Chapter 1

1735 Words
For the last six months after Direk convinced him to play Kean's role, Robin had undergone intensive training. Para raw magkaroon siya ng "celebrity appeal". Tapos, nag-workshop din siya, kasama ang mga co-star niya, for the three months. And today was the last day of the workshop. Mag-isa siyang nakahiga noon sa sahig sa practice hall. His co-stars all went outside for a short break. God, I still can't believe this is happening, isip niya. A few days from now, sisimulan na ang shooting ng TV series na ipapalabas sa unang linggo ng Agosto. Ang weird pa rin isipin na may talent pala ako sa pag-arte? Never kasi niyang sinubukan umarte kaya hindi niya alam. Paano kaya kapag pumatok ito? Kakayanin ko bang sumikat? He imagined himself being recognized by anyone every time he would go outside. He shuddered at that thought. Hindi niya gusto ang ganoong atensyon. Napabuga na lang siya ng hangin. "Lalim no'n, ha?" Natigilan siya at tarantang napabangon upang tingnan ang bagong dumating. He immediately regretted it dahil biglang sumakit ang ulo niya. "Hey, you're back," bati niya kay Aldous habang minamasahe ang sentido. Aldous would be playing Benjamin, Kean's best buddy and the second leading man. Habang palapit ito sa kanya, hindi niya maiwasang hagurin ito ng tingin. Plain white shirt at itim na denim lang ang suot nito pero napakalakas ng dating. Bakas na bakas kasi ang kakisigan nito at ang ganda pa ng tindig. When Aldous stopped in front of him, Robin had to look upward. Ang tangkad ba naman kasi nito. Nilabas ni Aldous ang isang hamburger sa bitbit nitong plastic. "Here," sabi pa nito habang inaabot iyon. Napamaang siya. "For me?" Tumango ito at ngumiti. And it took everything in Robin to force himself not to blush. Putek, ang gwapo talaga niya. Kinuha niya ang hamburger to distract himself. "Thanks." Inamoy niya ang burger at halos maglaway sila sa matapang na meaty scent niyon. "Welcome! Paano ba iyan, bayad na ako sa utang ko ha? Last time, ikaw ang nanglibre sa akin." "Luh? Sabi ko naman sa iyo, wag mo nang bayaran." "But I insist. At kulang pa ito kaya ililibre pa ulit kita." Muli nitong pinakita ang napakaganda nitong ngiti. Ngumuso siya para itago ang pamumula. Ang gwapo kasi talaga nito. Lalong sumisingkit ang natural nitong singkit na mga mata. "Sige na nga, if you insist." It happened last week. Pagkatapos nilang mag-workshop, niyaya siya ni Aldous na kumain sa isang pasta shop. Kaso noong magbabayad na sila sa counter, noon lang nito na-realize na naiwan nito ang wallet sa kotse. Para hindi ito mapagod, nilibre na ito ni Robin. Niyaya siya ni Aldous na maupo sa sahig para kumain sila. Noon lang niya napansin na dalawang box pala ng ready-made rice meal ang binili nito. Hindi tuloy niya maiwasang mapamulagat. "Bakit?" nagtatakang tanong nito nang mapansin ang titig niya. Umiling siya. "Gutom na gutom?" "Yeah. Wala pa akong kain mula kagabi. Saka magwo-workout ako mamaya. Alam mo naman, para mapanatili ang muscles ko." Tinaas nito ang mangas sa kaliwang braso saka finlex iyon. Kamuntikan nang mapakagat ng labi si Robin. Mabuti't napigilan niya ang sarili. "Sipag ninyong mag-workout." Napailing-iling siya. At the back of his mind, he imagined Aldous's nakedness. Broad shoulder and pecs tapos maliit na baywang. Gosh, ang sexy. Sayang, straight siya. Kinagatan ang burger niya. He realized na wala palang ketchup iyon. Kinuha niya ang sauce sachet at kinagat para buksan. "Oops," nasabi na lang niya nang sumirit sa bibig niya ang ketchup. Sabay silang natawa ni Aldous. "Ang clumsy, ha?" sabi ni Aldous saka tiningnan ang pisngi niya. Tapos kinuha nito ang tissue at nagkusang punasan siya. This time, hindi na napigilan ni Robin ang mapangiti. Kinilig kasi siya. "Uy, ang sweet!" Napitlag siya saka napatingin sa pinto. Nadatnan niyang ngingisi-ngisi ang isa pang matangkad ulit na lalaki. Another co-star: Logan. Nakapamulsang naglakad ito palapit sa kanila saka umupo sa tabi niya. "Robin! Na-miss kita!" Mahigpit siya nitong niyakap. "Pakagat nga." Tapos inagaw nito ang burger sa kanya. "Hoy, meryenda ko iyan!" angil niya habang pinapanood itong kumagat nang malaki. Before Logan could take another bite, binawi na niya ang burger. "Ano ba iyan! Puro laway pa. Kadiri," nakakunot ng noong reklamo niya habang nakatingin sa kinagatan nito. "Arte naman nito. Parang hindi tayo maghahalikan soon sa taping, ha?" kontra naman ni Logan. Binigay niya sa lalaki ang inalis. Tapos, inirapan ito. "Uy, galit ka na naman sa kin?" Humagikhik ito saka siya muling niyakap. "Sorry na, Baby Robin. Wag ka nang magalit." Ngumuso pa ito na parang bata. Hinarap niya si Aldous, na tahimik silang pinapanood. "Aldous, pahiram nga muna ng kutsara mo. Sasaksakin ko lang ngala-ngala nitong impaktong ito." Agad namang lumayo si Logan. "Wag naman! Baka mawalan pa ako ng boses. Sayang ang golden voice ko." "'Kay." Inirapan niya ito. Tapos sumandal siya sa dingding at sinimulang lagyan ng ketchup ang burger niya. Logan would be playing Luigi, the title role na estranged best friend ni Kean. Ito rin ang magiging makakatuluyan ng gagampanan niyang karakter. And Robin dared to say that Logan is pretty much Luigi. Pareho kasi silang sobrang kulit at nakakairita. "Anyway, may plano ba kayo after nitong workshop?" maya-maya'y tanong ni Logan. Naunang sumagot si Aldous. "Workout. Saka uuwi ako ng Batangas mamayang gabi." "Hindi mo ba pwedeng ipagpaliban ang pag-uwi mo? Long weekend naman," sabi ni Logan. What he actually meant by that is wala silang schedule pagkatapos nito. Sa Linggo na ang susunod — guesting sa isang late night talk show. Umiling ito. "Kaya nga gusto kong umuwi. Long weekend tayo ngayon. Gusto kong makasama ang family ko." Umiling-iling si Logan. "Wala, boo. Clingy talaga sa pamilya." Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Ikaw, Robs?" "Robs?" Kunot-noo niyang tanong. "As in Robin. Haba ng pangalan mo, e." "Mahaba pa ba iyon? Dalawang syllables na nga lang." "E basta!" Winagayway nito ang kamay sa hangin na para bang sinasawalang-bahala ang sinasabi niya. "Free ka ba?" Mabilis siyang nag-isip. Wala naman siyang gagawin. "Bakit? Ano bang gagawin?" tanong niya. "Kain lang tayo. Samgyeopsal. Kailangan din nating mag-relax dahil nakaka-stress kaya." Humiga ito sa sahig at humikab. Na-stress ka pa pala ng lagay na iyan? Wala sa loob na napakunot siya ng noo. Logan was actually the laxest among them. Ni hindi nga nito maayos ang pag-arte! Naramdaman niya ang paghawak ni Logan sa braso niya. "Ano, sama ka na? Feeling Korean ka naman di ba?" Ngumisi ito. Tumaas ang isa niyang kilay. "Sinasabi mo d'yan?" "Asus! Kunwari ka pa. Panay ka nga like ng picture ng mga Korean sa Instagram." "Ha? Bat mo alam?" Natigilan ito. "Ha? Kasi lumalabas sa newsfeed ko." Halata sa tono nitong nagsisinungaling ito. Naningkit ang mga mata niya. "Dude, ** iyon. Alam mo ba kung paano lumalabas ang activity ng ibang taong fino-follow mo?" Natigilan ito at napaiwas ng tingin. Samantalang tumawa si Aldous. "Stalker," bulong pa nito pero narinig iyon ni Robin. Yeah. Ano pa nga bang explanation? Creepy. Napailing-iling na lang siya. Pero bakit naman niya ako ini-stalk? Biglang bumangon si Logan. "Anyway, sasama ka na, ha? Walang kontra—" "Dude, hindi pa ako umo-oo," sabat niya. "Ganoon ba?" Hinawakan nito ang baba niya. "Say, 'Oo', dali!" Mabilis niyang pinalo ang kamay nito. "Hindi ako uto-uto, Logan—" Bigla siyang hinigit nito. Napalunok na lang siya at napaiwas ng mukha as a reflex dahil kahibla na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. "Say, 'Oo', Baby Robin," nakangising usal nito sa husky tone. "Alam ko namang hindi mo ako matatanggian, 'di ba?" Muli siyang napalunok. Hinawakan niya ang kamay nito para piliting alisin iyon. But Logan won't budge at all. Sinibukan niyang lagyan ng pwersa. "Logan, ano ba—" Napasinghap na naman siya nang bigla siya nitong ihiga sa sahig. At pumaibabaw ito sa kanya! "Baby Robin, don't make it harder, please?" bulong nito sa tenga niya. Hiningahan pa siya nito sa leeg. His hot breath made Robin shudder. Naramdaman din niya ang pagtibok ng malakas ng puso niya. Tang ina naman, Logan! Ba't ka ba ganito? "So, Robin—" "Oo na!" Buong pwersa niya itong tinulak. Pero wala pa rin siyang nagawa. Logan was just too strong for him. Those hard muscles underneath his shirt would prove it. "Oo na. Sasama na ako!" Ngingisi-ngising bumangon ang lalaki. "Iyon naman pala, e. Dami pang arte, gusto rin naman." "Gusto ka d'yan. Pinilit mo kasi ako!" Halakhak lang ang tinugon ng lalaki. Tapos, tumayo ito. "Sige, alis muna ako, ha? Maya na ako babalik kapag magte-training na tayo ulit. At wag kang magkakamaling tumakas mamaya. Hanggang bahay n'yo, susugurin kita." Umalis na ito. Tumalak siya saka umirap. "Hay, ewan ko sa iyo. Para kang tanga," pabulong niyang reklamo. Tapos, kinapa niya ang dibdib. Ang bilis pa rin ng t***k ng puso niya. Noon lang niya naramdaman ang biglang paglukso ng takot sa dibdib niya. Ito na naman. Nati-trigger ang anxiety niya. Mabilis niyang tinago ang mga kamay sa loob ng suot na Korean sweatshirt nang maalala niyang kasama pa pala niya si Aldous. "Nakakabanas talaga si Logan kahit kailan," reklamo niya. He tried to act normal. Thankfully, he was doing great. Sabagay, matagal na rin niya itong ginagawa. "Gano'n ba talaga iyon? Parang sinto-sinto? Iskandaloso pa." Nagtaas siya ng tingin at napansin niya ang titig ni Logan sa kanya. Parang... concerned? Bumaba pa nga ang tingin nito sa mga braso niyang nasa loob ng shirt. Aldous sighed. Tapos, binaba nito ang hawak na pagkain. "Dude, kung hindi ka kumportable, you should speak," sabi nito. "Hindi tama ang ginagawa sa iyo ni Logan." Natigilan siya. Nahahalata ba niya? Then, he sighed again saka niya nilabas ang mga braso. Nanginginig pa rin iyon. It won't stop shaking even if he forced himself not to. Nanatili ang tingin ni Aldous sa braso niya. Tapos lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Do you want to tell me something?" tanong nito. "You can trust me, Robin." Then, he gave him a reassuring smile. Sinalubong niya ang tingin ng lalaki. In a world full of jerks, there was still someone like Aldous. Mga taong marunong makiramdam. Maybe Aldous would understand his situation. Mukha naman itong mabait. But when he opened his mouth, no voice came out. Parang lumala pa yata ang pagkataranta niya. Now, his mind went blank. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Kung paano sisimulan ang pagkwekwento. What if maulit lang ang dati? Yumuko siya. Yeah, it's possible. Kaya sa huli, umiling na lamang siya. "It's nothing." Hindi siya nakatingin sa lalaki pero naramdaman niyang natigilan ito. "Are you sure?" Tumango siya. "And it's not like may magagawa pa ako kay Logan. Alam mo naman iyan, napakakulit." "Pero gusto mo ba talagang sumama?" Nagkibit-balikat siya. "Libre naman daw niya." Naramdaman niya ang kamay nito sa ulo niya. "Kung iyan ang gusto mo, sige, ikaw ang masusunod. But Robin, you should speak next time. Wag mo hayaang ganyan-ganyanin ka ni Logan, okay?" Tango na lamang ang sinagot niya. Inalis ni Aldous ang kamay sa ulo niya saka nagpatuloy sa pagkain. And they were shelved with silence...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD