Chapter 15: Moving On PARA akong sirang plaka na hindi maindintihan. Paulit-ulit na sinasabi ng utak ko na kalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Marcus pero hindi ganoon ang ibinubulong ng puso ko. Mahal ko si Marcus, mahal na mahal ko siya at nababaliw na ako sa kaniya. Pero isang katangahan at kabaliwan ang ginagawa kong ito sa sarili ko. Kasama ko ngayon si Brye at nandito kami sa isang karinderya na nadaan namin pauwi ng Tarlac. Isang karinderya na ang ibinebenta ay lugaw special, may puto rin at mga suman pati mga iba't ibang kakanin. Hindi ko akalain na hindi maarte si Brye sa ganitong mga pagkain at hindi katulad ni Marcus na pinandidirihan ang paa ng manok na paborito ko. Iniabot sa akin ni Brye ang mangkok na may lamang lugaw na umuusok pa. Ngumiti ito sa akin na para bang ok