bc

Better than Never (Tejada #1)

book_age4+
706
FOLLOW
1.7K
READ
one-night stand
popstar
drama
sweet
mxb
bisexual
betrayal
twink
mxm
like
intro-logo
Blurb

Tahimik lang ang buhay ni Robin, pero nagbago ang lahat nang maging viral ang libro niyang Mario Luigi: Scandalous Lover. Sinulat niya ito para ilabas ang sama ng loob sa dati niyang best friend. Sinong mag-aakala na dahil din sa librong ito, madi-discover siya at magiging artista?

And the surprises didn't end there. Out of nowhere, sunod-sunod ang mga hot papi na umaamin sa kanya. Kasama na roon si Aldous Chrom Fortaleja, ang kanyang ultimate celebrity crush.

Sundan ang mala-roller coaster na buhay ni Robin matapos siyang magising sa tabi ni Aldous nang walang saplot, puno ng chikinini at walang kahit anong naaalala tungkol sa naganap sa kanila sa nagdaang gabi, at alamin kung paano niya haharapin ang consequences ng nakaraang ayaw sana niyang harapin...

-

TEJADA DUOLOGY #1

Maximus Robin Tejada's story

chap-preview
Free preview
Prologue
"Iyan... na ba lahat?" nag-aalangang tanong ni Robin. As much as he did not want to be rude, his face exhibited disappointment after seeing all the clips of the auditionees. These actors were hoping to get the role of Kean, ang main character sa libro niyang Mario Luigi: Scandalous Lover na gagawin nang TV series. Tumango ang direktor ng TV series, si Direk Acosta. "So, what do you think? May papasa bang Kean?" "Ayokong maging mayabang pero..." Umiling-iling siya. "I think we need to find another one. Walang bagay." "So, pareho pala talaga tayo ng opinion?" Natawa ang mid-50s na direktor. "Sa totoo lang, kaya kita pinapunta dito dahil wala akong nakitang bagay. Buti pa ang role ni Benjamin saka Luigi, meron na." Mga leading men ni Kean ang mga binanggit nitong karakter. Nagpaalam si Robin na gagamit muna ng toilet. Direk told him where it is. Habang naghuhugas siya ng kamay, hindi mawala sa isip ni Robin ang mga nag-audition. To describe Kean, introvert ito. Madalas itong tahimik at mukhang walang pakialam sa kapaligiran. Yet it did not mean he was incapable of showing any emotion. Katunayan, heartbreaking scene ang eksenang pinagawa sa mga nag-audition. Mahirap ba talaga ang role ni Kean? Huminga nang malalim si Robin saka pumikit. Pagdilat niya, sinabi niya ang unang linya sa eksena: "Na bakla ako?" Bumuga siya ng hangin saka kinagat ang labi na para bang kinakabahan. "To be honest, Luigi? I'm not really sure. Baka bisexual kasi nagkaka-crush din ako sa babae." Muli siyang humugot ng malalim na hininga. "But yeah, siguro I'm really gay. Matagal ko nang alam iyon." Humikbi siya. "At natakot ako... natatakot ako..." Niyakap niya ang sarili at yumuko. Naramdaman din niya ang unti-unting pag-iinit ng mga mata niya. "I'm afraid you'll reject me, Luigi, kaya ako lumayo after ko marinig lahat ng sinabi mo laban sa mga bakla. You're my first friend. My only best friend, at hindi ko yata kayang harapin ang katotohanan kung bigla mo akong pandirian dahil sa kasarian ko." In his mind, "Luigi" apologized for what he said before. Na-imagine din niyang niyakap siya nito at nangakong magbabago para sa kanya. Those words... matagal na niyang gustong marinig iyon. And yet it did not happen. And possibly would never. The Luigi of his life was long gone. Hindi nga ba iyon ang dahilan kung bakit niya isinulat ang libro? Gusto niyang ilabas ang lahat ng hinanakit niya rito. Remembering the past made him feel frustrated. Naging dahilan iyon para tuluyan siyang mapaiyak. Napaluhod pa siya. "I'm sorry... I'm sorry..." sabi pa niya habang pinupunasan ang mga luha. Napitlag na lang siya nang bigla na lamang may pumalakpak. Taranta siyang napatayo at napahilamos saka tiningnan kung sino iyon. Si Direk pala. "Nice acting, Robin! Ang galing mo palang umarte!" masaya pa nitong kumento habang palapit sa kanya. "That's exactly what I'm looking for." "Kanina ka pa?" naiilang niyang tanong. Tumayo ito. "Of course! And I have seen everything." He blushed. "OMG. Nakakahiya." Tumawa ito saka ginulo ang buhok niya. "Nakakahiya ka dyan! Tama lang na nakita ko. Bagay na bagay sa iyo, Robin. Or shall I say, Kean?" Ngumiti ito. Napamulagat siya. "I think I find the perfect person to play for that role." Tumawa ito. "All this time, nandito lang pala siya! Nagsayang pa ako ng oras." Umawang ang labi niya. He's not dense. Alam niyang siya ang tinutukoy nito. Siya ang hinahanap niyang gaganap sa karakter na sinulat niya. He has so many frustrations and regrets, and he created Kean to give him the false illusion that he had fixed those messes. At ngayon, isasabuhay niya ito...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
364.2K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.6K
bc

OSCAR

read
227.2K
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
684.9K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.3K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
237.1K
bc

Unloved by the billionaire

read
397.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook