EPISODE- 7

1827 Words

KUNDI dahil sa sunod sunod na katok mula sa labas ng pinto. Hindi pa bumangon si Liam, pero nilingon niya muna ang katabing higaan. Ngunit tanging unan ang naroroon at bakas ng katawan ng dalaga. Hindi niya rin natiis si Micah, pinakawalan niya rin ito. At bago umalis ay pinatikim pa siya nito ng sipa at suntok. Hindi naman siya lumaban at hinayaan ang dalaga na ilabas nito ang galit sa kaniya. Tumayo siya at naglakad patungo sa pinto. Binuksan ang pintuan at nakatayo sa labas ang dalawang kakambal. “Akala ko pinatay ka na ni Ms. Micah,” pagbibiro ni Kuya Luke. “Magbihis ka na bago pa lumipad ang eroplano at maiwan ka dito.” “Saan ang punta natin?” “Nawala ka na talaga sa sarili, bukas ang wedding anniversary nila daddy at mommy, nakalimutan mo?” wika ni Levi, sa kaniya. “Oh, sh*t!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD