The lighthouse collapsed. At hindi lang iyon, maging iyong dalawang haligi ng mini-clubhouse na kasabay na matatapos niyon ay bigla na rin lang na gumuho. Base sa report, kaya namang ayusin iyon, kayang itayo ulit nang hindi masasangkalan ang tibay niyon, iyon nga lang, wala nang oras, at base sa nabasa ko, wala na ring mga materyales na kailangan! Ang mga materyales na mayroon ay para sa iba pang parte na kailangan ng renovation. Hindi rin naman sana problema iyon dahil may budget naman para sa mga ganitong klase ng problema. Wala nga lang akong planong gamitin sana iyon. Gusto ko rin sanang ipakita sa board na hindi magagalaw ang budget para sa mga unexpected problem, gusto ko sanang hanggang doon lang sa mga kailangang materials ang pondo ng proyektong ito. To maximize the resources.