Chapter 13 Yna's PoV NAGPASYA akong kausapin si Brye para tulungan si Lance na makipag-ayos sa kapatid nito. Ito na lang ang alam kong makakatulong para magkaayos ang dalawa. At para na rin sa video greeting daw ni Brye sa kaibigan nito sa plano nitong party. "Sasama ka ba sa El Paraiso?" tanong ko rito. "Pupunta ako para kay Lance at hindi para kay Marcus." Nangalumbaba ito at tumingin sa akin. "Hindi ako gagawa ng eksena na makakasira kay Lance. At kung hindi mo nga pala alam nakasunod sa iyo ang boss mo." Ngumuso si Brye sa kanan ko pero hindi ito lumingon. Inakbayan ako ni Brye. "Siguro p'wede kitang tulungan para mapagselos ang boss na kinababaliwan mo... iyon ay kung gusto ka niya." Tinawanan ako ni Brye. Masama akong tumingin kay Brye. "Sinundan niya ako rito kaya parang ramdam