Maganda ang mood ko nang gumising ako kinaumagahan. Alas sais y medya pa lang yata ay kasalo ko na rito sa restaurant si Sebastian. "Mukhang maganda ang tulog mo, ah!" Pilyo na ang ngiti ni Sebastian nang salubungin ako. I rolled my eyes at him. Pinasadahan ko ang restaurant. Halos puno na iyon at puro trabahador namin ang umuokupa sa mga lamesa. Nag-overtime ang lahat ng mga trabahante at isa ang breakfast na ito sa inihanda namin para sa kanila. "Kumusta naman ang villa ng isang engineer?" Hindi pa matapos-tapos ang pang-aasar ni Sebastian. Naupo ako at hinarap ang demonyong kaibigan. "Bakit ikaw lang ang nandito? Where's Markiel?" Nagkibit lang ng balikat si Sebastian. Nginisihan n'ya muna ako bago hinarap ang mga nakahaing pagkain. Gusto ko sana s'yang tusukin ng tinidor pero ab