Nanginginig ang kamay na binuksan ni Georgina ang unit ni David. Mabuti na lang at hindi na siya nasundan ni Chantal. Everything was beautiful until her mask came undone. Wala na, it's all over for her.
Kailangan niyang makaalis agad. Tinawagan niya si Gabriel pero hindi nito sinasagot ang cellphone. Nag-out of town trip si Gael kaya wala siyang choice. Sa pang-apat na subok ay narinig niyang tinanggap ni Gabriel ang tawag.
"Thank God! Bakit ang tagal mong sagutin?" mangiyak-ngiyak na sumbat niya.
"What's happening, Georgina?" tanong ni Gabriel sa pagitan ng pag-ubo. Nakalimutan niyang masama ang pakiramdam ng kapatid.
"N-Nothing. Pakisundo ako, please?"
"Nasaan ka ba?"
"Crystal Residences."
"Ano'ng ginagawa mo d'yan?" Mabuti na lang walang alam si Gabriel sa nararamdaman niya kay Leandro. 'Pag nagkataon ay ito pa mismo ang kakaladkad sa kanya palayo sa lalaki.
"I'll call Mang Tony." Family driver nila ang tinutukoy ni Gabriel.
"No! Magsusumbong 'yon kay Daddy. Strike two na ako kay Dad, kuya. Baka totohanin na ni Dad na ipatapon ako sa branch natin sa Singapore."
Narinig ni Georgina ang paghugot ng hininga ng kapatid. "Alright. Medyo matatalagan ako. Nakainom ako ng gamot. It's making me drowsy. I can't drive fast."
"I'll wait."
Mahigit isang oras na siyang naghihintay pero hindi pa rin tumatawag si Gabriel. Ayaw naman niyang tawagan ang kapatid baka ma-dictract sa pagmamaneho. Inaagaw na ng antok ang isip niya nang bumukas ang pinto.
"Georgina?" si David. "Bakit nandito ka pa?"
"D-David. I'm waiting for Kuya Gabriel." Napalunok siya. "K-Kamusta siya?"
Umiling si David. "Malaking gulo ang ginawa mo. Hindi ko naisip na aabot sa ganoon. Kung alam ko lang, hindi na sana ako pumayag sa plano mo."
Napayuko ang dalaga. "It wasn't planned, David. I wanted to kiss him goodbye, is all."
"D-Did you..."
She gave out a mirthless laugh. "What, had s*x?"
Tumango si David.
"Yes."
"You're crazy."
"I guess I'm really f****d up here," turo ni Georgina sa ulo. "But you know what's even more f****d up? I don't regret a single thing."
Umilaw ang cellphone niya, pangalan ni Gabriel ang naka-flash.
"Hello, kuya. Are you there--who's this?" kinakabahang tanong niya. Pagkarinig sa sinasabi ng kausap sa kabilang linya ay naluha si Georgina. Bumagsak ang cellphone niya sa sahig.
Halos lumipad ang kotse ni David. Habang nasa biyahe ay tulala pa rin si Georgina, hindi makapaniwala sa nangyayari. Si David ang pinakiusapan niyang tawagan ang mga magulang para makasunod ang mga ito sa ospital.
Naghihintay sa kanya ang nurse na nakausap. Pagkatapos ibigay sa kanya ang cellphone ni Gabriel ay inihatid sila nito sa labas ng emergency room. Nasa loob ang kapatid niya at ginagamot ng mga doktor. Hindi pa sila nagtatagal doon ay dumating ang magulang ni Georgina.
"Georgina!" tinakbo siya ng ina at niyakap nang makita siya nito. Nakasunod ang Daddy niyang halatang bagong gising.
"What happened?" paos ang boses na tanong ng ama niya.
Sa pagitan ng pag-iyak ay ikinuwento ni Georgina ang nangyari. Sinadya niyang itago ang katotohanan kung bakit siya nasa Crystal Residences. Sinabi lang niya na may maliit na salu-salong inihanda si David at imbitado siya. Naniwala ang mga magulang niya lalo na't nariyan si David para magpatunay. Lalong nakaramdam ng guilt si Georgina.
Ilang sandali pa ay isinugod na sa operating room si Gabriel. Awang-awa si Georgina sa kapatid. Cuts and bruises were all over his body. She never prayed harder than she did that moment.
Inabot din ng tatlong oras ang operasyon. Nang lumabas ang doktor ay umasa silang positibo ang resulta. She should have known better from the way the man's shoulders sloped down in defeat.
"I'm sorry. He didn't make it. Masyadong intensive ang damage sa katawan niya at maraming dugo ang nawala. We did everything we could to save him."
Ramdam niya na may parang napunit sa dibdib niya. Gusto niyang sumigaw pero hagulgol ang lumabas sa labi ng dalaga. Nanlalambot na napakapit siya sa dingding. Unti-unting bumigay ang tuhod niya hanggang sa tuluyan siyang nawalan ng malay.
The next day, Gabriel's smiling face graced the society pages, along side the news of Lee and Chantal's broken engagement.
After eight months...
Nagising si Georgina sa ingay ng mga teen-agers na naghaharutan. Kunot-noong bumangon siya sa pagkakahiga sa duyan. Mataas na ang araw. Dalawang linggo na siyang nangungupahan dito sa barangay Napsan sa Puerto Princesa.
Sa loob ng walong buwan simula nang mamatay si Gabriel ay kung saan-saan na siya napadpad. Iniwan niya ng nakagisnang buhay sa Manila at nag-travel kung saan-saan. Una siyang napunta sa Cebu. Pagkatapos ay sa Tugegarao, Batanes, Benguet, Negros at itong huli ay sa Bohol.
Umiiwas siya sa mga kilalang tourist spots sa mga lugar na pinupuntahan niya. Mas gusto niya sa mga tahimik na barangay kung saan siguradong walang makakakita sa kanyang kakilala niya.
Nakita niyang kasama sa mga teen-agers ang binatilyong anak ni Aling Trudis, ang kasera niya. Sinutsutan ni Georgina si Jude.
"Pst! Jude."
Lumingon ang tinawag. "Ano po 'yon, Ate?"
"'Lika nga."
Lumapit naman ang mga binatilyo. Ngayon niya nalaman kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito. May mga tattoo sa dibdib, braso at binti ang mga bata.
"What's that?" sita niya.
"Henna lang po 'te," sagot ni Jude at ipinakita sa kanya ang tattoo.
Actually, wala siyang pakialam kung magpa-tattoo man ng henna o totoong ink ang mga bata. Mas interesado siya sa artwork sa balat ng mga 'to. Malinis ang mga linya at pulido ang pagkakalapat ng tinta.
"Sino'ng gumawa?" tanong ni Georgina.
"Si Tatay Rico po, 'yong nakatira sa kubo sa pinakadulo," sabi ni Jude. "Nag-ta-tattoo din siya 'te."
"Gusto mo din magpa-tattoo, Ate? Samahan ka namin," alok ng kasama ni Jude.
"Sige." Sinundan niya ang tatlong bagets. Naabutan nila si Tatay Rico na nagtatrabaho.
"Magpapagawa ka rin, Miss? Pili ka lang ng gusto mo d'yan," turo ni Tatay Rico sa magkakapatong na catalogues. Kulay kape ang balat ng matanda, halatang bilad sa araw. Hindi niya matantya ang eksaktong edad nito dahil bukod sa walang puti sa buhok ay maliksi kung kumilos. Laugh lines are in abundance on the side of the man's eyes and the corners of his mouth.
"May sarili po akong design, pwede ho?" nangingislap ang mga matang tanong niya.
"Walang problema. Dala mo ba?"
Umiling siya. "May papel ho ba kayo d'yan? Kaya ko pong iguhit habang nagtatrabaho kayo."
Ngumuso ang matanda sa isang mesa sa sulok. "Sa drawer may sketch pad d'yan.
Hindi nagtagal ay tapos na si Tatay Rico. Ipinakita niya ang sketch pad sa matanda.
"Magaling ka palang gumuhit. Bakit tutubi?"
"Uhhmmm..." Hindi siya sigurado kung kaya niyang ikuwento ang bahagi ng buhay niyang 'yon. Pero inunahan siya ni Tatay Rico.
"Simbolo ng pagbabago ang tutubi. Maaaring may malaking pagbabagong nangyari sa 'yo, may na-realized ka tungkol sa sarili mo o kaya naman ay nag-iba ang mind set mo tungkol sa buhay."
"Ahm...parang ganoon na nga po."
Tumango ang matanda. Nawala ang mga mga mata nito sa pagkakangiti. "Mabuti. Pwede bang akin na lang 'to? Ipapa-frame ko at ihahanay kasama nila," itinuro nito ang nakahilerang mga sketches na naka-frame din.
"Ay, nakakahiya po. Hindi po polished 'yan, minadali lang. Kung gusto n'yo, ayusin ko ho."
"Sige. 'Wag mo na akong bayaran, ito na ang hihilingin kong kapalit ng serbisyo ko."
"Hindi ho ba kayo malulugi n'yan?"
"Hindi ko ikakagutom ang ilang patak ng tinta na mababawas sa supplies ko." Kinindatan pa siya ng matanda.
Hindi niya napigilang mangiti. "Sige po. Pero gusto ko pong malaman kung tumatanggap ho ba kayo ng apprentice? Gusto kong matutong mag-tattoo."
Nilingon siya ng matanda. "Istrikto akong guro, iha. Ayoko nang nali-late. Pag sinabi kong alas sais dapat nandito ka na, nandito ka na."
Napangisi ang dalaga. "Yes, boss."
Isang taon din ang inabot ng training niya kay Tatay Rico. Sa huling araw niya ay nag-iisip na siya kung saang lugar naman lilipat. Nagpasya siyang mag-Internet para magka-ideya. Doon niya naisipang i-check ang personal e-mail. Simula nang mamatay si Gabriel ay hindi pa niya 'yon nabibisita kahit marami namang pagkakataon.
Puro subscription alerts ang laman ng e-mail niya. Binura niya lahat at mag-lo-log out na sana siya nang makita ang pangalan ni Gabriel. Birthday niya nang ma-deliver ang e-mail sa inbox.
Sis,
Alam kong matagal mo nang pinapangarap ang magkaroon ng isang lugar where you can be yourself, away from the maddening world we live in. Dahil birthday mo ngayon, 'eto ang regalo ko sa 'yo. Attached herewith is a copy of the documents of the property in your name. Do contact my lawyer, Atty. Dimaculangan.
He will arrange things for you para ma-meet mo ang katiwala sa bahay at sa building mo. I love you, sis. Happy birthday!
P.S. 'Wag kang basta lalayas, magpaalam ka sa amin.
Kuya Gabriel
Isang property sa Boracay ang binili ng Kuya Gabriel niya para sa kanya. Ang isa naman ay commercial space na may kasamang building. Hindi napigilan ni Georgina ang maluha. Namatay ang kapatid niyang puro siya ang inaalala.
Nang matuyo ang mga luha ni Georgina ay alam na niya kung saan siya susunod na pupunta. Gabriel gave her a gift, he wanted her to be free and spread her wings. Kaya kahit pasado alas siyete na ng gabi ay tinawagan niya si Atty. Dimaculangan. Nasa phone book ng lumang cellphone ni Gabriel ang private line ng abogado.
"Hello?"
"Good evening, Attorney. Si Georgina Valdez po 'to."
Saglit na natahimik ang kausap niya sa kabilang linya. Narinig ng dalaga ang kaluskos ng mga papel at tunog ng paghatak sa isang upuan.
"And here I thought hindi mo na ako tatawagan."
"Kakabasa ko lang ng e-mail ni Kuya."
"I've heard from your parents that you went on a vacation. I understand."
"Thank you. Gusto kong magpunta sa Boracay."
"Sige, tatawagan ko ang katiwala para makapaghanda sa pagdating mo. Kailan mo balak bumiyahe papunta doon?" tanong ng abogado.
"Bukas po."
"Alright."
#
Gabriel bought her a charming cottage nestled in the last stretch of Station Three's white beach. Binansagang "Old Bora" ang Angol Point. Mas tahimik doon kumpara sa ibang bahagi ng Boracay. Kadalasang tambayan ito ng mga locals at expats tuwing weekend.
Ang isa pang binili ni Gabriel ay nasa Station Two, ang tinatawag na party central ng isla. May kasamang two-storey building 'yon. Isang linggo mula nang dumating siya ay nakaalis na sa building ang dating nangungupahang nagnenegosyo ng ukay-ukay. Ni-r****d na lang niya ang balanse. Mabuti na lang at buwanan ang renewal ng lease kaya hindi siya nahirapang paalisin.
Agad niyang ipina-renovate ang building. Mabilis magtrabaho ang mga tauhang nakuha ng katiwala niyang si Ruben. Malayong kamag-anak pala nito si Atty. Dimaculangan. Sa loob ng kulang-kulang dalawang buwan ay operational na ang shop niyang pinangalanan niyang Inked by George.
Sa unang tatlong buwan ay medyo mahina ang negosyo. But she didn't mind. Nag-eenjoy pa nga siya dahil marami siyang oras para magpinta. This is the life she wanted. Sa unang pagkakataon simula nang mamatay ang kapatid, nakatagpo siya ng katahimikan.
Isang araw pagbaba ni Georgina mula sa second floor, ay pumasok si Ruben kasunod ang dalawang lalaki. Akala niya ay customer. Patingin-tingin ito sa mga artworks niya sa dingding. Inusyoso din ng isa ang mga catalogue ng designs niya na naka-display sa rack.
"Yes, po?" hindi nakatiis na tanong ni Georgina.
Lumingon ang mas matangkad sa dalawa. Semi-kalbo ang buhok nito, malaki ang katawan. Mas mukhang bouncer sa club. Sabay silang lumapit kay Georgina at ngumiti.
"Ikaw ba ang may-ari ng lupa at building na 'to?" tanong ng mukhang bouncer.
"Opo."
"Binibili namin ang mga property dito, Miss..."
She noted he called her Miss. Hindi pa nga nito alam kung single siya o hindi.
"Valdez," she offered.
"Miss Valdez. Kasama ho kasi sa proposed development plan namin ang bahaging 'to."
"So?"
"Gusto naming bilhin ang property n'yo."
Umiling si Georgina. "I'm not selling my property, gentlemen."
"Name your price, Miss Valdez."
Tinaasan niya ng kilay ang lalaki. She didn't like his tone.
"I don't need your money." Pinaningkitan ni Georgina ng mga mata ang dalawang lalaki. Tumalikod na ang dalaga nang muling magsalita ang isa.
"Magkano, Miss Valdez? Ten million? Fifteen?" pilit pa rin ng lalaking may balbas.
Naalibadbaran na si Georgina. Alin ba sa sinabi niya ang hindi nito maintidihan? Pero kahit naiinis na siya ay nagpigil pa rin ang dalaga.
You promised to be a better person, Georgina. Hinga lang ng malalim.
She put on her fakest smile. "Please, just go away and make yourselves extinct."
"Babalik kami bukas, Miss Valdez. Please think about it."
Doon na napatid ang pasensya ni Georgina. "Ten billion and my land is yours."
"T-Ten billion?" Sabay na napamulagat ang dalawang lalaki.
"Akala ko ba name your price?"
"Maliit lang naman 'tong property mo," reklamo ni Kalbo. She decided to tag them as Kalbo and Balbas.
"Take it or leave it."
"Can't we negotiate?" hirit ni Balbas.
"Ruben!" Naghalo na ang tili at inis ni Georgina. "Please, throw these low-born peasants sa labas!" Maarteng pinaypayan niya ang sarili gamit ang dalawang kamay.
"Yes, ma'am!" Pigil ang tawang pinagtutulak ni Ruben ang dalawa palabas ng shop.
Pero ipinaglihi yata sa adobe ang mga lalaking nagpunta sa shop niya. Dahil nang sumunod na araw ay bumalik na naman ang mga ito. Buti na lang nasa labas si Ruben kaya hindi nakapasok ang mga ito para mang-istorbo. May kliyente pa naman siya. Ayaw na ayaw niyang naiistorbo habang may ginagawa.
At habang lumilipas ang mga araw ay paunti nang paunti ang mga taong dumadayo sa kanila. Kung hindi lang siya fully booked sa buong buwan ay wala siyang customer. Kaya inutusan niya si Ruben na magmasid-masid at makibalita.
"Kalat na nga daw sa buong Station Two na magsasara na itong district natin. Nabili na ng Plata Estates ang karamihan sa mga lupa."
Tumaas ang kilay ni Georgina. Bago sa pandinig niya ang Plata Estates. "Sino'ng developer?"
"Sanderland po."
Sa narinig ay nakaramdam ng kaba ang dalaga. It has been more than two years. Kamusta na kaya siya? Ang huling balita niya kay Lee ay umalis ito ng Sanderland.
"A-Ah." Dati nang mainit sa Boracay pero lalo yatang uminit ngayon. "Lalabas muna ako, ikaw na ang bahala dito."
"Opo."
Paglabas niya ng shop ay sinalubong siya ng mainit na hangin. Lalong nagpawis ang mga palad ng dalaga kasabay ng pagguhit ng pawis sa likuran niya.
Crap! I left my sunnies upstairs.
Hindi puwedeng hindi niya suot 'yon 'pag ganitong matindi ang sikat ng araw. Minsan na siyang nagkamali, kinagabihan ay inatake siya ng migraine.
"So, you've been holing here all these times."
My ears are just playing tricks on me.
Hindi iilang beses niyang inakalang si Lee ang naririnig niya sa mga napuntahan niyang lugar. Imposibleng nandito si Lee. Leandro Zervos is not the beach kind of guy. Mas gusto nito ang umakyat ng bundok at wild water rafting. Kaya imbes na lingunin ang nagsalita ay di-nis-missed 'yon ni Georgina.
"Running again, Georgina?"
Natigilan ang dalaga. His voice is too clear to be an illusion. Nanatili siyang nakahawak sa door knob na parang nadikit na ang kamay niya. Natatakot siyang lumingon kasabay ng pagkabuhay ng kaba sa dibdib.
Just then, a light breeze blew from behind. Hindi 'yon ang nagpalakas ng kaba sa dibdib ni Georgina kundi ang amoy na hatid ng hangin. It was the smell of pine, wood musk with a hint of cigarette. Iisa lang ang nagmamay-ari ng ganoong amoy, noon at ngayon.
The first time she smelled him, she wanted to bottle his scent. Naisip pa nga niya na lalo siyang yayaman kung posible niyang maisabote ang amoy at ibenta. Maraming babae hindi lang sa Pilipinas ang sigurado niyang ma-ho-hook.
Dahan-dahan siyang umikot. "Lee," she whispered.
"Hello, sweet thing. Ang tagal mo akong pinagtaguan," nakangising sabi nito.
Oh my god!
Walang binago ang dalawang taon kay Lee.
#
Hindi mapigilan ni Lee na hagurin ng tingin si Georgina. Her skin looked like silk under the afternoon sun. Her mile longs legs are on display, making it hard for him to focus on her face. Sino'ng mag-aakalang nandito lang pala ito sa Boracay? Buti tinanggap niya ang alok ni James na maging consultant sa bagong project ng Sanderland.
Naghiwalay man sila ng kapatid ni James na si Chantal, hindi nagbago ang samahan nila ng lalaki. At hanggang ngayon, walang nakakaalam ng tunay na dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Chantal. Pinagbigyan niya si James kahit na consultant siya sa construction firm na pag-aari ng pamilya ng Mommy niya.
Kasunod ng paghihiwalay nila ni Chantal ang pag-re-resign niya sa Sanderland. He went to Greece to think. Isang taon din siyang nawala. Georgina kept popping in his thoughts while he was away. Pagbalik siya sa Pilipinas ay aaminin niyang medyo ni-look forward niya ang muli nilang pagkikita. Pero bigla itong nawala. Walang makapagsabi kung saan nagpunta ang babae.
"W-What do you w-want?"
Napakurap si Lee nang tuluyang humarap si Georgina. Naka-pony tail ang buhok nito kaya kitang-kita niya ang makulay na tutubi sa leeg ng dalaga. Bigla siyang pinagpawisan at nakaramdam ng pagkabalisa. He's not even into inked women for god's sake!
"You," wala sa loob na lumabas sa bibig niya.
"M-Me?"
He shook his head, that came out wrong. "Ibig kong sabihin, kailangan kitang makausap."
"I-I don't think we have something to talk about. Excuse me, busy ako." Bago pa mabuksan ni Georgina ang pinto ay napigilan na ni Lee.
"Stop with the act," bumaon ang mga daliri niya sa kalambutan ng braso ng dalaga. Inilapit ni Lee ang bibig sa tainga nito. "Magbabayad ka sa pagsira mo sa relasyon ko kay Chantal. Ngayon, sasama ka ba sa akin o kailangang ihagis pa kita sa loob ng kotse?"
Nagkataong nag-conduct siya ng occular inspection sa site kahapon nang marinig niya ang usapan ng dalawang tauhan ng Plata Estates. Nang tanungin niya ang dalawang lalaking mukhang goons ay laking gulat niya nang malaman kung sino ang pinag-uusapan ng mga 'to. Pasimple niyang kinausap ang mga lalaki at nakuha ang eksaktong address ng shop ng dalaga. At hindi niya inasahang may-ari ito ng isang tattoo shop.
Aalalayan pa sana niya si Georgina sa pagpasok sa itim na 4x4 truck niya pero naunahan na siya nito. Pabagsak nitong isinara ang pinto, naiwan siyang nakatanga. Napakamot na lang si Lee sa ulo. May temper din pala 'to.
Eh, ngayon? Gusto ka pa rin ba niya?
"Where are we going?" walang kangiti-ngiting tanong ni Georgina nang makapasok siya sasakyan.
"Some place where we could talk," sagot niya at pinaandar ang sasakyan.
"Is one hour enough?"
Natawa si Lee. Is this woman for real? "It will take longer than that."
"Bummer," she muttered saka sumandal sa upuan.
#
Pakiramdam ni Georgina ay nalipat sa batok niya ang araw. Naka-on naman ang aircon sa sasakyan ni Lee pero hindi sapat para pigilan ang pamamawis niya. Todo panggap siyang hindi apektado. Pero ang totoo ay gusto niyang tumalon palabas ng sasakyan.
"You look good," komento ni Lee na nagpalingon sa kanya.
"Y-You too."
"So, tattoo. Kailan pa?"
"Ha?"|
"That dragonfly on your neck?"
Wala sa loob na napahawak siya sa leeg. "L-lately lang."
Tumango si Lee. Nasa daan na nakatutok ang mga mata nito. Base sa dinadaanan nila ay nasiguro ng dalaga na sa Station Three sila papunta. Hindi nagtagal ay tumigil sila sa isang resto bar sa tabing dagat. Dahil alas tres pa lang ng hapon, wala pang masyadong tao.
"Come on."
Walang salitang sumunod si Georgina. Naghihintay si Lee sa kanya sa entrance. Paglapit niya ay nagulat siya nang dumikit sa likod niya ang palad ng binata. Lihim niyang naikuyom ang isang kamao. Pinilit niyang 'wag lumitaw sa mukha ang pagkagulat.
Pagpasok nila sa loob ay sinalubong sila ng isang lalaking kasing-tangkad ni Lee. Balbas sarado ito, nakasuot ng shades. Nakasilip sa bukas na polo nito ang maskuladong dibdib. Naka-shorts lang din ang lalaki kagaya ni Lee.
"Pare, ang aga mo ah."
"Ivan, meet Georgina Valdez. This is Ivan Lacsama, kaklase ko nonng high school at may-ari nitong lugar," pagpapakilala ni Lee.
"Nice meeting you, Georgina." Nakangiting nag-alok ng kamay si Ivan pagkatapos tanggalin ang salamin. Umakyat ang tingin nito sa mukha niya, tumigil nang sa leeg. "Nice ink."
Tipid ang ngiting tinanggap ni Georgina ang kamay ni Ivan. "Thanks. Nice meeting you, too. "
"Saan mo ipinagawa?"
"This is my master's handiwork. I had it in Palawan."
"Master?" takang singit ni Lee.
"My teacher. I learned the craft from him."
"Wow. Can you redo mine?" tanong ni Ivan. Inililis nito ang manggas ng polo at nalantad ang kumukupas nang image ng ahas sa braso nito.
"Sure. We'd have to arrange a schedule first. I don't do house calls. Punta ka na lang sa shop ko."
"Walang problema. I'll give you my number para mapag-usapan natin."
Bago pa man makapagpalitan ng contact numbers sina Georgina at Ivan ay humarang na si Lee.
"We came here to talk. Mamaya na 'yan," mahinang saway ng binata kay Georgina. Pagkatapos ay hinarap nito ang kaibigan. "Can we use the roof deck?"
Nakita ni Georgina ang pag-angat ng isang kilay ni Ivan. Nagpalipat-lipat ang tingin ng lalaki sa kanila ni Lee. Dahan-dahang nagkahugis ang ngiti sa labi nito bago tumango.
"Follow me."
Off limits pala ang roof top sa mga customers. Doon ini-entertain ni Ivan ang mga kamag-anak, personal na kakilala at kaibigan. Kalahati ng space ay may bubong kung saan may malalaki at kumportableng sofa.
"Salamat, pare."
"I'll leave you two to your...errr...conversation."
Nang makaalis si Ivan ay namagitan sa kanilang dalawa ni Lee ang katahimikan. Si Georgina ang unang kumilos para maupo sa isa sa mga sofa doon. Inakala niyang pipilian ni Lee ang katapat na upuan pero tinabihan siya nito. Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkabigla ay sinunggaban siya ni Lee sa braso. Kandaduling siya sa lapit ng mukha ni Lee.
"W-What are you doing?" kabadong tanong niya.
Lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib ng dalaga nang ngumisi si Lee. Gone was the well-behaved boy next door. Ang Lee na kaharap niya ngayon ay parang leon na handa siyang gawing hapuna. Sinasaniban na siya ng takot sa pagbabago ng mga mata nito.
"Punishing you. I promised, didn't I?"
Her stomach dropped when she saw the cruel glint in his eyes. "L-Lee."
"Leandro, Georgina. It's Leandro for you. Now, say it!" Niyugyog siya nito.
"L-Leandro."