"What are you doing there?" pang-ilang beses nang naitanong ni Ric sa akin iyon. Mula pa kanina at hanggang ngayon ay iyon pa rin ang tinatanong. Hindi ko nga lang s'ya sinasagot dahil bukod sa namamangha pa ako na narito s'ya sa Batangas, abala rin ang mga mata ko sa pagsuyod dito sa pinagdalhan n'ya sa akin. We didn't go to any room in the resort. Kahit sa mga detached rooms, hindi rin kami roon pumunta. Nasa isa sa mga villa kami. Mas malaki nga lang kaysa sa mga villa at halatang pribado. May nakita pa akong swimming pool sa labas kanina na mukhang exclusive lang talaga sa tumutuloy sa villa'ng ito. Did he rent this place? Puwede ba iyon? Puwede naman siguro lalo na at mayaman talaga s'ya. I mean, afford ko na ring mag-rent ng isang buong villa pero dahil struggling and working