansin niya ang isang brown envelope. Nakasiksik ito sa isang bahagi ng display shelf ng mga catalogues niya. May naka-print na logo ng Plata Estates sa flap nito.
"Ruben? Ano 'to?" Walang laman ang envelope.
Pahablot na kinuha sa kanya 'yon ni Ruben. "Kaya pala pabalik-balik ang mga ungas. Siguradong sinadya nila 'to para kunwari may rason sila para bumalik."
"Ah." Napapikit siya. Palala na nang palala ang nararamdaman niya. "Matutulog na muna ako, pakiramdam ko nakalutang ako."
"Sige, po. Pirmahan n'yo nga po pala muna 'to."
"Para saan 'to?"
"Purchase orders po, delivery at documents para sa sanitary at fire inspection ng shop. Nag-notice po ang munisipyo sa mga shop owners."
Tiwala na siya kay Ruben kaya hindi na niya binasa, idagdag pang parang nagsasayaw ang mga letra sa paningin niya. Minarkahan na nito ang mga dapat niyang pirmahan.
"Ang dami naman," reklamo niya pero panay naman ang pirma.
"Isinabay ko na po kasi lahat para wala nang makalimutan."
Pagkatapos ay umakyat na siya sa studio. May higit dalawang oras pa siya. Bago siya nahiga ay naghilamos muna siya para matanggal ang nararamdamang lagkit sa mukha at leeg. As she stared at herself in the mirror, hindi niya maiwasang mapangiwi.
Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya. Magdadalawang linggo pa lang siya sa set-up nila ni Lee pero pakiramdam ni Georgina ay tumanda siya ng sampung taon. Disgusted, she turned away from the mirror. It doesn't matter kung pangit siya o maganda. Sa katawan lang niya interesado ang lalaki. She reached out for her bottle of sleeping pills.